Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 6

161K 2.1K 73
                                    

Tumawag si Dad but I declined his call. Mas gusto kong kausapin siya nang personal para magkaunawaan kami. I focused on my work at pinilit nang ibaon sa isip ko ang mga kutob ko kay Daddy. Pag-uwi ko, nakapaghapunan na sila kaya umakyat ako sa opisina ni Dad para makausap siya. I knocked twice. "Dad?"

"Come in."

Pumasok ako at hindi na nag-abala pang umupo. "Hindi mo na dapat pinapunta si Renzo dito."

"Ipinapaalala ko lang na may kasal siyang paparating—"

"Pero mas lalo lang siyang nagalit. Gusto mo bang ikasal ako sa lalaking galit na galit sa 'kin? Stop meddling, Dad."

"Ayoko lang na lumala ka."

"Anong lumala? I am not sick."

Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "But you act like you do. Walong taon na, hindi mo pa siya nakakalimutan. Ibinibigay ko na nga sa 'yo ngayon. Ano pa bang gusto mo?"

"Hindi siya pag-aari na ipinamimigay—"

"Oh, come on. You wanted this, Wendy. You wanted this."

Tsk. This talk is nonsense. Tumayo na ako at saka nagtungo sa kwarto ko. Naiirita ako sa mga sinasabi ni Dad dahil kahit papano, alam kong totoo. Truth does not only hurt you; it can also piss you off.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Renzo pero hindi siya sumasagot. Gusto ko pa naman sabihing huwag na muna siyang mag-alala tungkol sa kasal. Hindi naman siguro masama kung hahayaan ko siyang manatali muna sa Davao. Nakailang ring na ang cellphone ko pero wala pa ring sumasagot kaya hindi ko na sinubukan pang tumawag ulit.

Papunta na ako sa banyo nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya lumapit ako agad sa kama para sagutin ang tawag. "Renzo?"

"Ma'am? Kaibigan ba kayo ng may-ari nitong cellphone? Kayo 'yung huling tumawag, e."

"Where's Renzo?"

"Bouncer po ako rito sa Canon Grill, lasing na lasing itong kaibigan niyo, Ma'am. Nanggulo kaya nilabas na muna namin. Baka pwede kayong magsama ng maghahatid sa kanya pauwi?"

"Ah sige po, pupunta ako."

Pagbaba ko, natanaw ko si Mommy na kalalabas lang sa kusina at may hawak na baso ng gatas. "Saan ka pupunta? Gabing gabi na. Nag-dinner ka na ba?"

"Kay Renzo, Mom. Naglasing. Gising pa ba si Kuya Jerry?"

"Ano namang gagawin mo?"

"Ma! Gising pa ba si Kuya Jerry?"

"Yes. Nasa quarters, tatawagin ko."

Lumabas na ako at lumapit sa sasakyan. Nilingon ko si Kuya Jerry na galing pa sa likod ng bahay. Sabay kaming nagpunta sa bar na tinukoy ng tumawag na bouncer.

Natanaw ko si Renzo na nakaupo sa gutter habang nakayuko at ang dalawang braso'y nakapatong sa magkabilang tuhod niya.

Lumapit ako agad. He reeks of both alcohol and his perfume. "Renzo..." I gently tapped his shoulder.

Marahan kong inangat ang ulo niya. Nakapikit lang siya habang bahagyang nakabukas ang bibig. Tinulungan na ako ni Kuya Jerry na buhatin siya papunta sa sasakyan at pagdating namin sa bahay, nag-aabang na roon sina Mommy at Daddy.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" I asked.

"What happened to him?" Ang tanong ni Dad pabalik imbes na sagutin ako.

"Nalasing nga po." Saka ko hinayaan si Kuya Jerry na dalhin si Renzo sa guest room.

Nauna na akong lumapit sa hagdan at nilingon sina Mommy. "Ako na ang bahala sa kanya. Magpahinga na kayo."

Pag-akyat ko sa guest room, nanuot muli sa ilong ko ang pinagsamang amoy ng alak at ng pabango niya. Pumunta ako agad sa banyo para kumuha ng towel at binasa ito. Pagbalik ko, dahan-dahan kong kinalas ang butones ng suot niyang long sleeve. Nakita ko na siyang walang pantaas noon but to see him now... all grown up, mature and heavily toned, I know that a work of art is hiding behind his shirt.

Pinunasan ko ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib. Pawis na pawis siya at mabilis ang paghinga. Nang matapos ako, ibinalik ko na ang bimpo sa banyo at kinumutan siya para hindi siya lamigin.

Nawala na ang antok ko kaya naupo muna ako sa sahig habang nakasandal ang ulo sa kama. "I'm sorry..." I whispered. "This must be really hard for you."

Dumilat ako nang may marahang tumapik sa pisngi ko. "Wake up." Nilingon ko si Renzo na medyo nakasingkit pa ang mga mata. "Where's my shirt?"

Napaupo ako nang diretso nang mapagtantong nakatulong ako. Mabilis kong hinagilap ang long sleeve niya sa paligid pero nasa hita ko lang pala.

"Here, sorry." Inabot ko sa kanya ang pang-itaas niya at lumingon sa wall clock. Alas dos pa lang ng madaling araw, halos tatlong oras pa lang siyang tulog. "Matulog ka lang. Bukas ka na umalis. Babalik na 'ko sa kwarto ko—"

Tumayo na ako pero mabilis din siyang bumangon at nagpunta sa banyo. Naririnig kong sumusuka siya kaya lumapit ako sa maliit na fridge at inabutan siya ng mineral water. "Ang dami mo kasing nainom."

Nagpatuloy siya sa pagsuka. Hindi ko siya matignan dahil sa mga normal na araw, he looks really strong pero ngayon, hinang-hina siya at wala sa wisyo.

"I just want to forget everything." Halos hindi ko 'yon narinig dahil paos siya at bumubulong na lang. Napabuntonghininga na lang ako habang pinagmamasdan siya.

Mabilis siyang nagmumog gamit ang tubig na inabot ko at niluwa 'yon saka niya dire-diretsong nilagok ang natira. Pinanood ko lang siyang bumalik na halos pagapang sa kama at nagtaklob ng kumot. Lumapit ako at naupo sa tabi niya. "Kung kakalimutan mo ang lahat, paano mo malalaman ang totoong nangyari kay Tita Ida?"

Idinantay niya ang kanang braso niya sa kaniyang mata. "It's your father's fault. Malakas ang kutob ko."

Natigilan ako at hindi makapagsalita. Hindi dahil hindi ako sang-ayon kundi dahil pareho kami ng kutob.

"Takot ang mga empleyado kong magsalita. Kahit ang mga tao sa paligid, I can feel that they are hiding something, even the clients. I know they're hiding something, I know it."

Napabuntonghininga na lang ako. He has to know my father's side at least. "Kaya gano'n ang date ng kontrata tungkol sa 50 million ay dahil kinausap ni Tita Ida si Dad bago siya pumanaw. My father knew that you'll be needing 50 million dahil kinausap siya ni Tita Ida. She asked for help. In exchange, marriage."

Hindi na siya sumagot pa. Tumayo na ako at inayos ang kumot niya. "I understand your pain and I'll help you in any way."

"You can't understand."

Natigilan ako at napatitig sa kanya.

"Hinding-hindi mo 'ko maiintindihan."

Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon