Gusto ko mang hanapin si Renzo pagdating ko kinaumagahan, naunahan na ako ng pagod. I stayed in a hotel and had my lunch first bago nagpasya na pumunta na sa bahay nila Renzo. It was huge as usual but it looks so sad now after what happened.
Sa gate, nagbabantay ang isang gwardiya. "Good morning, Ma'am."
Nginitian ko si Manong at saka tumanaw sa pinto na kita mula rito sa labas ng gate. "Nandiyan po si Renzo?"
"Ay nasa barangay hall, Ma'am. Doon sila nag-uusap ng mga kliyente nila."
"Malayo po ba?"
"Mag-tricycle na lang kayo sa sakayan, Ma'am."
Nagpasalamat na ako at pumunta sa tinuro niyang sakayan. Nang makarating ako sa barangay hall, lumapit ako sa isang ginang na mukhang dito nagtatrabaho. "Ma'am, nandito pa ba si Renzo Solivares?"
"Nandito pa si Sir Renzo, Ma'am. Pero may meeting sila sa taas."
"Ah sige, maghihintay na lang po ako rito."
Umupo ako sa bakanteng silya at naghintay. Halos isang oras din ang nakalipas nang matanaw kong may mga bumababa sa hagdan. Una kong nakita ang dalawang lalaking may edad na at paglingon ko sa taong nasa likod nila, talagang nanghina ang tuhod ko.
Napakakisig niyang tignan kahit sa simpleng pagbaba niya lang sa hagdan. He's wearing a black polo shirt and a pair of jeans pero nagmumukha pa rin siyang professional. Imbes na lapitan siya, nanatili akong nakaupo habang pinapakalma ang sarili. Litaw na litaw siya sa lahat dahil sa sobrang tangkad. When we were dating, he's almost 6 feet tall already.
Mas nahubog na ang panga niya pero ang noo niyang madalas na nakakunot, ganoon pa rin kaya mapapansin mo rin ang makapal niyang kilay. He's still handsome and he looks really mature. Pagiging seryoso ang madalas na first impression sa kanya—sa pag-aaral, pagtatrabaho o sa pakikipag-usap.
Nakadantay ang dalawa niyang palad sa balakang niya habang nakikipag-usap sa mga kliyente na tila nagpapaalam. He looks really frustrated.
Nang dumapo ang tingin niya sa 'kin, napasinghap ako nang wala sa oras. He still has this effect on me. Para bang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang mga tingin niya. Hindi ko talaga alam kung paano niya 'yon nagagawa. His eyes look both dangerous and enchanting.
Nang mapagtanto niya kung sino ako, kumunot lalo ang noo niya. Naglakad siya palapit sa 'kin at saka itinuro ako habang ang isang kamay ay nasa balakang niya pa rin. "Nagpunta ka talaga rito?"
Pinaghandaan ko ang sasabihin ko pero umurong yata ang dila ko. He smirked at me habang halatang hindi makapaniwala. "Go home."
Napalunok ako. I see the mockery on his face. With his suppressed smile and judging eyes, parang isa akong malaking joke.
Well, I'm not. "Look, gusto ko talagang tumulong."
"Hindi ka makakatulong dito."
"Just let me know what you need and I will try to help."
"Go back to Manila, Wendy."
His amusement was gone. Ma-awtoridad na ang boses niya at halatang ipagpipilitan ang gusto.
"Renzo, I want to help."
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Because I care."
He bit his lower lip at umiling. Mukhang sumuko na rin siya pero hinila niya ako palabas ng barangay hall.
"Where are you taking me?"
"Makakagulo ka lang. Umalis ka na."
"No. Hindi ako makakagulo. I promise!"
He clenched his jaw kaya natigilan ako. Tila gigil na gigil siya sa kakulitan ko. Hindi naman siya yung taong namimisikal pero sa nakikita kong inis niya, pakiramdam ko ay masusuntok niya ako. "Bahala ka." Saka siya lumingon sa magkabilang dulo ng kalsada habang pinagmamasdan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Bleeding Love (Published under Bliss Books)
Romance[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on from the guy who dumped her years ago. But when a twisted situation forces them together, Renzo swears to make her live in misery. Will Wendy be able to keep hanging onto the love...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte