Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 1

351K 3.9K 239
                                    

"Have you heard the news?"

Nilingon ko si Gigi na kasama kong nagbibisikleta. "Good news o bad news?"

"Both."

I shrugged. "Spill it."

"Nandito sa Manila si Renzo."

"Ano 'yong bad news?"

"Kasama 'yong girlfriend niya."

Napairap ako sa hangin at saka ngumisi. "Wala na siyang girlfriend ngayon. They broke up before he took his master's degree four years ago."

Tumawa siya nang malakas. "Oh my, God! Sobrang detailed! Stalker!" Saka siya nagpatuloy sa pagtawa kaya binilisan ko na lang ang pagbibisikleta.

I asked her to come with me para makapag-relax kaming dalawa pero sumama lang yata ang bruha para asarin ako.

"Mahal mo pa talaga?" she asked.

Hindi ako sumagot. Dinama ko na lang ang malamig na hangin habang lumilipad ang isip ko sa mga lumipas na taon. It's been eight years since our break up but I still love him. Hindi ko alam kung paano o kung bakit. I just really do. Walong taon na at ilang beses lang kami magkita kaya hindi ko alam kung paano ko naalagaan ang pagmamahal na 'to.

Umuwi na kami bago pa dumilim pero pagdating ko sa bahay, wala pa sila Mommy. Ang sabi nila hindi sila gagabihin kaya pagkatapos kong mag-shower, tumawag na ako.

"Mom, asan kayo?"

"Papunta na sa airport, hija. We need to rush your father sa ospital, he overworked again."

"Kumusta siya?"

"Okay na siya. But something tragic happened here."

Tumayo ako at nagtungo sa balcony. "Anong nangyari?"

"'Yong agency ni Matilda, malapit lang sa conference dito sa Davao so we thought we could pay a visit. But the road was blocked, they said that there was an explosion inside the building. Kaya tumawag kami kay Renzo, he knows about it already and he's taking the earliest flight to Davao."

"Si Tita Ida, how is she?"

Narinig ko ang pagsinghap ni Mommy sa kabilang linya. "She's gone."

Halos matumba ako sa narinig. "What?"

"Maraming injured, tatlo ang namatay. Si Ida at 'yong dalawang gwardiya."

Oh my, God. Sobrang bait ni Tita Ida, why the sudden death?

"Wendy, ibababa ko na. I'll call you again later."

"Yes, Mom. Mag-ingat kayo."

Tulala lamang ako sa balcony habang nakatanaw sa garden. I can't believe this. Wala na ang mama ni Renzo. He's all alone now. I quickly dialed his number kahit na alam kong katulad ng mga dati kong pagtawag, nire-reject niya ito pero umaasa akong sasagot siya ngayon.

"Hello?"

Napasinghap ako nang marinig ang malalim niyang boses. Pumikit ako nang madama ang pagod at lungkot sa paghinga niya. "Nalaman ko 'yong... nangyari."

"Yeah. I'll be busy, Wendy. Ibaba ko na 'to, nasa biyahe ako papuntang airport."

"I'll come with you."

"Ha?"

Natigilan din ako. Siguro naiisip niyang nahihibang ako pero gusto ko siyang damayan. Wala na siyang makakapitan ngayong wala na si Tita Ida. Although he broke up with me, I kept admiring him... his passion, hardwork, perseverance... every bit of him.

Hindi ako nakasagot agad kaya nagsalita na siya ulit. "Don't bother. I'm fine." Saka niya pinatay ang tawag.

It's Friday night at wala naman akong gagawin this weekend kaya mabilis akong nagtungo sa kwarto. Alam kong sobrang nasasaktan si Renzo kaya someone has to be with him. Kahit hindi ako ang kailangan niya, I still want to offer my help.

Hinintay ko sina Mom and Dad na makauwi. Mabilis akong bumaba sa sala dala ang backpack ko nang makita kong pumarada ang sasakyan sa garahe.

"Where are you going?" agad na tanong ni Mom nang makapasok sila sa sala.

"Sa Davao. Renzo needs someone to be with him."

"Obviously, it's not you."

Hindi ako nakasagot agad. Kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya. Pinanood ko lang silang maupo sa sofa habang ako, nakatayo sa gilid ng hagdan.

Mom knows kung gaano ko kagusto si Renzo dahil I opened up to her a few weeks after our break up but since that day, she just really hated him. Pero kay Dad, okay lang. I don't know how pero nagkabaligtad. Akala ko mas mahihirapan si Dad na tanggaping nagka-boyfriend ako at hanggang ngayon, mahal ko pa rin. Pero ngayon, alam kong suportado niya ako.

Tinignan ko si Dad na dahan-dahang tumango. "Mag-iingat ka lang."

Mom removed her glasses hastily bago bumaling kay Dad. "Hanggang kalian mo ba kukunsintihin ang batang 'to? She's 26 already but she never really grew up!"

Kalmado lang si Dad habang nakaakbay kay Mommy at hinahaplos ang balikat nito. "She will be fine. She's done well at school and she's doing well on her job. Let her pursue things."

"You mean let her pursue Renzo? Babae ang anak mo! At ikaw..." Mom looked at me. "You're just taking advantage of the situation, e. Dahil alam mong mag-isa si Renzo, malungkot at vulnerable, e-entrada ka. Ano ka, super hero?"

That really hurt pero hindi na ako sumagot. Nakatitig lang ako sa sahig at sa huli, bumigay din si Mommy. "Take care."

I smiled and kissed them goodbye bago tuluyang lumabas. Nagpahatid ako kay Kuya Jerry patungo sa airport. Nakapag-book na rin ako ng ticket kanina and I think I just arrived on time. My flight is at 2 am. I have two hours to kill bago ang mismong flight kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse sa soc-med accounts ko. Since some of my friends on Facebook ay kaibigan din ni Renzo, the topic on our group chats were centered to what happened in Davao.

Marami ring tagged posts kay Renzo but he didn't bother to leave a comment on anything. He just liked one post na galing pa sa huling ex-girlfriend niya who's cheering him up. Instead of posting, I texted him.

Pupunta rin ako sa Davao, I'll try to help.

It took him an hour bago nakapag-reply.

Please don't. Hindi na kailangan.

But I'm already here so... let's do this. 

Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon