Paggising ko kinabukasan, nakaalis na agad si Renzo. Naabutan pa raw siya nila Dad pero tumanggi na siyang magtagal pa. Sa galit niyang 'yon, imposibleng maatim pa niyang mag-almusal dito.
"Good morning, Mom."
Ngumiti siya at nilapag ang pinggan sa lamesa. "Morning."
Umupo ako nang hindi nililingon si Dad na nasa dulo ng lamesa. Sa tuwing titignan ko kasi siya, naaalala ko ang mga bintang ni Renzo. Pilit ko mang isiksik sa utak ko na walang kasalanan si Dad—with such power and strong will—kinakabahan ako.
"Renzo is fuming mad this morning," Mom blurted out of nowhere. "Bakit pa kasi kailangang ipilit ang kasal? You should've moved on years ago. It's him who wanted to be out of your relationship anyway. Siya ang umayaw, siya ang unang sumuko."
"Naiintindihan ko naman kung bakit siya nakipaghiwalay, Mom. At least siya, alam niya ang priority niya. Kailangan niyang unahin ang scholarship at pag-aaral niya dahil mula nang mawala si Tito Darius, nahirapan na sila. 'Yon na lang ang kinakapitan niya."
Hindi tulad ko, napaka-childish ko noon. Mas inuuna ko pa si Renzo kaysa ang pag-aaral ko. Madalas akong magtampo kapag hindi siya nakakapag-text kaya imbes na makapag-aral siya nang maayos, kailangan niya pa tuloy unahin ang pagpapaamo sa 'kin. I was just a burden all along and yet, galit na galit ako sa kanya noong iniwan niya ako.
Pero ngayon, malinaw na sa 'king hindi pa talaga namin kayang manatili sa isang relasyon noon. Marami pa kaming dapat unahin at hindi love life ang dapat na ginagawang misyon sa buhay. Pero kahit tanggap ko, siyempre masakit. Hindi ko maintindihin kung bakit patuloy kong minamahal ang taong malabong maging akin... ulit.
May kung anong bumara sa lalamunan ko kaya uminom ako ng tubig at tumayo na. "I lost my appetite."
Pag-akyat ako sa kwarto, I received a lot of missed calls from Renzo. Iba na naman ang kutob ko kaya tinawagan ko siya pabalik pero hindi naman siya sumasagot.
Kahit medyo nag-aalala pa, nagtungo na ako sa OC at sa kalagitnaan ng meeting ko, biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito sa Renzo na masama ang tingin sa akin. "We have to talk."
Nagkatinginan ang mga staff na kasama ko rito sa meeting pero ngumiti na lang ako kanila at saka tumayo. "Excuse me."
Sinundan ko si Renzo palabas ng pinto. The door opened again dahil sumunod ang sekretarya ko. Itinuro ko ang hawak niyang tablet. "Resume the meeting, take notes for me."
"Yes, Ma'am."
Pagbalik niya sa meeting room, hinarap ko naman si Renzo. "What's wrong?"
"Hindi ko nakalimutan ang mga sinabi mo kagabi."
"So? Wala naman akong sinabing masama."
"Kinausap ni Mama ang daddy mo tungkol sa 50 million?"
"Yes, he did."
"Over the phone?"
"Yes, so?"
Inabot niya sa 'kin ang isang brown envelope. Punong-puno na naman ng galit ang mga mata niya kaya kinabahan ako. He looks like he can really hurt me right now. Binuksan ko ang envelope at tinignan ang mga papel.
"My mother left her phone at home. I paid someone to retrieve its messages and call logs pati ang sa linya ng telepono na gamit niya sa opisina. Since the day that the phone was bought, my mom and your dad never talked."
I scanned the list hoping to see my father's mobile or office number pero wala.
"Kung may kinalaman ka rito, sabihin mo na."
BINABASA MO ANG
Bleeding Love (Published under Bliss Books)
Romance[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on from the guy who dumped her years ago. But when a twisted situation forces them together, Renzo swears to make her live in misery. Will Wendy be able to keep hanging onto the love...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte