1

14.1K 343 41
                                    

Amadeus Zuecia POV

Inis akong pumasok sa may tambayan naming magkakaibigan. Sumalampak ako sa sofa at kumuha ng isang coke sa may small table. Binuksan ko ‘yon at tumungga.

“Problema mo?” tanong ni Bastian, one of my bestfriend. 

“The f*ck! Maniniwala ka bang may hindi nakakakilala sa ‘kin sa bansang ‘to?!”

“Obviously yes. Hindi naman sa buong bansa kilala ang pamilya mo. Pero, sa Solomon City, I doubt that. Kilalang-kilala ang pamilya niyo rito, e.”

“See? But that girl, didn’t know who I am”

Humarap siya sa ‘kin at may pagtataka sa kaniyang mga mata. “Sino ba? Si Devyn?”

I shook my head at uminom ulit. “Kumuha ka nga ng beer,” utos ko sa kaniya. Tumayo siya at pumunta sa may small fridge para kumuha roon.

Naiinis pa rin ako habang inaalala ang babae. Her annoyed face looking at me. Her annoying face expression! Damn, kahit kailan wala pang tumingin sa ‘kin ng gano’n!

“Kaunti na lang, mapipiga mo na ‘yang lata,” puna ni Adalric. Inis akong tumingin sa kaniya at kasunod niya si Sage.

“Bakit ba kayo nandito? Do you guys have no classes?”

“Tang*na parang hindi kaibigan, ah. Kung makataboy naman sa ‘min,” sagot ni Adalric. I rolled my eyes at kinuha ang beer na nasa mesa.

“Ano bang problema nito?” pagtatanong pa niya kay Bastian.

“May babae raw na hindi nakakakilala sa kaniya. Ayan nagwawala. Natapakan kasi ang ‘ego niya’.”

Tumawa ang dalawa at naupo sa tapat na couch. “Sino ang umapak sa ego ng isang Amadeus?” pang-aasar pa ni Sage.

Mukhang nag-aasaran pa sila at iniinis ako lalo. Hindi naman sila nakakatulong sa ‘kin. Mas nabebwesit lang ako sa pagmumukha nila. “Umalis na nga kayo.”

Tumawa silang tatlo. “Tara na’t hanapin natin ang babaeng—” Binato ko ng unan si Adalric.

Kailangan kong balikan ang babaeng ‘yon. Hindi ako papayag na tapakan niya ang ego ko. Damn, bawat babae, nababaliw sa ‘kin, gusto akong makausap, gusto akong lapitan, pero siya? Parang feeling ko isa lang akong hangin sa mundong ‘to.

“Sabrina...” Napatingin silang tatlo sa ‘kin. “I want to know her full name.” Tumingin ako kay Adalric. “Get information all about her, including her family background.”

“Ano na namang kalokohan ‘yan, Amadeus. Paano namin mahahanap, e ang daming Sabrina sa mundo,” sagot niya.

“She’s studying at Delasmina State University...” Ibinaba ko ang beer can. “Gawin mo ang lahat para makahanap ka ng impormasyon. ‘Wag kang magpapakita sa ‘kin, hangga’t wala kang nalalaman.”

Nagkatinginan pa silang tatlo at mukhang naguguluhan sa inaasta ko. “Anong mga tingin ‘yan?” tanong ko.

“Weird mo. Ikaw pa ang nagpapahanap sa babae, ah. Parang dati, sila ang naghahanap sa ‘yo.”

***

Sabrina Mei Pacizico POV

Katatapos lang ng first period ko at kailangan ko munang pumunta sa library. I need to read some articles for my assignments. Mamaya ay dadaan na naman ako sa clothing store ni mama at mawawalan ako ng oras para gawin ito. Free time pa naman at 1 hr. and 30 mins. before pa next class ko.

Fated To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon