38

8.6K 186 5
                                    

Last Chapter.

| MATURE CONTENT | READ AT YOUR OWN RISK |

Unahan ko na kayo. I’m not good at writing in s*xual scenes. So, bare with me. You can skip that part if you feel uncomfortable;)

____________________

Sabrina POV

They said, it takes sunshine and rain to make a rainbow. There would be no rainbows without sunshine and rain. Sa bawat problema ay may darating ding saya. Magtiwala ka, at matatapos din ang lahat. Everything will be fine, just trust and continue fighting. Hindi ka dadaan sa problema na hindi mo kaya.

“Baby,” tawag ni Amadeus sabay yakap mula sa may likuran ko. “I love you.”

Hinahalikan niya ang pinsgi ko at ako naman ay panay ngiti. Nakakamiss din pala itong asawa ko.  Masaya ako... Masaya ako dahil nandito na siya ulit. Nandito na ulit ang lalaking alam kong makakasama ko na habang buhay.

“Hmm,” tanging sagot ko sa kaniya. Naramdaman ko ang mas mahigpit niyang yakap mula sa likuran ko. Ipinatong niya ang baba niya sa may balikat ko.

“Baby naman,” may halong pagtatampo niyang saad. Nagtutupi kasi ako ng mga damit dahil katatapos lang ng kasal namin. Nakakahiya naman kung ang kalat ng tutulugan namin.

“Oo na. I love you.” Iniharap niya ako sa kaniya at hinalikan sa labi. He cupped my face and deepen his kisses.

“Mom! Dad!” sigaw ng anak namin mula sa labas ng pintuan. Marahan ko kaagad na itinulak si Amadeus mula sa akin.

Naglakad ako patungo sa pintuan. “Why, baby?” tanong ko nang mabuksan ko na ang pinto.

Nakanguso ang anak namin habang kinukusot pa ang kaniyang mga mata. “I want to sleep here too.”

Kinarga ko siya at sinarado ang pinto. Lumapit sa amin si Amadeus at kinuha sa akin si Dion. Humilig naman ang bata sa balikat niya at niyakap ang ama.

Inilapag niya ang bata sa kama at nahiga na rin. Pumunta na rin ako sa kabila niya at humiga na rin. Pagtingin ko sa anak namin ay humihikab na at antok na antok na.

“Good night, baby,” bati ko at ngumiti.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Pagmulat ko ng mga mata ko ay wala na ang mag-ama sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Mas gusto ko kasing maligo nang maaga kaysa sa hapon dahil tatamarin na naman ako nang buong araw.

Paglabas ko ng banyo ay saktong pumasok si Dion. “Hi, mommy good morning,” bati niya at lumapit sa akin. Niyakap niya ang mga hita ko at malawak ang ngiti.

“Good morning, baby.” I kneeled down and kissed his forehead. I cupped his face and pinch his nose. “Nasaan ang daddy mo?”

“Outside. He’s cooking. He told me to call you. Let’s eat, mommy.”

I smiled and ruffle his hair. Kinarga ko ito at lumabas na rin kami ng kwarto.

We’re in hotel right now. Dito sa hotel na ito ginanap ang reception namin ni Amadeus, kaya rito na rin kami nag-stay. Hindi engrande ang kasal namin, pero parehas kaming masaya. Mga close friends and families lang ang imbitado at naenjoy naman nila ang araw.

Fated To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon