33

7.2K 188 23
                                    

Sabrina POV

“Mommy is here, dad, oh!” tinuro pa ako ng bata. Gulong-gulo na ako sa nangyayari. Ano ba ito? Lumapit si Amadeus sa bata and he kneeled down.

“Mommy is not ready. Let’s go home.” Mas kumapit sa braso ko ang bata at ngumuso pa ito.

“I missed mommy so much. I want to be with her, dad. Please?” Iiyak na ang bata at si Amadeus ay mukhang pinipigilan ang kaniyang sarili. Nang tumingin siya sa akin ay hindi ko malaman kung ano ang ekspresyon niya. Maya-maya pa ay umiyak na ang bata. “I... don’t want to go home.”

Akmang kakargahin ni Amadeus nang yakapin ako ng bata nang mahigpit. I lift him up and put on my thighs. “Hayaan mo muna ang bata, Amadeus. Tawagin mo muna ‘yong mommy niya para kuhain siya,” sambit ko at niyakap pabalik ang bata.

“But you’re my mom,” sambit naman ng bata. Tumayo si Amadeus at pinipigilan ang inis sa bata. Tumingin ang bata kay Amadeus. “Daddy, why she didn’t know me?”

“I told you, baby. She’s not ready,” tugon ni Amadeus.

Gulong-gulo na ako sa kanila. Ano bang nangyayari? Hindi ko na alam para nang lumilipad ang utak ko dahil sa mga sinasabi nila. “Ano bang nangyayari, Amadeus?” tanong ko.

“I’ll explain later. First, I need to talk with Dion.” Tumingin siya sa bata. “Baby, let’s go.”

Umiling ang bata at nagsimula na namang umiyak. “I want mommy too.”

“We will pick her up later, okay? I promised that.” Sa pagkakataong iyon ay tumingin na sa kaniya ang bata at nagpunas ng mga luha. Inangat niya ang dalawa niyang kamay para magpakarga kay Amadeus.

Kinuha naman kaagad ni Amadeus iyon at kinarga. “What time is your dismissal, Sabrina?”

“Ha?”

He sighed. “As I promised to our son. We will pick you up later.”

Kahit naguguluhan ako ay sumagot pa rin ako. “1 PM.”

He nodded. “Okay. Don’t forget that we will pick you up.”

I nodded. Tumingin ako kay Dion na nakayakap sa ama niya. “Babye, mommy. I love you!” sambit niya.

“Love you more, baby,” tugon. He giggled and looked at his father, with annoyed face.

Nagsimula na silang naglakad palayo. Kumakaway pa rin ang bata sa akin habang papalayo sila.

“Ano ‘yon?” tanong ni Devyn.

“Hindi ko rin alam, Devyn. Ang gulo-gulo.”

Tumingin ako sa kaniya. “Paano kung anak mo talaga ‘yon?” tanong pa nito.

“Sino ‘yong pinagluluksaan ko sa loob ng 3 taon, kung iyon ang anak ko, Devyn?” tanong ko pa.

Magulo sa akin ang lahat. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong malinawan sa lahat ng ito at si Amadeus lang ang makakasagot no’n.

Kung siya nga ang anak ko. Paano iyon napunta roon? Paano napunta kay Amadeus? Akala ko ba nasa Manada at may kailangan siyang gawin? Sino ‘yong batang inilibing namin? ‘Yong iniiyakan ko gabi-gabi.

Sa sumunod na mga period ay hindi ako masiyadong nakapagfocus dahil sa iisiping mga ‘yon. Nag-aayos na ako ng gamit ko para makauwi na rin.

“Sabby, una na ako, ah,” paalam ni Teo. Tumango ako at kumaway sa kaniya. “Ingat ka,” paalala ko.

Fated To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon