6

7.3K 229 19
                                    

Sabrina POV
Inis akong umupo sa sofa. Paasang Amadeus. Pinaghintay ba naman ako ng isang oras? Sinong matutuwa ro'n? Bwesit siya! Nakakairita.

Amadeus asungot
Hey! Where are you?

Hindi ko 'yon pinansin at tinago ang cellphone ko. Pumunta ako sa kusina at tiningnan kung may makakain ako. Nakita ko ang isang plato ng pakbet. Ito pala 'yong niluto ni mama kanina. Kumuha na lang ako ng kanin at nilagay sa plato.

Naupo na ako at nagsimulang kumain. Bigla namang nag ring ang phone ko. Lakas pala ng volume no'n. Nasa loob ng drawer 'yon. Nang mawala ay hindi ko na pinansin. Nag-ring na naman ng ilang beses kaya marahan akong tumayo at kinuha 'yon.

You have 4 missed calls from Amadeus asungot

Amadeus asungot
Look, please answer my calls. I have something to tell you

Hindi ko 'yon nireplyan at bumalik na lang sa pag-kain. Pagkatapos ko ay umakyat na rin ako para maligo. I'm just wearing pajama at white sando. Hindi naman na ako lalabas dahil may pagkain sa ref at 'yon na lang ang lulutuin ko mamaya.

Kumuha ako ng libro at nagbasa sa sofa. Prente pa akong nahiga habang ninamnam ang bawat chapter. Tawa ako nang tawa sa binabasa nang may kumalabog sa gate. Napatayo ako bigla at sumilip sa pinto.

Anong ginagawa nito rito? "Finally, Sabrina!" anas niya at binuksan pa ang gate. Nagmamadali siyang naglakad papalapit sa 'kin.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?"

"You didn't answer my calls!" Tuluyan niyang tinulak ang pinto kaya napunta ako sa gilid, takot na matamaan.

Padabog siyang umupo sa sofa at matalim na tumingin sa 'kin. Biglang nag-iba ang expresyon niya nang makita ang suot kong damit. Agad kong itinakip sa katawan ko ang dalawa kong braso.

"M-magpalit k-ka n-nga," nauutal pa niyang sabi. Braso lang naman ang nakikita sa 'kin at leeg. Napakaarte naman ng lalaking 'to.

"Ako ba 'yong sugod nang sugod sa bahay? Ano bang ginagawa mo rito?"

"Magpalit k-ka m-muna."

"Mainit!" Sinamaan niya ako ng tingin. Kumuha lang ako ng unan at ipinantakip sa katawan ko. Maayos naman talaga ang suot ko, maarte lang siya at mukhang nahihiya pa.

Kinuha ko ang libro na binabasa ko kanina at naupo sa may small couch.

Walang ni-isang nagsalita sa 'min. Ayaw ko rin naman siyang kausapin dahil pinaghintay niya ako kanina at halos mausukan na ako sa labas ng university, kakahintay. Ang init-init pa.

"Hindi kita nakita kanina. Sabi ko, maghintay ka, 'di ba?" may halong inis ang tono niya. Marahan akong tumingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung ilang minuto akong naghintay sa labas ng university?" mataray kong tanong.

Natikom niya ang bibig niya at malambot na tumingin sa 'kin. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"

Hindi ba siya aware na naghintay ako? Hindi ba niya alam o may nagsabi man lang sa kaniya. "I waited you there for 60 mins!"

Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. "I-I'm s-sorry. I didn't know."

"Ayos lang. Wala naman akong paki. I knew you too well, marami ka ng pinaasa at pinaiyak na babae..." Ibinalik ko ang tingin sa libro at iniscan lang 'yon dahil hindi ako makapag focus sa binabasa ko. "Kaya umuwi ka na, you're not welcome here."

Tumayo ako at ibinaba ang unan sa sofa. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa 'kin.

"Umuwi ka na. Buo na ang desisyon ko, hindi ako papayag sa proposal mo," diretso kong sabi.

Fated To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon