Chapter 5

163 7 1
                                    

Danica's pov

Ng maicheck ko ang mga meetings nya ay nilapitan ko agad sya kahit na may namumuong kaba pa rin sa akin. Sinabi ko na rin sa kanya ang mga meeting at oras ng meeting nya

Tinignan ko ang orasan ko mga 8:00 am pa naman so may oras pa rin naman sya, ako naman ay tinitignan ko ang mga papers na nakatambak rin sa akin pinapa double check nya kasi sa akin ito kaya no choice ako kung di ay ang maidouble check ito

Ng mag 8:30 am ay tumayo na sya kaya ganon din ang ginawa ko

"Stay here" yon lang ang sinabi nya bago lumabas ng office. Luhh? Dapat kasama ako sa meeting ah? Dahil secretary nya ako.

Parang t*nga ang lalaking yon!!!

Inayos ko nalang ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa ko. Inusog ko ang lamesa ko dahil masadong malapit sa kanya ang lamesa ko.

Parang ano talaga ang lalaking yon!! Paano nalang kung may mag hanap sa kanya once na umalis o di sya pumasok?

Ginawa ko nalang ang ibang ipinapagawa nya sa akin habang hinihintay ko syang bumalik sa meeting. Pero habang nag tatype ako dito ay biglang tumawag si Yuhan kaya sinagot ko ito.

"Napatawag ka Boo?" Ayan agad ang bungad ko sa kanya. "Nako etong anak mo antehh nanghihirit ng pasalubong" natawa ako sa sinagot nya.

"Mama can you buy me cake po?" Rinig kong tanong ni Denise at saktong pumasok na din ang boss ko na si Dark.

"Sure baby, what flavor ba?" Kita ko ang pag kunot ng noo nya at ang pag sama ng tingin nya sa akin pero di ko pinansin iyon.

"Caramel flavor po mama" sagot ng anak ko. "At tiyaka po nag papabili din po si kuya ng another book po yong di daw po pang adventure" dagdag nya pa.

"Sige, sige mamaya pag uwi ko. Bye na baby nandito na boss ko eh, I love you" pag papaalam ko sa kanya. "Opo mama I love you too po" napangiti ako sa sinagot nya bago binaba ang tawag na saktong nakalapit na si Dark.

"Hindi pang landian ang trabaho mo dito ms. Forteza, kung may tatawagan ka man pwedeng sa labas? Hindi dito sa office ko" malamig na simbit nya.

"Sorry naman po sir, tumawag lang po kasi ang BABY ko" diniinan ko talaga ang 'baby' para dama nya na may boyfriend ako na wala naman dahil anak nya ang kausap ko.

Hmmm anak? Hahahaha nakakatawang isipin na ang taong gumahasa sa akin ay nag karoon ng anak sa akin at kambal pa? Ang galing!!!

Kinikilabutan pa rin ako kapag nasa malapitan pa rin sya at natatakot na baka ulitin nya na naman ang panggagahasa sa akin.

Hindi nalang ito umimik at ganon din ako pero napansin nya na parang ang layo ko ata sa kanya kasi salubong na naman ang kilay nya.

"Bakit nandyan ka? Diba nandito ka?" Takang tanong nya sa akin kaya hinarap ko ito. "Hindi naman ibig sabihin na secretary mo ako ay kailangan ko na'ng mas malapit sayo, sir Dark" seryosong sagot ko sa kanya bago binalik ang tingin sa computer ko.

"So what? Mas gusto ko ngang mas malapit ang secretary ko para di na ako tatawag sa inter cam" sabi naman nito. At dahil medyo napikon na ako ay tinaasan ko na ito ng kilay.

"Ganyan ka ba sa mga secretary mo sir?" Pikon na tanong ko dito pero natahimik na ito kaya inirapan ko nalang sya.

"Pwede ka pa rin naman mag utos sa akin kahit malayo ako sayo" dagdag ko pa.

Hindi na ito umimik at ganon din ako pero panay naman ang utos ng damuhog na ito kaya pabalik-balik ako sa mga department para ibigay ang pinapabigay nya.

Pag sapit ng ala-sais ay doon lang ako nakapag pahinga dahil sa pagod, habang sya ay busy pa rin kakatype sa kanyang laptop.

"Hmm sir pwede na bang umuwi?" Napakagat ako ng labi dahil sa tanong ko. Lumingon saglit bago binalik ang tingin sa laptop nya.

"Balak ko sana na mag over night ka pero dahil first day mo pa lang naman ay papauwiin na kita ng maaga" napahinga naman ako sa sinabi nya. Aba subukan nya lang talagang mag over nightin ako mag reresign agad ako!!!.

"Pero bago ka umalis, ipag timpla mo muna ako ng kape" saktong payari na ako sa pag aayos ko ng gamit ko ng humirit pa sya.

Sinunod ko nalang ang gusto nya at pag tapos non ay nag paalam na ako.

Na'ng makababa na ako ng building at pag labas ko ng kompanya ay doon ako napaunat ng braso.

"Hahhh!!! Kapagod!!" Asik ko dahil ramdam ko talaga ang pagod sa katawan ko. Pumara na ako ng taxi at dineretso ko muna ito sa may cake & cookies shop para bumili ng pinapabili ng mga anak ko.

Sakto na hinihintay ko ang order ko ng makita ako na mga books sa di kalayuan. May librarian pala dito?

Pumunta ako doon at nag hanap ng books ng may pumukaw na isang libro o dalawang libro ang nakita ko.

Favorite kasi ni Tyron ang books na pang science or kung ano-ano basta English, kaya nga madalas english na ang lenggwahe ng batang yon.

"Nandyan lang po pala kayo ma'am" napatingin ako sa isang babae na naka apron na may dalang cake. "Ah sorry nag tingin lang kasi ako ng libro, hmm miss pwede ko bang iuwi muna ang dalawang libro na to?" Paalam ko sa kanya.

"Ma'am sa manager po namin kayo mag paalam" napapakamot ang ulong sagot nito sa akin. "What's going on here?" Napatingin kami sa isang babae na kakalapit lang sa amin.

"Ma'am Danica sya po ang manager namin si Ms. Divine" pag papakilala nya sa akin. "Good evening po ms. Divine" pag bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin, "good morning too ms. Danica, my I help you?" Tanong nito sa akin. Pinakita ko naman ang dalawang libro na hawak ko.

"Pwede ko bang iuwi muna ito? Ibabalik ko rin kapag tapos na'ng mabasa ng anak ko ang mga libro na to" pag papaalam ko sa may ari.

"Oh it's fine to me Danica" sagot nya sa akin kaya napangiti ako. "My I know kung anong full name mo? Para mailista ko ang pangalan mo?" Tanong nito sa akin.

Sinabi ko ang pangalan ko sa kanya hanggang sa nag paalam na ako sa kanila.

"Mama!!" Salubong ni Tyronia sa akin. "Hello baby" hinalikan ko ito sa noo nya ng makalapit sa akin.

"Wow!!! Thank you mama, you are the best po talaga" hagikhik nito kaya natawang ginulo ko ang buhok nya.

"Nasaan ang kuya mo?" Tanong ko sa kanya. "Nasa may sofa po nanonood kasama si tito Yuhan" sagot nya sa akin kaya hawak kamay kong pinuntahan sila Tyron sa may sofa sa living area.

"Nakauwi ka na pala" ayan ang bungad sa akin ni Yuhan. "Anak" tawag ko kay Tyron. Binigay ko sa kanya ang dalawang libro na hiniram ko sa shop.

"Ingatan mo yan ah? Hiniram ko lang sa shop yan" habilin ko dito. "Yes ma, salamat po" ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang ulo nya.

"Akyat lang ako" paalam ko sa kanila para makapag palit na ng damit. Pero naligo na ako para naman mapresko ang katawan ko dahil sa lagkit na lagkit na rin ako.

Kumain na kami na'ng sabay-sabay at nanood ng movie pero pag lipas ng 11:00 pm ay pinatulog ko na rin ang kambal dahil may pasok rin ako bukas.

Continue

(Eto na ang next chapter, di pa rin ako makakapag update sa ibang story kasi wala pa akong nagagawa na next draft chapter kaya wait nyo nalang)

The Billionaire Raped Me(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon