Chapter 10

103 2 0
                                    

Danica's pov

Habang patagal ng patagal na kasama namin ang mga kaibigan nya ay nakikita ko ng matagal kung anong klase ang kanila mga ugali.

Si sir Ashton ay tahimik lang, minsan nakikipag sabayan sya sa trip ng mga kaibigan nya. Katulad lang din sya ni sir Dark na tahimik pero mag kaiba nga lang ng ugali. Si sir Dark kasi parang pinag lihi sa sama ng loob, panay sigaw, mabilis mairita at panay pa mura.

'Sana lang hindi mamana ng anak nyang lalaki ang panay mura'

Si sir Ashton kasi tipid naman ngumiti pero mabait naman sya pag dating sa akin o sa ibang babae. Naiirita din sya pero hindi nya pinapahalata sa mga kaibigan nya. At habang ang dalawa naman ay.....

Ayon!!! Nag aasaran tapos mamaya pikunan na naman.

Si sir Alfred naman ay sya ang mas siraulo sa kanilang apat. Oo SIRAULO sya, malakas ang trip sa buhay, maloko din ang mga ngiti nya tapos madalas nyang pag tripan si sir Lucian na pikon na pikon na sa kanya.

Sa kanilang apat ay parang mas bata si sir Lucian dahil sa itsura nito. We'll lahat naman sila pero sya lang talaga ang nakikita ko na pinaka bata sa tropa nilang lahat.

"Tigilan mo ako Alfred kung ayaw mo lumipad itong kamao ko sa muhka mo" gigil na gigil nitong sabi pero dahil nga sa siraulo ang kaibigan nila ay pinag tripan pa rin sya nito.

Kaya ang ending parang mga bata na'ng nag hahabulan dito. Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa hilo at sakit sa ulo ng dalawang ito.

"Ayos ka lang?" Tanong ni sir Dark kaya tumango ako sa kanya. Narinig namin ang mahinang tawa ni sir Alfred kaya napatingin kami sa kanya.

"Pag pasensyahan mo na, parehas lang na mas bata sa amin ang dalawa pero si Lucian talaga ang pinaka bata sa aming apat" ngiting sabi nito.

"Ilan taon na po ba sya?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang juice na iniinom ko. Hindi kasi ako hinayaan ni sir Dark na mag inom ng wine or alak.

"Lucian is a 17 years old young man" muntik ko na'ng maibuga ang iniinom ko sa narinig ko.

Like.... WTF!! SERYOSO SYA??!!!

Napakurap-kurap pa ako sa dalawang ito na sinang ayunan naman ni sir Ashton kaya mas lalo akong napanganga.

"P-pero kaylan pa?" Gulat na tanong ko sa kanila. "Hmm 9 years old palang sya ng makilala namin sya ni Dark. Ang parents kasi namin ay mag kakakilala kaya ayon nakilala namin si Lucian at si Alfred naman ay isang basketball player na naisama sa amin noong college na kami kaya doon namin sya nakilala. High school palang sila non" mahabang paliwanag ni sir Ashton.

"Mag kaklase sila at doon ko nalaman na mag kaibigan sila. Kaso enemies to friends ang tema ng dalawang yan" salita ng katabi ko.

Tinignan ko muli ang dalawa kaso ayon nag sasabunutan na, na parang mga babae.

"Awatin mo na sila Ashton" utos ng katabi ko na kaagad naman ginawa ni sir Ashton dahil tumayo ito at nag lakad papunta sa dalawang isip bata.

"Btw kapag nasa party tayo, don't me sir. Call me as my name" taka akong lumingon sa kanya pero inisang lagok nya lang ang wine.

"Ayaw tumigil" sulpot ni sir Ashton. Tumayo naman si sir Dark sa kanyang inuupuan habang may hawak na.... Huh? Blueberry at isang caramel cake?

"Watch and learn" sabi nito at umalis sa harapan ko habang hawak ang dalawang cake. Narinig ko ang mahinang tawa ni sir Ashton.

"Hwag mong alisin tingin mo sa tatlo" utos nito kaya bumalik ang tingin ko sa dalawa. Napanganga ako ng makitang hawak na ng dalawa ang cake.

Na kay sir Lucian ang blueberry cake at na kay sir Alfred naman ang caramel cake. Kumikinang-kinang pa ang mga mata nila na akala mo'y may nakita silang kayamanan.

The Billionaire Raped Me(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon