Danica's pov
Tatlong araw na kami ng mga bata dito sa bahay ng ama nila. May sarili na rin na kwarto ang dalawang bata at habang ako ay sa guest room natutulog.
Ano sya hilo? Sabi nya tabi daw ako sa kanya o sa kwarto nalang nya daw ako. Pero syempre dahil ayaw ko syang katabi ay tumanggi ako sa alok nya.
"Mama pahingi pa po" kanina pa hingi ng hingi si Tyronia ng cupcake, talagang nagustuhan nya ang niluto ko. May chocolate kasi ito tapos yung topings nya ay strawberry.
"Baka mag katonsil ka anak ah? Kaya hinay-hinay lang" paalala ko sa kanya. Tumango naman sya bago muli kinain ang gawa ko.
Sa ngayon tanghali na kaya ang ibang maid nya rito ay nag luluto na ng tanghalian, gusto ko ngang tumulong kaso sabi ni manang Helene ay hwag na daw.
"Nasaan pala ang kuya at ang papa mo? Bakit hindi ko sila makita?" Tanong ko sa kanya.
"Nakikipag kompetensya silang mag-ama" kaagad napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Ashton. Iyon nalang daw ang itawag ko sa kanya, ganon din sa dalawa at sa abnormal na yon.
"Ano? At anong kompetensya naman kaya ang pumasok sa kokote ng kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya. Natawa naman sya bago nya sinagot ang tanong ko sa kanya.
"Habu-habulan" nakangising sagot nya. "Dapat mahuli ni Dark si Tyron at pag nahuli nya anak nya.... Hmm di ko alam kung anong pinag usapan nila" dagdag nya pa.
Anak ng?!!!
Napansin kong bumaba si Tyronia bago na-tatakbo sa labas. Kaya sumunod na ako, jusko lampahan pa naman ang batang iyon.
"Go Tyron bilisan mo pa tumakbo para di ka mahuli ni Dark!!!" Rinig kong sigaw ni Alfred.
Nakita ko naman si Lucian na tahimik lang sa isang tabi, habang ang isa daig mo pang may labanan ng basketball sa sobrang pag checheer sa anak ko.
Tinignan ko ang mag-ama. Habulan, ikutan ang ginawa nilang mag-ama.
"Come one tanda!!! Habulin mo ako!!" Napanganga ako ng tawaging tanda ni Dark ang ama nya. Ang batang ito!!!
"You little kiddo!! Lagot ka talaga sa akin!! At pag nahuli kita sisiguraduhin kong di mo na mahahalikan ang mama mo!!" Nag-isang kilay ako sa sobrang pag-kunot ng noo sa ko.
"Nahhh ahh!! Si mama masusunod hindi ikaw, bleee" pang-aasar ni Tyron sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganito ang makikita ko ngayon.
"Pfft dahil lang sa halik kaya nakikipag paligsahan sya sa anak nya, ang galing" salita ni Ashton sa likod ko.
"Pati ba naman anak pinag seselosan? Ang tindi ng lalaking ito" sigunda naman ni Lucian. "Anong magagawa natin? Gusto nya sya lang humalik eh" natatawang sabi naman ni Alfred.
"Hoy kayong dalawang tokmol, mag-tigil na nga kayo!!" Saway ko sa kanila na ikinatigil naman agad nito. Namaywang pa ako habang pina titigil ko sila sa ginagawa nila.
"Hayaan mo na, excercise na rin nilang mag-ama yan" tapik sa balikat kong sabi ni Ashton. "Tyron, baby halika dito" mabilis na tumakbo si Tyron ng akma sanang hahawakan ng ama.
Tumawa ang tatlo ng makita ang nakabusangot na itsura ng kaibigan nila.
"Pare, hwag ganyan. Anak mo yan eh" natatawang sabi ni Alfred pero sinamaan lang sya ng tingin nito. Ng makalapit si Tyron sa akin ay kinuha ko sa malapit ang towel na nakalagay doon at pinunasan ang namamasang muhka, braso at katawan nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Raped Me(on-going)
ActionDalagitang nag lalakad lang sa daan ng may humintong sasakyan at sinakay sya at ang taong nangdukot sa kanya Inuwi nya ito sa kanyang Condo at doon na nga nya hinalay ang kawawang dalagita "Paraang awa mo na pakawalan mo na ako.... Ahh!!" iyak at hi...