★Chapter 1★

3 2 0
                                    

Shanna's POV

   Pagkapasok ko pa lang sa school hiyawan na agad bumungad sa'kin. Ewan ko ba kahit gaano kaaga o kalate akong pumasok sa school makakasabayan ko parin yung apat na ugok kong mga kuya. Ayun tuloy ang sikip ng hallway kailangan ko na namang umikot, ayaw na ayaw ko kasi sa lahat yung masikip sa daan hindi ka lang kasi makakaamoy ng mabaho kundi pawisan karin pagkapasok mo ng classroom.

   Iikot na sana ako kaso may nilagay na mga harang yung daanan papunta sa likod ng building. May naka sabit na karatula at may nakasulat na under constructions. Mukhang aayusin nila yung lumang faculty building, kaya no choice ako kundi pagtiisan na sumabak sa mga kumpulan doon sa hallway. Hayst! Bwesit!

( ̄ヘ ̄)

   "Wahh! Good morning Papa Renzo!~ Kyah!" Sigaw ng mga babaeng college students. Ba't ba kasi ganun sila kasikat kahit wala naman silang ginagawang maganda, tch! Tinanguan lang siya ni Kuya Renzo nahimatay na agad, ang OA bwesit!

(—_—×)

  "Hala sorry, di ko talaga sinasadya Reeve." Sabi nung babaeng nakabangga kay Kuya Reeve. Paulit-ulit pa itong yumuko habang humihingi ng sorry kay Kuya. Tsk!

  "Ugh! Just stay away you bitch! Damnit!" Sabi nito sabay tulak sa babae tapos pinagpagan niya yung damit niya, kala mo naman may kung anong nakakahawang sakit yung babae, tangina!

   "Morning beautiful~! Kita tayo mamayang break time ah?!" Yaya naman ni Kuya Ry sa isang magandang babae, ang aga-aga pero umiiral agad yung pagkababaero, hayst!

(˘∆˘)

   "Ano ba! Ilang oras niyo ba balak kaming titignan?! Padaanin niyo nga ako!" Ito rin namang si Kuya Ran ang aga-aga ang init ng ulo.

(ー_ー゛)

  Nag-iisang babae lang ako sa pamilya pero I've never been treated like a princess. Hindi ako espesyal sa pamilya sa katunayan nga delubyo, malas, at pagkakamali lang ang turing nila sa'kin. It hurts a lot but as time passed by I learned to accept and endure everything kung kaya ko lang talagang umalis matagal ko ng ginawa. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan kapag naglayas ako, iniwan nga ako ni mama para sa isang lalaki, pano pa kaya ang pamilya ni Dad na walang ibang nararamdaman sa'kin kundi galit at puot.

   "Hi Nizy! How are you?" Bungad sa'kin ni Denise, isa sa mga sikat na babae sa school. I really hate it when people call me by that name, ugh! Malamang si Kuya Ry na naman pakay niya kaya lumapit siya sa'kin.

  "Ok lang." Tipid kong sabi at pumasok sa classroom pero pinigilan niya ako.

  "You know your so lucky to have such a famous brothers." Panimula niya, alam ko na kung saan patungo tung usapan na to eh, bwesit! "Can you please give this to Ry? I'm so shy to give it to him, please? I'm begging you." Nagmamakaawa niyang sabi. Tsk! Kapag tinanggihan ko siya malamang ako na naman  pag-uusapan sa buong campus. Kapag tinanggap ko naman...tingin pa lang ni Kuya Ry mamamatay na ako, argh!

  "Hindi ako mangangako pero susubukan ko." Sabi ko sabay kuha sa inaabot niyang maliit na envelope. Ano ba to? Letter? Sa edad nila gumagawa pa sila ng letter? Wow ha!

   "Yey!~ Your the sweetest, bye!" Sabi nito at umalis. I hate this job, argh!

   Hindi nagtagal at pumasok na yung teacher English teacher namin. Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng bumukas yung pinto ng classroom namin at iniluwa si Cal, katulad ng mga Kuya ko famous rin si Cal sa school. Isipin mo ba naman kasi, his ditching classes most of the time pero tuwing may quizzes o exam halos perfect score siya sa lahat ng subject, idagdag mo pa yung fact na gwapo, athletic, at mayaman siya. Syempre sisikat talaga siya. Tss!

It all started with a book.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon