Shanna's POV
Break time na namin twenty minutes ago pa at kanina ko pa na-receive yung text ni Cal na naghihintay na raw siya dun sa lumang garden, pupuntahan ko ba? Ayaw ko, e! Kaso nagi-guilty ako kahit iniisip ko pa lang na hindi siya siputin. Hindi ko namalayan yung sarili ko na naglalakad na pala papunta dun, pwes nasimulan ko na naman ipinagpatuloy ko na lang at sa di kalayuan nakita ko na yung maliit na gate.
Binuksan ko yun at pumasok ako, sabi lumang garden pero ba't ang ganda? Para ng wall yung mga bushes ng white and red rose, thornless roses. May mga benches rin at dun mo talaga malalaman na luma na yung garden. Wala ring trim yung mga rose kaya hindi mo na makikita yung natural na ayus ng garden. Sa gitna ng garden ay may napakalaking kahoy di ko lang alam kung ano yung pangalan.
Pinalilibutan rin yung kahoy ng mga bulaklak, upuan, at lamesa. Sa bandang gilid ng malaking kahoy nakita ko si Cal at nakasandal. May hawak-hawak siyang libro, tapos paulit-ulit niyang tinitignan yung phone niya. He really does wait for me, buti na lang at sinipot ko baka magalit sa'kin yung mokong. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, when he saw me ngumiti ito ng napakasaya at kumaway sa'kin. Medyo namula naman ako sa ginawa niya. Gaga! Wag kang mag-blush baka isipin niya asyumera ka! Hindi nga ba?! Takte!
"I was so worried you might not come. But thank goodness you came! You didn't know how much it cost to me." Eksaherada niyang sabi. Hindi ko talaga alam kung OA lang talaga tung si Cal o bakla, minsan kasi parang babae kung mag-isip at magsalita. Inayos ko muna yung boses ko bago magsalita.
"Ano ba kasi yun? Istorbo mo naman." Saad ko. Hindi niya lang pinansin yung huli kung sinabi at ngumiti.
"This!" Sabay bigay niya sa libro. Base sa cover nito may kalumaan na yung libro. Amoy lumang libro rin and oh god! How I love the smell of old books!
"Anong gagawin ko d'yan?" Mataray kung tanong. He just sighed and laughed. Bakit? Ano namang nakakatawa?
"This book is written by my grandmother. Sa kanya ko rin namana yung pagkahilig sa pagbabasa but also picky sa mga kwentong binabasa." Panimula niya. And so? Anong pake ko? Anong gagawin ko sa librong yan?
"It's not as famous as your written books but it was really good." Dagdag niya. He smiled as he remembered the past of that book, which made my heart beat weirdly. Damn!
"I want you to remake this book, more like turn it into much like more modern. You're free to publish it too. Gusto kung iregalo to sa babaeng nagugustohan ko and I want you to make it, pwede ba?" Hindi ko alam kung ano yung dapat kung maramdaman. Magiging panatag ba kasi iba yung gusto niya o malulungkot. Teka?! Ba't naman ako malulungkot?! Nag-assume nga siguro ako. Bwesit!
"Gustohin ko man pero hindi pwede." Pagtatanggi ko sa alok niya. Actually hindi ko naman talaga tinanggihan, it's just part of the rules of the writers.
"Ha? Bakit?" Dismayadong tanong niya.
"Bukod kasi sa luma na yung libro, labag rin yun sa batas. I need the full permission of the original author to remake the story. Kaya ko namang i-remake yan kung buhay pa yung Lola mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Mas lumongkot pa yung mukha niya dahil dun. Ba't nakaramdam din ako ng lungkot? Affected lang teh? Ganurn? O guilty? Ba't naman ako magi-guilty?! E nagsasabi lang naman ako ng totoo. Isa pa ayaw kung makulong noh dahil lang sa libro!
"May paraan ba? Like pwede ba na kamag-anak niya na lang ang magbibigay ng full authority para ma-remake mo yung story?" Tanong niya na puno ng pag-asa, bwesit! Ba't ba kinakaawan ko ang lalaking toh?! I sighed and cursed.
BINABASA MO ANG
It all started with a book.
Roman pour Adolescents[❗TAGLISH❗] *** A girl who have been yearning for a families love discovered a new world just for her. A world in which it on her hands how to start and end a chapter of life. She became a famous mysterious author in order to express her pain an...