★Chapter 5★

2 0 0
                                    

Shanna's POV

    "Hayst! Let me tell you something..." I sighed. Sumenyas ako sa kanila na lumapit pa, ayaw ko kasi na may makarinig sa'min.

   "Ano yun?" Pareho nilang tanong.

   "You see... famous sila sa school na'to. That means they are dangerous, kasi kaunting issue mo lang sa kanila kalaban ka na ng buong fan nila." I explained but I think hindi nila ako pinaniniwalaan. "They might not be the bad guys but I swear mas malala pa sa bullying ang mararanasan mo kapag nagkaroon ka ng issue sa kanila." Dagdag ko pa. Kai faced me and speak.

   "E bakit walang nagreact sa mga kaklase na'tin nung pinaalis ni Cal yung babaeng umagaw sa upuan mo?" Tanong niya. Hayst!

   "Because I'm not a good person either but I'm also not bad. Let just say I can scare them somehow?" Saad ko.

   "Ewan ko sayo! Ang gulo mo!" Reklamo ni Dane. Ayst! Ba't ba ayaw nilang maniwala?! Argh!

    "Ano ba yan! Ganito na lang...just be aware and always be careful when time comes na makakasama niyo sila, okay ba?" Tanong ko, tumango lang sila bilang sagot.

   "Well mas matagal kanang nag-aaral dito compared to us. Malamang mas may alam ka sa mga bagay-bagay dito kaya no choice kami kundi paniwalaan ka." Sabi ni Dane sabay inom ng juice.

   "She's right." Dagdag ni Kai. Wala na kaming napag-usapan pagkatapos nun. After we finished our lunch pumunta muna kami saglit sa library then nagpaalam na si Dane na papasok na siya sa class niya. Wala rin naman kaming ibang ginawa ni Kai kaya naman pumasok na rin kami sa classroom namin.

   Luckily wala pa si Cal. Kaunti lang rin yung pumasok sa classroom kaya medyo napanatag yung loob ko. Since Cal had been interacting with me kailangan ko ng maging maingat sa lahat ng oras. Some may made bad moves on me kapag hindi ako naging aware sa paligid ko. The worst thing might happen is they might involve Kai. Ayaw kong magkaroon ng lamat yung pagkakaibigan namin kaya kailangan ko talagang maging maingat.

   Binuksan ko ang bag ko at kinuha yung paborito kong ballpen. Kukunin ko na'rin sana yung notebook ko kung saan ko isinusulat yung baging kwentong ginawa ko kaso di ko yun mahanap. Bigla akong kinabahan baka kasi may makabasa nun at baka isipin nila na ilusyonada ako o freak tapos bu-bullyhin nila ako. Well kaya ko namang tiisin yun kaso nga baka madamay si Kai, she's just new in our school kaya naman she's weak in protecting herself, wala siyang alam sa takbo ng paaralan na'to.

   "Looking for this?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. That deep voice who made me mad and irritated.

   "Ba't nasayo yan?!" Pagpanik ko. Shuta! Paano niya nakuha sa bag ko?! E dala-dala ko naman ito hanggang cafeteria?!

   "I'm as sneaky as a fox, darling." Kalmado niyang sabi. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko, kung magagalit ba dahil kinuha niya yung notebook ko ng walang pasabi o kikiligin dahil tinawag niya akong darling. Takte! Ba't naman ako kikiligin?! Ano ba yang pag-iisip mo Shanna!

   "Give it back to me." Matigas kung sabi.

   "E paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" Panghahamon niya. Bwesit! Parang bata! Mabuti na lang talaga at nabibilang ko pa lang sa mga kamay ko ang mga students na pumasok ng classroom.

    "Kahit sikat ka susuntukin talaga kita!" Saad ko at tumayo. Kinuyom ko na agad yung mga kamay ko at naglakad papalapit sa kanya.

It all started with a book.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon