Shanna's POV
Pagkapasok ko ng school wala namang masamang nangyari sa'kin at ito pa'rin buhay at buo kaso nakukonsensya ako sa nangyari kahapon kahit wala naman akong ginawang masama. Bwesit! Lord please lang po, sana pumasok siya ngayon para makampante na tung utak ko, kapag hindi pa talaga pumasok yung mokong na yun ewan ko na lang! Huhuhu!
(╥﹏╥)
Hindi ko pa'rin siya nakita ngayong lunch. Ewan ko ba! Kahit anong gawin ko di ko talaga malaman-laman ano ba yung kinaiinisan siya sa pinag-usapan namin kahapon. Iba rin siya e noh?! Kahit wala kang kasalanan nakokonsensya ka talaga. Hayst! Buhay! Ano ba kasing nasa kokote niya?! At ba't biglang di nagpakita yun?! Dapat hindi ko na ito ipinagtataka e, palagi kaya siyang ganito!
Malapit na mag-uwian at kahit isang subject hindi niya pinasukan. Ba't ko nga ba siya inaalala? Wala naman akong pake kung makakabalik siya ng school na buhay! Hayst! Ewan! After few minutes dinismiss na ng prof namin yung klase, absent si Kai ngayon kaya wala akong kasama palabas ng school, nagkita naman kami ni Dane nung lunch, sabay pa nga kami kumain, gusto ko siyang yayain kaso hindi naman kami gaano ka close at nahihiya rin ako, ehe.As usual sa likod ng school ako dumadaan, ayaw ko kasi na makita ako ng mga kuya ko, feeling ko tingin pa lang nila tustado na ako, huhuhu! Pagkalabas ko sa gate maysasakyan na biglang huminto sa harapan ko. Sino naman kaya ito? Familiar yung sasakyan hindi ko lang maalala kung sino yung may-ari. Binuksan niya yung bintana ng sasakyan. Hindi ko alam ano ang dapat kung maramdaman ngayon, sasaya ba o magagalit.
"Pasok." Malamig niyang usal. Amp! Kumalma ka Shanna! Baka maging kriminal ka kapag pinairal mo yang galit mo. Binuksan niya yung pintuan ng sasakyan.
"Pasok." Usal niya uli and this time parang pinaparating niya na nauubos na oras niya. Hindi pa'rin ako pumasok at nanatiling nakatayo. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Papasok ka o papasok ka?" Abay! Lakas rin ng topak nitong lalaking to e noh?! Sarap sabunutan! Hindi pa'rin ako gumalaw.
"Ano ba! Pumasok na nga rito?!" Inis niyang saad. Aba! Siya pa talaga ang may karapatang magalit ah! Hiyas lang noh?!
"Paano kung ayaw ko?! Anong gagawin mo? Ha?!" Matapang kung sabi. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Tumayo siya sa harapan ko akala ko magsasalita siya pero hindi.
Bigla niya na lang akong binuhat na parang troso at inilagay sa balikat niya. Pilit akong kumawala pero ang lakas niya lang talaga. Isang kamay niya nga lang pumipigil sa'kin ano pa kaya kung dalawa malamang mauubos ko na buong lakas ko nun hindi pa'rin ako makakawala. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinapon sa loob ng sasakyan. Umupo ako ng maayos magsasalita sana ako ng inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.
Feeling ko para akong bulkang puputok. Hindi ako makahinga dahil sa lapit ng mukha namin. Akala ko kung ano na yung gagawin niya sa'kin e maglalagay lang pala siya ng seatbelt sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun pero ang gaga ko! Paano na ako makakaalis nito e ang bilis niyang nakapasok at napaandar yung sasakyan niya. Ano ba gagawin niya sa'kin? Saan niya naman ako dadalhin?! Huhuhu!
(╥﹏╥)
Pinaandar niya yung radyo ng kotse. Ililipat niya sana ng pigilan ko siya na ikinapagtataka niya. He gave me that questioning look kaya naman nagsalita ako.
"D'yan lang, I love that song." I said as I smiled sincerely at him. He didn't say anything and he continue to drive.
When the rain is falling in your face,
And the whole world is in your case,
I could offer you a warm embrace,
To make you feel my love~
BINABASA MO ANG
It all started with a book.
Novela Juvenil[❗TAGLISH❗] *** A girl who have been yearning for a families love discovered a new world just for her. A world in which it on her hands how to start and end a chapter of life. She became a famous mysterious author in order to express her pain an...