Chapter 1
Broken
[S U M M E R]
"Let's break up." Sabi ni Yohann sabay inom ng whiskey.
"Huh?" What, sino ba talaga sa aming dalawa ang nakainom? As far as I'm concerned, ni isang baso ng alak, hindi pa ako nakakainom sa buong buhay ko.
Pero, kahit na hindi rin ako nakainom, parang lumutang yung utak ko sa sinabi nya. Break na daw... Break.
"You heard me, Summer." Bored na sagot nya. Halata sa mata nya na tinatamad na sya sa usapan namin. Or more like, saakin.
"I did, pero hindi kita maintindihan." I reasoned. Ikaw ba naman teh, out of the blue kang sabihan na 'break na tayo' maintindihan mo kaya at matangap ng katawang lupa mo? Kahit na ilang beses ko nang naranasan at mararanasan 'to, hindi ko pa rin maiintindihan.
"Anong hindi mo maintindihan?" He snapped. Aaminin kong nagulat ako. First time nyang gawin sakin 'to kaya naman akala ko nung una, sya na. Sya na talaga ang hinahanap ko. "Ayoko na sa'yo. Tapos na tayo."
"Hindi ka seryoso dyan." Pwedeng dala lang 'to ng alak. Hindi sya seryoso. Hello? 1st anniversary namin ngayon. "Ikaw lang ang tumagal saakin ng isang taon. Papakawalan pa ba kita?"
"Pwede ba, Summer!" Binagsak nya yung baso nya na puno na ng whiskey. Napatalon ako sa upuan ko. Napatingin naman yung mga tao samin dahil nasa bistro kami, hindi bar. Medyo tahimik rito kaya napapansin pa rin yung mga ganitong ingay. Dito kami palaging kumakain sa loob ng isang taon.... "Seryoso ako. Ayoko na sa'yo. Nakakasawa ka. Akala mo ba talagang may makakatagal sa'yo? Ang lakas mo namang mangarap."
"Yohann , wag ka namang ganyan..." Kahit na nasasaktan ako ng sobra sa mga masasakit nyang salita, hindi ko nalang pinansin. Kailangan kong masalba 'to. Tinotopak lang sya. "Anniversary natin ngayon."
"Wala na tayo. We are over. Wag na wag mo na akong tatawagan ulit o kahit itext. Wala na tayong communication. Maghanap ka nalang ng manloloko sa'yo." Tumayo na sya ng hindi manlang ako tinitignan at dire-diretsong lumabas.
Tinignan ko yung table namin at nagpipigil nai-flip yun. Of course, hindi sya magj-joke. Sino bang niloloko ko, meron bang magj-joke ng ganun? Hindi ako sure nung una ko syang nakita sa school na may kasamang babae, pero nung nawala na yung mga text nya, alam kong meron na syang iba. Isa pa, tama naman sya sa mga sinabi nya kaya bakit pa ba ako nasaktan? Sino bang magtatagal saakin? Considering...
Parang nanlalabo yung paningin ko pero kitang-kita ko yung bote ng whiskey sa table namin.
Iniwan nya ako. Iniwan na naman ako. Madalas ng nangyayari saakin 'to pero bakit parang ang sakit-sakit pa rin?
Nakakasawa. Nakakapagod. Palagi nalang yun ang dahilan nila. Bakit ganun?
Gusto kong mawala yung sakit. Mababaliw na ata ako kung di maiibsan 'to. Kahit sandali lang?
Paano ba mangyayari yun?
[ L E V I A N G E L U S ]
Friday. Maraming tao, natutuwa sa araw na 'to. But not including me. Well, hindi naman pala ako natutuwa sa araw-araw pero iba ang asar ko sa araw na 'to.
"Tito, if I'm going to be honest," I was twisting my drumsticks in my fingers. "This love song Fridays is sick."
Tumawa sya. "Ano ka ba, Levi. Love song Fridays is perfect. Maraming couples ang nakakapunta rito sa bistro dahil walang pasok bukas. What's more, summer ngayon. Maraming teenagers na pumupunta. Dagdag kita sa bistro at sa TF (Talent Fee) nyo."
I'm not convinced. As a drummer, ako ang pinakalugi sa araw na 'to kaya he can't trick with money. Mas gusto ko yung mga kanta na kailangan ng drums. At obviously, hindi mahalagang component ang drums para doon. Minimal lang ang drums, boring. Mas maganda kung rock songs para nage-enjoy ako. Banging the shit out of the drums is the most enjoyable thing for me.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl (UNDER MAJOR EDITING)
RandomA story of a girl na palagi nalang iniiwan ng boyfriends nya- or more like ex nya. What will happen kung one summer night, she unknowingly caused a snobby boy some trouble? Join Summer and Levi as they find things about love. Naranasan na ba talaga...