Chapter 2
Flower Girl
[ S U M M E R ]
"Anak! Summer!" Ang lakas ng katok sa pinto. Parang gigibain na. Ang ingay!
Umikot lang ako ng higa para hindi ko na mapansin yung ingay sa labas. Bakit ba ako ginigising ni Mama? Ang aga pa lang kaya, feeling ko nga ngayon pa lang ako nakatulog eh.
"Tulog ka ng tulog bata ka! Gumising ka! 12 o'clock na!" Hindi pa rin tumitigil yung pagkalampag sa pinto ko. Ang sakit sa ulo, parang ulo ko na mismo yung pinupukpok.
Ano? 12 o'clock na?
Nakapikit kong kinuha yung phone ko sa ilalim ng unan ko. Pagkadilat ko, naghuhumiyaw yung phone ko ng 12: 28 PM. Fudge! Napaupo tuloy agad ako. Ngayon lang ako nagising ng ganito ka-late!
"Ah, aray!" Ang sakit ng ulo ko! Ano 'to?
"Hay salamat!" Nawala yung ingay sa labas pero di pa rin nawawala yung sakit ng ulo ko. "Kumain ka na rito!"
"Ah, opo!" Ang sarap durugin ng ulo ko. Ang sakit! Hayop na yan, para akong pinaparusahan rito. Ano bang ginawa ko at ganito kasakit ang ulo ko?!
Tinignan ko muna yung phone ko kung may nagtext ba. Wala. Asa pa ba ako, wala nga akong kaibigan tapos iche-check ko pa kung may nagtext. Ang napansin ko, yung wallpaper ko. Si Yohann.
Ah, right. Naalala ko na rin agad. He broke up with me. Uminom ako.
Yun lang yung naalala ko. Nakipag-break sya saakin sa anniversary namin at tinungga ko yung naiwan nyang whiskey sa mesa. Kaya ito, hang-over ang inabot ko. Ganito pala ang feeling nun? Parang binibiyak yung ulo mo tapos hinahalukay yung utak mo?
Pero di ko mai-compare yung sakit ng ulo ko sa sakit na dala nung break up na yun.
Ano ba yan, kung anu-ano pa ang naiisip ko rito. Dapat sanay na ako! Wala nang bago rito!
Hala. Alam kaya ni Mama na uminom ako? Patay ako run, pinagbabawalan ako gumawa ng kung anu-anong delikado ni Mama eh. Nagpakalasing pa ako. Kailangan ko nang gumalaw. Baka mahalata nya na may mali at sugurin ako rito.
Tumayo ako dahan-dahan gamit yung bed frame. Ay! Nahihilo ako. Hindi ko na nga binigla eh, enebe.
God. Ako ba 'tong nasa full-length mirror? Hindi ako mukhang tao- Oo, alam kong di ako kagandahan pero itong reflection sa salamin, hindi ka maniniwalang tao 'to. Yung damit ko, parang may mga natuyong pagkain tsaka bakit parang ang gaspang ko? Nahagip ko pa ng amoy yung sarili ko. Jusme. Taong grasa na ba ako? Anong nangyari? Di ba parang ang OA naman ng nangyari sakin ngayon? Bakit may mga naglalasing kung ganito naman ang kakalabasan ng hangover nila?
Pati yung mata ko namamaga. Well. Hindi na considered na nakakagulat 'to. Para na syang break-up essential. Masakit na puso, magulong utak, magang mata. Yung mga tanong na bakit, ano bang nagawa ko? Bakit sya na-fall out of love saakin? Ano bang meron yung babaeng yun na wala ako? Maganda? Sexy? Matalino? Well, alam ko namang lacking ako sa aspects na yun.
Alam na alam ko yan, kasi palagi kong nararansan.
Paanong palagi? Let's see. Parang palagi akong trip na iwan mga nagiging boyfriend- I mean, ex- ko. Hindi pa nangyayari na ako yung nang-iwan.
It should be okay, right? Hindi naman talaga bad news na iniwan ka ng lalaki sa generation natin ngayon, but as I observed, naapektuhan na yung reputation ko. Lahat kasi ng nagiging boyfriend ko, sikat sa school. Simula high school palang ako nyan, may ganoon na akong marka. I don't know, gwapo kasi yung mga ex ko kaya sikat. Hindi ko nga alam kung bakit ako nilalapitan considering na napaka-normal kong babae. Kaya ang tingin na saakin sa school dati pa, parang 'girlfriend ng bayan'. Wala tuloy kumakaibigan saakin, akala nila may AIDS na ako or whatever dahil sa dami ng naging ex ko, which is weird dahil virgin pa ako. Baka ayaw lang nila na madamay sa reputasyon ko. Hindi ko naman sila masisisi. Sa society natin ngayon, mahalaga ang image.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl (UNDER MAJOR EDITING)
RandomA story of a girl na palagi nalang iniiwan ng boyfriends nya- or more like ex nya. What will happen kung one summer night, she unknowingly caused a snobby boy some trouble? Join Summer and Levi as they find things about love. Naranasan na ba talaga...