Chapter 4
White
[ S U M M E R ]
"Ikaw na muna ang magbantay dito sa flower shop, ha?" kinuha ni Mama yung bag nya sa desk. Napatingin tuloy ako sa kanya, kasi bigla-bigla nalang syang tumatayo. "Pupunta lang ako sa supplier natin. Ang tagal dumating ng stocks, paubos na yung mga bulaklak. Yung white roses nalang ang natira."
"Uh, okay po." Syempre, yun lang ang pwede kong sabihin. Baka nag-iinit na yung ulo nya sa supplier namin. "Pero Ma, bakit kaya white roses nalang yung marami ngayon?"
Simula kasi ng tumulong ako rito sa flower shop namin, napapansin ko na parating marami yung white roses. Hindi nabibili. Hindi rin nila sinasama sa bouquet ng red roses kahit na bagay sya. Maganda naman sya ah, bakit ayaw nila?
Kahit pala maganda, inaayawan na ngayon. Paano nalang ako nyan? Nakakaiyak naman.
"Pang-patay kasi yan," Sabi nya. Papunta na sya sa pinto ng shop. Pang-patay?! "Oh sya, una na ako. Ayusin ang bantay ah?"
Tumango nalang ako at nag-wave sa kanya. Pumunta na sya sa kotse at umalis. Wala rin ngayon yung ibang helper kasi tanghaling tapat ngayon, lunch break pa nila. Ang ginagawa naman nila, mag-trim ng bulaklak at tsaka pagggandahin yung flower shop. Arte lang naman mg mama ko na pagmukhaing flower shop talaga 'to, pero okay na rin kasi ang cute-cute! Kami ni Mama yung mismong naga-arrange ng bulaklak.
Mula sa upuan ko, tinitigan ko yung white roses. Kaya pala... Pero, wala bang patay rito saamin? I mean, hindi ba nila dinadalhan? O ayaw lang nila ng white roses ang ibigay kasi pang-patay nga? Eh ano naman, patay naman talaga sila eh. Ano pa bang magagawa nila? O baka ayaw ng patay kasi di pa nila tanggap na patay na nga sila? Ano ba yan, ang gulo! Ito ang masama saakin pag nag-iisip eh, nasosobrahan.
"Lalim ng iniisip natin, ah?" Tumunog yung wind chime at nagpasalamat na ako sa pumasok kasi natanggal ako sa pag-iisip ko. Hindi ko na talaga susubukang mag-isip next time. Bahala na kung bakit ayaw nila ng white roses.
Pero alam ko na ang io-odder kong bulaklak pag may namatay na character sa anime na pinapanuod ko. O sa puso ko pag nakipag-break ako. Tama.
"Ah, andito ka na naman, Ikemen-kun. Napapadalas ka ata. Nandito ka lang kahapon ah?" Bati ko sa kanya at automatic na napasimangot sya sa nickname na binigay ko. Bumili na rin sya kahapon ng bulaklak, mga hapon na yun. May date daw kasi sya. Bago ako magdeliver sa bistro, kung saan ko nakilala si Levi.
Oo nga pala, si Levi. Nakuha nya kaya yung 500 na mala-ninja kong nilagay sa bulsa nya? Alam ko na-shoot ko naman eh. Sana hindi pa nadurog sa washing machine. Baka nga hindi pa nalalabhan yun, eh.
Hindi ko nga rin alam kung anong atom ang pumasok sa utak ko nung nilagay ko yung binigay nyang pera pabalik sa bulsa nya eh. Siguro, dahil nab-bother ako na may utang ako sa kanya. Kaya basically, ako ang nagbayad nung binili nya dahil susunugin ako ng buhay ng mama ko pag bumalik ako ng walang dala.
"Tinatawag mo na naman ako ng kung anu-anong mga pangalan." Umiiling sya. "Hindi naman yun yung pangalan ko, ako si--"
"Okay. Pareho lang nung kahapon diba?" Tumayo na ako para mag-arrange ng bulaklak. Mabilis naman akong natuto, namanahan pa ata ako ni Mama ng talent nya rito. Sabagay, simple lang naman ang gusto nya eh. Buti na nga lang at meron pang stock nung mga flowers na yun kaso konti nalang talaga. May dala ring swerte 'tong isang to kahit minsan eh.
"Oo." Sumusunod sya saakin nung kumukuha ako ng mga flowers. Susmaryosep na bata 'to, parang walang tiwala saakin na hindi ako kukuha ng matino. "Gandahan mo ah, girlfriend ko na yung pagdadalhan ko nyan."
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl (UNDER MAJOR EDITING)
RandomA story of a girl na palagi nalang iniiwan ng boyfriends nya- or more like ex nya. What will happen kung one summer night, she unknowingly caused a snobby boy some trouble? Join Summer and Levi as they find things about love. Naranasan na ba talaga...