Chapter 3

13 2 0
                                    

Chapter 3

Namesakes

[ S U M M E R ]

Ang sama ng tingin nya saakin. Nakakatakot sya, kahit na naka-poker face sya pero medyo alarmed yung itsura nya. Eeeeh! Ano naman kasing magagawa ko? Sya lang yung nasa labas as of the moment na pwede kong pagtanungan. Unang-una, ayoko munang pumasok sa bistro dahil may mga bitter memories pa ako dyan. Maawa naman kayo saakin, 1 week palang ang nakakalipas simula nung nangyari yun. Isa pa, diba ang awkward naman nun kung papasok akong mag-isa at may dala pa akong bulaklak? Andaming tao sa loob nyan, noh. Selfish na kung selfish pero hindi ko talaga kaya. Hindi kaya ng puso ko na pakiramdam ko tatalon na every moment.

Kaya ayun, Kuya. Sorry. Sorry kung nadamay ka pa sa kadamutan ko pero in fairness, nakaya kong magsimula ng usapan sa ibang tao? Woah. Kaso parang kakain ng tao ito.

"Ano..." Lumayo ako sa kanya kasi natatakot na ako sa tingin nya, promise. "Sorry---"

"Actually," tinuro nya yung dala ko. Hindi naman tulog galit yung boses nya tsaka kumalma na yung mukha nya kaya medyo nawala na yung daga sa dibdib ko. "Ako ang nagpadeliver nyan rito."

"Eh?" Napatanga ako sa kanya. Sya? Nagpa-deliver? Hindi halata sa kanya, pero romantic pala sya? Baka sya yung mga tipo na mabait lang sa girlfriend-

"Then?" He snapped at me kaya nagising ako. Naiisip ko pa talaga yun, ah? Ganun ba ako ka-desperada na?

"Ah!" I tried my best na makuha ko yung recieve form sa bulsa ko kahit na nagpapanic na ako. Salamat sa Diyos at nakuha ko naman ng maayos. Feeling ko kasi jinu-judge ako habang pinapanuod ako nito ni Kuya eh. "Sir, pa-sign nalang po nito."

Walang salita nyang kinuha saakin yung ballpen tsaka yung form. Nakatingin- hindi, more like nakatingala ako sa kanya. Chinito sya. Matangos ang ilong. Hmm. Hindi nakakagulat na kailangan nyang magpa-deliver ng bulaklak. Ewan ko ba kung bakit pa ba ako nagulat, siguro kasi poker face sya? Pero, sa itsura nyang yan, malamang may jowa sya. Hindi talaga imposible. Marami atang nabubuong love stories sa bistro na 'to.

Sana, di sila matulad saamin. Ni Yohann.

Ouch.

Ay, nage-emote na naman ako.

"Here." Inabot nya saakin yung form at kinuha yung wallet nya sa bulsa nya. "How much?"

"Um.." Magkano nga ulit 'to? Tinignan ko pa tuloy yung price na nakasulat sa palad ko. "Php 500, sir."

"500." Hindi sya gumalaw. Umasim yung mukha nya as if nakaalala ng pangit na memory. Wait, wait. Anyaree?

Kailangan ko pa atang i-elaborate? "150 po yung isang bouquet, so 300 for 2. 200 po sa delivery since rush sya kaya medyo." Dinaan ko nalang sa hand gesture yung "mahal". Ang hirap sabihin lalo na parang galit sya. Baka ingudngod nya saakin yung bouquet. Wala akong magagawa, mahal talaga ang rush!

"Do both of us a favor and cut the rush delivery fee."

"Sir? Sweldo ko na po yon rito. Yun na nga lang talaga ang ginawa ko rito." Cut daw? Seryoso ba sya? Alam kong hindi pa ako katagal nagt-trabaho pero, weh?

"Hindi mo ako naalala?" Tinignan nya ako na para akong shunga na hindi ko sya naalala.

Para akong tinamaan ng kidlat sa gulat ko sa tanong nya. Nagkita... "Wala akong matandaan?"

"Ah, lasing ka nga pala nun."

Ha? Oo, lasing nga ako nun pero paano nya nalaman? "Naalala? Nagkita na ba tayo?"

"Yeah." Sumama na naman yung tingin nya saakin. Napalayo tuloy ako. Hindi ko naman talaga maalala eh! "Last week, Friday. At this place."

"Hindi kita maalala." Promise. Puro si Yohann lang ang naalala ko pag nababangit yung last Friday.

Heartbreak Girl (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon