Chapter 6

20 1 0
                                    

Chapter 5

Partners

[ S U M M E R ]

"Levi, Anong oras yung gig nyo?" I asked. "Baka nakakaistorbo ako sayo."

Ang alam ko kasi, may banda sya. Nabanggit nya na sakin yun nung unang beses kaming nagkausap ng matino-matino kasi alam kong may possibility na nakausap ko sya nung lasing ako.

"8:00-8:30. Still early. Hindi kita kakausapin kung alam kong wala tayong matatapos." Sagot nya. "Besides, may kailangan din ako sa'yo."

Tinignan ko yung relo ko. 7:30. Oo nga noh? "Buti naman. Ayokong madagdagan yung mga kasalanan ko sa'yo."

Kaya mo yan, Summer! Kaya ko 'to, kaya ko 'to!

Teka nga, bakit ba ako kinakabahan na kaharap ko sa isang table sa bistro si Levi? Kung iisipin, sabagay. Marami nga pala akong kasalanan sa kanya.

1. Nag-eskandalo ako sa gig nya.
2. Sinukahan ko sya!-yikes.
3. Hindi ko agad napansin na sa patay nya talaga ibibigay yung white roses. At pansin kong talagang na-offend sya doon. I mean, sino ba namang hindi?

Sa totoo lang, nalanghap ko na ata lahat ng polluted air kanina sa labas kaka-inhale at exhale para lang kumalma. Ganon kapangit yung huli naming pagkikita tapos may lakas ako ng loob na puntahan sya ngayong araw para humingi ng pabor? Alpha kapal muks member na talaga ako.

Wala lang kasi akong choice eh.  Matagal ko ring pinag-isipan 'to at naghanap ng taong pwedeng tumulong saakin pero wala akong nahanap. Isa lang talaga, si Levi lang ang tumama sa lahat ng standards ko. Wag nga lang sana maging 'A Choice With No Regrets'

"So..." Binaba nya yung iniinom nyang ice tea na nangangalahati na. Hindi ko pa nga nagagalaw yung akin dahil siguro kinakabahan ako. Baka ma-jingle ako lalo. Yes, ice tea lang. Ayoko na mag-alcohol! "Kakausapin mo ba ako para sabihin na wrong choice ang ginawa ng kapatid ko sa pinsan mo? Gotta complain to me?"

"Wait. Wait!" Ang bilis naman, dun na agad? Walang preamble? Direct to the point, walang palabok. "Andito ako para magpaliwanag! This is just a big misunderstanding!"

He looked interested. O parang pang-asar lang yung pagiging interested nya?  "Huh? Misunderstanding? Dahil sa isang misunderstanding, I'm like living in an eternal hell right now?! Yun ba ang sinasabi mo?!"

"Oo! Ganun nga!" Sagot ko agad. Tsaka ko lang narealize na mali pala yung sagot ko nung lumbas na naman yung murderous aura nya. Jusmiyo! Nagsitaasan na naman yung mga balahibo ko. Kahit kailan talaga ang katangahan ko!

"So it's like that, huh." Nakangisi pa sya habang nagsasalita sabay inom ng iced tea. Lalo akong napa-alert cause who knows, baka ipalo nya saakin yung baso pag ubos na! "Papatayin ko yang pinsan mo."

"Wag!" Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, papatayin talaga ni Levi si Winter. Swerte lang kami nung nasa flower shop pero sa susunod na magkita sila, wala na talaga. Nakatakda talaga 'tong mangyari kaya wala akong magagawa-minor character lang ako eh. Background-chan. "Misunderstanding nga lang talaga 'to! Magulo lang!"

"What kind of a misunderstanding is this?" Tanong nya sabay sandal. Bumalik na yung composure nya. "Gaano sila katanga para magka-misunderstanding at guluhin ang buhay ko ng ganito?"

"Hindi nanloko si Winter, kasi ako lang yung kasama nya nung araw na yun! Ako yung kasama nya! Nagkataon lang na na may nakakita saamin na nakaakbay sya saakin!"

4. Ako ang dahilan nang break-up ni Winter at Snow. Oo, ako nga. Sorry.

"Ah..." Tumango sya. "You guys are dating. Hindi yun misunderstanding, it's cheating."

Heartbreak Girl (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon