Chapter 5

12 1 0
                                    

Chapter 5

Partners

[ S U M M E R ]

"Uh... Anong oras yung gig nyo?" I asked. "Baka nakakaistorbo ako sayo."

Ang alam ko kasi, may banda sya. Nabanggit nya na sakin yun nung unang beses kaming nagkausap ng matino-matino kasi alam kong may possibility na nakausap ko sya nung lasing ako.

"8:00-8:30. Still early. Hindi kita kakausapin kung alam kong wala tayong matatapos." Sagot nya. "Besides, may kailangan din ako sa'yo."

Tinignan ko yung relo ko. 7:30. Good point. "Ah..."

Kaya mo yan, Summer! Kaya ko 'to, kaya ko 'to!

Teka nga, bakit ba ako kinakabahan na kaharap ko sa isang table sa bistro si Levi? .. Uhm, sabagay. Marami nga pala akong kasalanan sa kanya.

1. Nag-eskandalo ako sa gig nya.
2. Sinukahan ko sya!-yikes.
3. May utang ako sa kanya-yep, considered na utang pa rin yun dahil nasakin pa rin yung pera.
4. Hindi ko agad napansin na sa patay nya talaga ibibigay yung white roses. At pansin kong talagang na-offend sya doon.

"So..." Binaba nya yung iniinom nyang ice tea na nangangalahati na. Hindi ko pa nga nagagalaw yung akin dahil siguro kinakabahan ako. Yes, ice tea lang. Ayoko na mag-alcohol! "Kakausapin mo ba ako para sabihin na wrong choice ang ginawa ng kapatid ko sa pinsan mo? Gotta complain to me?"

"Wait. Wait!" Ang bilis naman, dun na agad? Walang preamble? "Andito ako para magpaliwanag! This is just a big misunderstanding!"

He looked interested. "Huh?"

"Oo! Ganun nga! Hindi sya nanloko, kasi ako lang naman yung kasama nya nung araw na yun! Ako yung kasama nya!"

5. Ako ang dahilan nang break-up ni Winter at Snow. Oo, ako nga. Sorry.

"Ah..." Tumango sya. "You guys are dating. Okay."

"Hindi! Anong 'dating'?!" Hindi nya ako naintindihan! "Pinsan ko yun eh! Magkasama lang kami nun kasi ililibre nya ako. Hindi nga sya tumitigil sa kakakwento tungkol kay Snow eh."

"Oh? Are you sure?" Tanong nya. Para syang nangaasar na sarcastic na hindi ko maintindihan.

"100% sure na sure!" I sticked my index finger out. "Magsisinungaling ba ako tungkol rito?"

Naniwala kaya sya? Not that nagsisinungaling ako, pero sa ugali nitong si Levi, hindi sya madaling ma-convince.

"Hn." Lumayo yung tingin nya. "Bakit ikaw nagpapaliwanag? Where is that bastard?"

I sighed. "Sorry, dapat isasama ko sya ngayon pero nag-eemote pa rin sya sa bahay nila. Hindi nya rin alam na gagawin ko 'to. Well, ako naman kasi talaga ang may kasalanan."

Naalala ko na naman yung nangyari nun. Tuwang-tuwa syang nagk-kwento habang kumakain kami ng dinner, biglang may tumawag sa kanya. Alam ko na agad na si Snow yun, pero nagulat ako na sigaw ng sigaw yung nasa kabilang linya pero hindi ko rin naman maintindihan. Nagh-hysteria na nun si Winter pero nung humina yung boses ni Snow, bigla na lang syang umiyak. Hindi ko sya makausap nang matino, kasi tinatawagan nya si Snow. Nung medyo kumalma na sya, sinabi nyang nakipagbreak na nga sa kanya si Snow kasi may ka-date sya kanina. Alam kong ako na yun. Kahit na hindi naman talaga date yun, magkasama pa rin kami.

"Oh." He shrugged. "Figures. Ganoon rin ang routine ni Snow ngayon. Stupidly crying over spilled milk."

Tumango lang ako. Sheesh, nag-guilty ako. May dala ba akong malas at parang wala akong nagagawang tama this past few days? "I'm sorry."

Heartbreak Girl (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon