[4] Between iced coffee and the talk

11 0 0
                                    

Pan

Napagdesisyunan kong sumama nga sa meeting nina Ace at E. Actually, third meeting na nilang dalawa 'to for thesis peer consultation, at pangatlong beses ko na ring sumasama. Wala lang, wala namang akong ginagawa at tapos na ko sa thesis manuscript ko, tsaka gusto ko lang na maghatid. Bakit ba? Nandito na ko sa campus nila at hinihintay na lang sila para sabay sabay na kaming pumunta ng usual cafe na pinupuntahan namin.

Nakatambay ako sa bench sa parking area ng university nila nang mareceive ko ang message ni E na nauna na pala siya sa cafe. May kinita raw siya kaagad pagkatapos ng klase niya kaya dumiretso na siya don. Alas dos na ng hapon, at pagkakatanda ko, saktong 2PM ang last class ni Ace. Tatawagan ko na sana siya ng makita kong tumatawag na pala siya.

"Babe, san ka na?" Sagot ko sa pangalawang tunog ng cellphone ko.

"Palabas na ko ng building. San ka banda?" Oh, 'di ba. Sanay na sanay ang bebe ku sa endearment, baka pwede namang totohanin na 'to? Biro lang, hindi ko kaya. Sinabi ko kung nasaan ako mismo at tinapos ang tawag.

Ilang minuto lang naman ang lumipas ay nakita ko na rin si Ace na papalapit sakin. Napakaraming bitbit sa magkabilang kamay. "Napakarami mo namang dala?" Tanong ko pagkasalubong, kinuha ko sa kanya ang mga dala niya at inilagay sa backseat ng sasakyan. "Tignan mo, pawis na pawis ka pa." Panunukso ko at inabot ang panyo ko sa kanya. "Jusko naman, Ace, 'di kita pinapabayaan ng ganito, ingatan mo naman sarili mo." Pagbibiro ko nang natatawa at nakatanggap naman ako ng isang malutong na mura galing sa kanya. Tumambay kami sandali sa tabi habang nagpapahinga siya. Mga past papers daw nila 'yon na ngayon lang binalik ng iba't iba nilang professors, naglilinis daw yata sila ng faculty room.

"Francis?" Papasok na kami ng sasakyan ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko - si Benji. Same university nga pala sila nila Ace.

"Uy, hi." Bati ko. Napansin nya na may kasama ako kaya binati nya rin si Ace, si Ace naman nginitian lang din ang bagong dating.

"Akala ko mag isa ka, sinundo mo pala boyfriend mo." Nakangiti nitong sabi. Nakakatuwa man pakinggan yung boyfriend na part, pero yung pagtaas ng kilay ni Ace, hindi. May toyo na naman ba bebe ku? Sinakyan ko na lang ang sinabi ni Benji at nagpaalam na. For some reason, feeling ko lagot ako kay Ace.

"Kala ko magku-kwentuhan pa kayo ng ex mo." Unang nagsalita si Ace pagka andar ng sasakyan. Tunog nagseselos pero sigurado akong hindi selos yung nasa tono niya. 'Di ba?

"Wala namang dahilan para mag usap. Ex na nga eh." Pagpapaliwanag ko naman. Tumango tango lang siya sa sagot ko. Hindi ko na naman mabasa kung ano bang iniisip nito. Tahimik na lang kami buong byahe, halata sa katawang lupa ni Ace na pagod siya kaya hindi ko na rin kinulit.

Malapit na kami sa cafe nang bigla siyang magtanong, "Wala na kayong balak mag balikan?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Huminto kami sa red light at tinignan ko siya - sinusubukang basahin kung anong ibig niyang sabihin, pero wala. Mukhang curious lang yata talaga siya.

"Wala." Diretsahan kong sagot habang nakatingin pa rin sa kanya, tinignan niya lang rin ako sa mata at tumango. Bilog na bilog na naman ang mga mata, mukhang napaka inosente 'wag lang magsasalita. "Ah, ok." Matipid niyang sagot pero sa pagtitig niya, mukhang may gusto pang sabihin. 'Di ko na talaga maintindihan kung ano bang iniisip nito.

"Why did you ask?" Tanong ko nung nag green na ang traffic light.

Humuni pa sya ng bahagya habang tikom ang bibig bago sumagot, "Akala ko stressed ka dahil don. Ang defensive mo kasi talaga last time, sure ako na may nangyari, tapos nakita pa last time bago umuwi. Di ba nag stop ka na - like for more than a year na, right?" Paliwanag naman niya. Ah, oo nga pala. Kaya pala. Hindi nga nagseselos, curious lang.

Sa Totoo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon