[2] Pizza and questions

12 0 0
                                    

Ace

"Uno! Tangina nyo, nanalo rin ako sa wakas!" Sigaw ni B nang mailapag nya ang second to the last card na hawak nya at tumayo pa sa ibabaw ng sofa habang nakataas ang mga kamao. Halos mag iisang oras na kaming naglalaro ng uno pero ngayon lang sya naka-uno. Natawa na lang kaming lahat sa reaction nya.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung surprise proposal drama ng dalawang haliparot na kulang na lang mag-lingkisan sa sofa ngayon. Natatawa na lang ako pag naalala ko na ang lala ng dinrama noon ni B, at gatong naman kaming lahat.

Ito naman kasing si B2, ang daming pakulo. Gusto lang palang bakuran na ng tuluyan si B. Sinakto raw ni B2 na magpropose sa ika-pitong taon nilang magkarelasyon. Hindi naman sa atat silang magpakasal, pero plano na ata nila talaga na magpakasal after makapag board exam ni B. Gagraduate na next academic year si B, meaning halos dalawang taon na lang kung papasa sya sa first take. Hindi ko pa rin maintindihan kung saang sulok nanggagaling lahat ng lakas ng loob netong dalawang 'to.

"Ace." Tawag ni Pan sabay abot sakin ng isang slice ng pizza.

Tahimik lang namin na kinakain ang pizza na inorder ni B2 kanina bago sya maunang umuwi, habang nagku-kwento naman si C tungkol sa mga strategy raw sa kung paano makaka-uno agad. Sa dami ng kwento at actions ni C, wala naman akong maintindihan.

"Ace." Narinig ko ulit na tawag ni Pan, sabay abot naman ng isang baso ng coke.

Huminto sandali sa pagku-kwento si C at pinanood lang ang pag abot sakin ng baso ni Pan. Tinignan ko lang sya at nagpatuloy naman na ulit sya sa pagku-kwento.

"Ace." Pangatlong tawag ni Pan, tissue paper naman ang inabot sabay turo sa gilid ng labi nya.

"May kamay naman si Ace ba't kailangan mong pagsilbihan. Puro ka Ace, Ace, Ace. Ikaw na rin kaya magsubo at ngumuya ng pizza tsaka mo ipasa sa kanya?" Panunukso ni C dahil ilang beses nang naputol at hindi nya maituloy tuloy ang kwento nya.

"Hoy, gago iba naisip ko, napakakalat mo, C." Tawang tawa naman si D sa sinabi nya. Maski sila B naman ay tawang tawa rin. Napailing na lang ako, minsan hindi ko maintindiham kung saang lulalop nanggagaling mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko.

"Ay, Pan, nga pala -" panimula ni C, kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Hm?"

"Sino yung kausap mo nung proposal kay B?" For some reason, feeling ko huminto ang oras. Natahimik din ang lahat, nag aabang sa kung anong isasagot ni Pan. Habang si Pan naman, patuloy lang sa pagkain ng pizza. "Ex ko.", matipid na sagot ni Pan. Hindi ko alam kung paano nangyari pero mas natahimik ang lahat. Parang wala nang humihinga nang biglang magsalit ulit si C.

"Oh, pano ba yan. I-Gcash nyo na lang sakin tig-1k n'yo." Nakangisi na sabi ni C kila D.

"Hooooy!?" Sabay naming sigaw ni Pan. Pinagpustahan pala ng mga de puta. Bakit hindi ako sinali?

Pagkatapos ng diskusyon kung ilang porsyento ang mapupunta kay Pan at kung bakit hindi ako sinali sa pustahan nila, naglapag na naman si C ng isang mainit init na tanong.

"Who, when at why? I mean, kung gusto mo lang naman ikwento, 'no. Hindi naman kami ganun kauhaw sa chismis." Tanong ni C at mukhang iyon din ang tanong ng lahat, kasi pare-pareho kaming nakaabang sa sagot ni Pan.

"Benji. Pinakahuli, last year lang. Kasi bi daw ako." Simpleng sagot naman ni Pan. Sumama ang mukha ko sa last na sagot nya. Naghiwalay sila kasi bisexual daw s'ya?

"Ha?" Sabay sabay naming tanong,

"Bi ka?"

"Naghiwalay kayo dahil don?"

Sa Totoo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon