Lumipas ang araw na 'yon at ilan pa bago kami magkitang muli. Akala ko'y madali lang sa akin na kayaning malayo sa kanya ngunit sadyang hindi ko kinakaya.Katulad na lamang ngayon.
"Gaano naman katagal yung sa Taiwan?" Malungkot na tanong ko habang mahigpit ang yakap sa baywang niya.
"It will take about a week or so. May lipad pa ako pa-China. I'll be investing on a big project from this specific company. A chemist friend offered this to me." Marahan niyang sagot bago ako dapuan ng tingin at bigyan ng malambot na halik.
These past few days had been so good to me. Palagi kaming magkasama simula noong umuwi siya at kung anu-anong ginagawa namin.
"I'm gonna miss you..." mahina kong bulong.
"I know," she answered. "I'm gonna miss you too, love." She added. Napangiti ako doon at agad akong nagsumiksik sa kanya.
"Hindi ka ba magagalit sa akin kung palagi akong tatawag sayo habang nasa malayo ka?" I curiously asked.
I wonder how she would react to that specific situation. She's a busy person and I totally understand her work. I have to understand her schedule as well so I can't actually complain.
"I can just have the meeting in China through call so I won't have to be gone for too long. Do you want me to go back immediately after Taiwan?" She asked.
Sa ganitong mga sagot niya, sinasampal ako ng katotohanan na napakalayo namin sa isat-isa. Ang mga magulang ko, hindi pwedeng palipasin ang meeting kapag may kasamang bigating tao, si Catherine, sa kabilang banda, handang gumawa ng alternatibong paraan upang makadalo dahil lang gusto ko siyang makasama.
But I'm not selfish. I don't want her to stop doing the things that she normally does before I came to her life.
"Pwede namang calls and texts na lang. I don't want to disturb you too much." Mahina kong sabi... medyo nahihiya na.
"You know, I'll do whatever it is that will make my baby feel okay. I don't want you to overthink and think too much about such things that will not make you feel good. Pwede naman kitang samahan dito sa Pinas." Sagot niya sa akin.
Mahina akong bumuntong hinginga bago bumagon mula sa pagkakapatong sa braso niya. Umupo siya katulad ko, hinabol ang aking mga mata.
"I will be okay here, Cath. I will wait for you." Nakangiti kong sambit.
Half meant words were said by me. Ang totoo kasi, it may sound too childish, but I really don't want her to go. I don't want to miss her too much. I don't want to spend almost three weeks without physically touching and literally seeing her.
Gumapang ang mga kamay niya mula sa aking likuran hanggang sa tagiliran bago ako tuluyang yakapin sa tiyan. Malalambot na halik ang pinaulan niya sa balikat ko habang nakanguso ako at nagpapanggap na hindi pinapansin ang paglalambing niya.
"You can tell me anything. Just tell me that you don't want me to go and I'll cancel that trip." Mahina niyang sambit malapit sa aking tainga.
Bahagya akong napaatras nang maramdaman ang malalim at mainit niyang hininga. Mukhang naintindihan niya ang naging reaksyon ko dahil agad siyang bumaling sa bintana.
"Ganito pala ako magkagusto sa ibang tao..." mahina niyang sambit. "I want to own every bit of you." She added.
Lalo kong pinahaba ang aking nguso bago bahagyang lumingon sa kanya. She never expressed the way she likes me. She never did. She knows how to express her emotions through her actions but she was never vocal about what she feels.
BINABASA MO ANG
The White in her Black
General FictionThis is an LGBT themed story. ----- EMPIRE SERIES #2 Catherine Montemayor Madison Cortez