Chapter 23

619 34 8
                                    


Kagat labi akong naupo sa hapag nang maghain ng pagkain si Catherine. Nararamdaman ko ang mga tingin na ipinupukaw niya sa akin pero todo iwas naman ako sa kanya.

Hindi ko kayang pagtamain ang mga paningin namin. Kanina, biglang bumukas ang pintuan ng cr habang naliligo ako. I got used of letting my door be unlocked when I'm using it.

Akala niya yata nagwawalis ako sa bakuran. That's what I usually does in the morning. I decided to skip cleaning the backyard today and just go to shower. I was told to open the café early and accept the delivery of the harvested beans.

Muli akong namula nang maisip ang reaksyon kanina ni Catherine. Her eyes went from my face to my body. I don't know if it was out of shock or what but I saw how hard she swallowed her saliva while looking at my body, my boobs, specifically.

"Thank you..." halos walang boses ko na sabi. Nilagyan niya kasi ng pagkain ang plato ko. Isinunod niya ang baso na walang laman.

Hindi ko na pinilit na magsalita. Sabay naman kaming naligo kahapon pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Ramdam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi ako sigurado doon.

Mukhang mamamatay pa ako sa nararamdaman kong hiya.

We usually talk while eating our breakfast. Ngayon, ni walang nagsasalita sa amin. Mukhang parehas lang kaming nahihiya. Hindi ko alam kung paano ipaparating sa kanya na ayos lang 'yon at umakto na lang kami na parang walang nangyari.

Kaya lang, hindi ko kaya. Iniisip ko palang ang nangyari, pati ang naging reaksyon niya... naiisip ko na agad na talagang namiss niya ako.

Hindi nawala ang hiyang nararamdaman ko hanggang sa sumama siya sa akin sa trabaho. Kahit sa pagkuha ng order niya, nahihiya pa rin ako.

Ngumuso ako nang muling tignan ang Catherine Montemayor na nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko at napapabuntong na lamang ako ng malalim na hininga.

"Ano ba 'yan?" Tanong ni Jef sa akin nang muli akong pumasok sa loob ng kitchen para mag request ng pasta.

"Bakit?" Umiwas ako ng tingin.

"Buong araw nakatambay dito tapos ikaw lang nang ikaw yung pinapakilos. Tama ba 'yun?" Nagsalubong ang dalawa niyang kilay, kuryoso sa kung paanong sumusunod din ako.

"It's okay, I'm not tired." Maliit akong ngumiti.

"Is she a relative? I figured how she misses you when she almost cried while we were closing the café." Inintindi niya ang inventory plan pero nakikipag usap sa akin.

"Nope," I answered. "Uh, Fiancee," I bit my lower lip. Bahagya pa akong ngumiti bago muling tignan ang pasta at ilabas sa naghihintay na customer.

I was able to finish that tiring day with lots of customer. Palagi akong sinasabihan ni Catherine na huwag na lang magtrabaho sa tuwing uuwi kami at sinasabi kong pagod ako mula sa trabaho.

"I always remind you to stay here and don't work. I can just buy that café for you so you'd still have your own time for yourself." She said for the nth time.

Habang buhay yata naming pag tatalunan ang bagay na 'to. Kilala ko si Catherine pero sana alam niyang nagbago na ako. Katawan ko mismo ang humahanap ng trabaho.

"Do you want to move somewhere else and have a new beginning?" She asked as I sat beside her.

"I like living here." Panimula kong sabi.

Narito ang kapayapaan ko. Noong mga panahong napapaisip ako kung gusto ko pa bang mabuhay, nanatili ako dito at pilit na pinaniwala sa sarili na kaya ko.

The White in her BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon