The Break-Up Story

118 1 2
                                    

Prologue: Sept. 8, 2011

"Bakit mo sa'kin ginagawa 'to?" Sigaw ko habang umiiyak. Hawak-hawak ko yung picture naming dalawa ni Migo.

Grabe... Ang saya naming dalawa sa picture na 'to. Naaalala ko pa 'yung araw na 'to. This was taken a month and a half ago. When we watched Death Cabs For Cutie's concert. Mahilig kasi siya sa mga ganung klaseng banda. In fact, favorite niya band niya 'yun.

"Migo! Saan ba ako nag-kulang? Minahal naman kita!!!!" I screamed again, habang ginugulo ko' yung buhok ko at kinukusot-kusot ko yung daster ko.

Alas-tres na ng hapon pero naka-kulong pa rin ako sa kwarto ko, nagti-timpi at nalu-lugmok.

"Migo!" Humagulhol pa ako tapos binalibag ko yung pinaka-unang bagay na nahawakan ko. Unfortunately, yung bagay na 'yun ay yung Blackberry ko. Binato ko 'yun sa pinto kasi may kumakatok nanaman. Sa lakas ng tama ng phone ko, naghiwa-hiwalay na yung parts pag bagsak ng phone sa floor.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Mas lalo pa tuloy akong umiyak kasi na-realize ko na mahal na mahal yung bili ko sa phone na 'yun at pag-nasira pa 'yun wala na akong pera pangbili ng bago. :(

"Leony!" Sigaw ng bestfriend ko, si Janna.

Mas lalong lumakas yung kabog niya sa pinto ko.

"Leony!!!!!!!!!!!!!" Sabi niya ulit, pagka-tapos niyang hampas-hampas 'yung pinto ko. "Buksan mo 'to!"

"Ayoko." Sabi ko tapos nag-tago ako sa ilalim ng tamong ko. 

"Hoy! Leony! Pag hindi ka lumabas diyan susugurin ko si Migo sa bahay nila at bubuhusan ko siya ng ihi!" Banta niya. Mukhang hindi seryoso, pero alam ko na kayang gawin 'yun ni Janna. Isa pa, may isang salita 'yung babaeng 'yan.

Tumayo ako at binuksan ko 'yung pinto at pinapasok siya.

"Dios mio perdones...." Bigla niyang nasabi once she saw my bedroom. Ang gulo-gulo kasi ng kwarto ko. Lahat kasi ng bagay na pwedengt ibalibag, binalibag ko na. Pati 'yung lampshade ko tinapon ko na.

"May bagyong dumaan sa kwarto mo?" Pinulot niya 'yung bawat piraso ng cellphone ko at inassemble ulit tapos inabot niya sa akin.

"Oh, ayan, nasira, pero nabuo naman ulit."

Tiningnan ko yung phone ko. "Buti pa 'yung cellphone, naayos... Nabuo ulit... Yung puso ko? Sirang-sira na, nawala na 'yung missing piece. Mabubuo pa kaya 'to?"

"Gaga!" Sinampal niya ako.

Hindi na ako nag-react or gumanti. Malakas 'yung sampal niya, pero wala akong maramdaman. Feeling ko, wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Parang sinuntok ako sa dibdib ng sobrang lakas. Parang may pumipisil sa puso ko, kaya naman namimilipit na ako sa sobrang sakit.

"Hindi naman si Migo ang "missing piece" mo, kung ano man 'yang "missing piece" na pinagsasabi mo."

Umiyak pa ulit ako at mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya.

"Heto lang, Leony, isipin mo nga. Kung siya 'yung "missing piece" mo, eh 'di sana hindi ka niya iniwan. 'Di ba?"

Her words were cold and sharp. Those were the kind of words that wont just go through your ears. THEY WOULD STICK THERE.

"Face it. Wala na kayo, mag-move on ka na."

Alam mo yung feeling na parang ayaw mo pakinggang 'yung kausap mo? Ayaw mo pakinggan kasi totoo o kaya tama? 

"Two days pa lang magmo-move on na agad?"

"You know what you're doing?" She snapped at me. "You're procrastinating. Instead na tumunganga ka diyan, at umiyak-iyak, do something else. Something productive. Try mo kaya? Hindi mo naman ikakamatay eh."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"You will not start tomorrow, next week or later. You will start NOW." Emphasize on the word "now".

"Pwede ba? Janna? Pagod na pagod na ako. Ayoko munang gawin 'yang pinagsasabi mo."

Ayoko naman kasing mag-move on, ang gusto ko, maging kami ulit ni Migo. Mabalik ko 'yung happy relationship namin ni Migo. 'Yung normal, everyday life ko. 'Yung magigising ako sa mga goodmorning texts niya. Tapos magla-lunch kami together and then we would talk on the phone hanggang abutin kami ng ala-una ng madaling araw.

Ganun lang naman kasimple 'yung gusto ko. Mabalik ko lang 'yung dati sapat na 'yun.

Perfect pair naman kami. We made each other happy naman. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan namin mag-break.

Why did it have to end?

:(

###

author's note: hindi po 'to edited. wala po kasi akong oras mag-edit eh. pasensya kung may maling grammar or may mispelled words. 

if i get 20 reads, gagawa ako ng chapter two.

vote/fan!!!! thanks!

The Break-Up StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon