Chapter One: June 20, 2010

38 2 0
                                    

"Basta, basta.. Ang blind date mo, naka-kulay blue na polo at naka-black jeans. Maputi 'yun tapos matangkad." Sabi sa akin ni Janna through the phone.

Dyahe naman 'tong pinapagawa niya sa akin. Ano ba kasing klaseng kalandian 'to? Necessary ba talaga 'to?

"Janna.. Ayoko.. Wag na lang kaya?"

*Toot-toot*

"Janna? Hello?" Hay! Binabaan niya na ako.

Ang daming naka-blue sa cafe. Sino naman kaya dito?

Hmm.. I should stick with Janna's description. Ang sabi niya, maputi at matangkad.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Iisa lang yata ang maputi, matangkad at fit na fit sa description ni Janna. Siya 'yung lalakeng aakyat sa mini-stage ng cafe.

Mistiso siya. Medyo macho, pero konti lang. Hindi siya macho as in kasing buff ni Jacob Black, lean lang yung body niya, pero masculine pa rin 'yung itsura. Naka-black nerdy glasses siya. In fairness. Ang gwapo niya pala. Wow, may taste talaga si Janna.

Kaso, pano ko naman siya kakausapin? Magpe-perfom na yata siya? Kaka-akyat niya pa lang doon sa stage bitbit niya 'yung gitara niya.

Intro pa lang ng song na kinakanta niya, alam na alam ko na. Favorite song 'din kasi 'yun nina Robert Pattinson at Kristen Stewart, nakigaya lang ako, kaya favorite ko na 'din! xD

"I was roaming around.. I was looking down at all I see." He sang softly.

Wow. His voice sounded so serene. Hanggang matapos siyang kumanta, nandun ako sa gilid, nakatayo at nakatunganga. Ang galing niya.

After that, I made my way to his table.

"Ah?... Hi?"

Tiningnan niya ako, mukhang confused siya, pero he still smiled at me.

"Hello, Ms. Beautiful."

Parang feeling ko talaga kinuryente ako. Talagang na-flatter ako kasi first time kong masabihan ng magada ng isang lalake.

"Uhm... You're Khiel? Right?"

He frowned. "Ay..? Hindi mo ako kilala?"

Shoot! Si Janna talaga!!!!!! Mali-mali pa 'yung pangalang binibigay!

I covered my face with my hand and then said: "I'm really sorry. Si Maggy kasi.."

Mas lalo siyang na-confuse.

"Ay?! Hindi ikaw 'yung ka-blind date ko?"

"Aah... Unfortunately, no. I'm not Khiel. Ako si Migo. Hindi ako 'yung ka-blind date mo, pero if you want tayo na lang ang mag-date?"

I felt myself blush even more.

"Uhm.." I looked around. Mukhang wala naman yata 'yung Khiel na 'yun. Hindi yata sumipot. "Okay, pero... Hindi 'to date... Okay?"

He smiled. "Okay, this is not a date. Next time na lang kita yayayain mag-date."

Nag-order kami ng oolong tapos ng mango cheese cake, favorite ko! Ang galing ng chamba ni Migo!

"So? Bakit ka nakikipag-blind date?  Wala ka pa bang boyfriend?" Tanong niya sa akin habang hinihintay namin 'yung order namin.

"Eh.." I mumbled sheepishly. "Wala akong boyfriend." Inamin ko kahit medyo nakakahiya. "NBSB ako."

"Ha?" He was incredulous. "Ang ganda mo tapos NBSB ka? Suplada ka 'no?"

Saktong-sakto, dumating 'yung waiter. Nilagay niya lang sa mesa 'yung mga order namin at umalis na siya.

"Yuck!" Bigla kong nasabi.

"Bakit? Ayaw mo ng cheese cake?"

"Hindi!" I waved my hands around like a complete, utter fool. "'Yung sinasabi mo kasi."

"Did I say something wrong?"

"Medyo. Ikaw naman kasi, wagas mang-bola. Hindi naman kasi bagay sa akin. Ang panget ko kaya..."

He frowned. "Who on Earth told you that you're ugly? Simple ka lang, but that's the reason why I find you absolutely stunning."

"Aaaaah.... Marami kasing nagsasabi..." Para akong tanga. 'Yan lang talaga 'yung nasabi ko.

"Ganun? Marami pala? Sige isa-isahin mo at bubugbugin ko 'yung mga 'yun."

And then, accidentally, I ended up staring at his dark brown eyes.

I wasn't supposed to smile. To be honest, I felt like jerking away and hiding under the table because of complete mortification, but something in him made me smile.

We stayed there talking for a few hours, pero bigla kong na-realize na may kailangan akong bilihin sa National Bookstore at si Migo naman, may gig pa sa ibang lugar, so we had to part ways.

Kung iisipin mas matagal pa 'yung stay ko sa bookstore kaysa sa "date" ko. Halos inabot ako ng alas-nwebe ng gabi sa kakahanap ng magandang libro. Natotorete kasi ako, ang daming choices!

Finally, nakahanap ako ng libro at halos naubos ko 'yung pera ko para sa librong 'yun.

Pag-uwi ko, hindi ko na afford mag-taxi, kaya naman nag-lakad na lang ako papunta sa paradahan ng jeep.

Sa madilim at walang taong lugar pa ako napadpad. >_<

Bigla ko na lang napansin na parang may sumusunod sa aking kotse. Isang yellow Hummer.

Tumigil bigla 'yung Hummer sa harap ko. Susme! Si Migo lang pala!

Binuksan niya 'yung pinto sa passenger side tapos sumakay na ako. 

Hello? Kaysa naman mag-lakad ako pauwi baka ma-rape pa ako!

"Uhm, sinusundan mo ba ako?" I asked when I got in.

"Oo." Inamin niya. "Nakita kasi kita na naglalakad mag-isa papunta dito. Hoy, babae, may balak ka bang magpa-disgrasya?"

"Wala 'no! Naubos lang talaga 'yung pera ko sa pag-bili ko ng libro."

"Ah, ano nga uli 'yung pangalan mo?"

"Leony." Sabi ko.

"Sige...."

After a few minutes,nanahimik siya. T_T Ang awkward tuloy!!!!!!!!

"Alam ko na! Can I call you Lily????"

Ayoko sana, kaso lang ang cute kasi eh!!!!!! "Ah, sige..."

Sa kabutihan ni God, nakauwi ako ng safe sa bahay namin, kaso lang bago ako matulog, na-realize ko na hindi man lang nahingi 'yung number or 'yung twitter account niya!!!!!!

###

:D 20 reads = a new chapter!!!!!

The Break-Up StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon