"Sasama ka ba sa amin mag-lunch?" Tanong ni Janna sa akin habang naglalakad kami palabas ng classroom namin.
"Ay, hindi na, kasi susunduin ako ni Mig- -" Bigla kong naalala na wala na pala kami ni Migo. Halos one week nang wala kaming communication.
Tiningnan ako ni Janna na parang pag-tinuloy ko pa 'yung sasabihin ko sasampalin/hahambalusin niya ako.
"Uhm... I mean, oo, sasabay ako sa inyo!" I tried to smile kahit gusto kong umiyak.
Si Janna kasi! Bantay-sarado ako! Gustong-gusto ko sana mag-emote ngayon! Pano ba naman? Pinagpipilitan niyang mag-move on na ako. Akalain mo, sinunog at tinapon niya lahat ng gifts sa akin ni Migo. Pati 'yung mga texts and pictures dinelete niya sa phone ko. And then she asked me to delete Migo's number? Makakatulong ba 'yung pag-bura ng number niya? Eh, memorized ko naman 'yun. >_<
Hay. Wala naman akong baon na lunch tapos kung bibili pa ako ng lunch sa canteen, mauubos na 'yung pera ko. T_T Nakasanayan ko na kasing pag-lunch susunduin ako ni Migo tapos pupunta kami dun sa cafe. Hindi kasi kami nag-aaral sa iisang school. Nasa isang all-boys Catholic school siya, samantalang ako nandito sa Watty Paddy Academy.
"Oh, wala kang baon?" Tanong sa akin ni Lester, siya 'yung baklang cousin ni Janna.
"Wala eh.."
"Ah, bibili na lang siya ng lunch." Sabi ni Janna, tapos hinatak niya ako papunta doon sa counter ng canteen namin.
"Student meal po, tapos lagyan niyo po ng extra rice." Sabi ni Janna doon sa lunch lady.
"Oi!!!! Janna! Wala na akong pera.. Pano ko 'yan mababayaran??"
"Sige, ganito na lang... 'Yung extra rice na lang 'yung bayaran mo, sagot ko na 'yung whole student meal."
Dumating 'yung lunch lady na may dalang tray, nakalagay dun 'yung pagkain. Adobo pala 'yung ulam. n_n At least comfort food 'yung kakainin ko.
"Magkano po lahat?" Tanong ni Janna.
"Bali, yung student meal 32, tapos 'yung extra rice, syete."
Binigay na ni Janna 'yung bayad tapos pumunta na kami sa table namin.
Ang lakas ng kain ko. Ilang araw din akong hindi nakakakain ng maayos.
"Wow? Te? Amazona lang ang peg? Ang lakas mong kumain ha?" Sabi ni Lester, na parang diring-diri sa akin.
"Ah, kasi ilang araw na akong hindi kumakain." Sagot ko. Nasurprise ako nang sagutin ko siya na parang nakangiti pa ako. Kadalasan kasi pag-sinasabihan ako ng tao na matakaw, nabu-bwisit ako.
"Ahhhhhh!!!! Ikaw ba 'yung iniwanan ng jowa????" Tili niya.
Bigla akong napatigil sa pagkain, pati na rin si Janna.
"Lester!" Bulong ni Janna sa pinsan niya. Tiningnan niya si Lester na parang lalamunin niya ng buhay 'yung tao.
"Ay, sorry..."
"Okay lang." I lied, tapos kumain na ulit ako.
"Pero, if you don't mind, bakit kayo nag-break?"
"Lester! Manahimik ka nga!" Saway sa kanya ni Janna.
"Ah, okay lang Janna." Sabi ko habang pinipigilan kong umiyak, pero hindi rin nagtagal, umiyak na ako. "Kasi, nag-away kami.. Hindi ko nga alam kung anong pinag-awayan namin, basta nagalit siya sa akin... And then after that, hindi na siya nag-text or tumawag pa. Hindi nga rin siya nagpakita sa akin."
"Ah, ganun pala? Nag-Gone With The Wind pala si boylet. So, hindi pa kayo break kung ganun."
"Lester, manahimik ka nga! Kung anu-anong pinagsasabi mo dito sa bespren ko!" Sigaw niya kay Lester.
BINABASA MO ANG
The Break-Up Story
Teen FictionThis story is not edited. I made this myself, and I did not use real names of people, events and places. Everything in this is made by my imagination. -Lucrexia B,