Sa pag-uwi ni Cedric muli siyang naglakas-loob na katukin ang pinto ng dalaga. Halos pagsabayin na niya ang pagpindot sa buzzer at pagkatok pero hindi pa rin ito nagbukas ng pinto.
"Wala riyan si Thea. Nakita ko kaninang umalis dala ang mga gamit niya sa pagpipinta. Malamang nasa park na naman 'yon at nagpipinta," sabi ng katapat niyang unit.
Napasulyap siya sa suot niyang relo, alas- kuwatro na na noon ng hapon.
"Kilala mo si Thea?" tanong ni Cedric sa babae.
"Oo, mabait 'yon. Tahimik lang at parang walang pakialam. Pero kapag may nangailangan ng tulong dito, nauuna pa 'yong lumabas sa guard," nangingiting sabi ng babae.
"Kaibigan mo siya, Miss?"
"Oo. Kaibigan niya ang halos lahat ng tenant dito. Pero ayaw niyang dumikit sa amin ngayon. Malas daw kasi siya at ayaw niya kaming madamay. Nag-aalala na nga ako sa kanya. Pero wala akong magawa dahil iyon ang gusto niya. Kaya hinayaan ko na lang din muna siya baka kasi kailangan niya lang ng space," anang babae.
Bumukas na ang pinto ng babaeng kausap niya kaya naputol na rin ang usapan nila.
Napaisip naman si Cedric. Ano kayang mabigat ang pinagdadaanan ng dalaga at masyado itong mailap sa tao.
Sa ilalim ng isang malaking puno, doon niya natanaw si Thea. Nakasalampak ito sa kwadradong telang isinapin sa damuhan habang nakaharap sa canvas at nagpipinta. Para hindi siya nito agad mapansin, pumuwesto siya sa gawing likuran nito. Napaawang ang mga labi niya nang makita niya ang ipinipinta ng dalaga. Kulay palang halata nang may pinagdadaanan ito. Mas lamang kasi ang kulay itim sa ipinipinta nito. Larawan ng babaeng nakatalungko at tila umiiyak sa dilim ang ipininta ng dalaga. Biglang kinilabutan si Cedric sa nakita niya. Ramdam niya ang lungkot habang nakatitig siya sa painting. Kung ganoon na kabigat ang naramdaman niya sa simpleng pagtingin lang sa painting. Paano pa kaya ang mismong nagpinta? Mas lalo pa tuloy siyang nainteresaduhan sa dalaga. Gaano kaya kabigat ang dala-dala nito sa dibdib para makabuo ng gano'n kalungkot na obra?
"Sino siya?" hindi nakatiis na tanong ni Cedric.
Napaigtad si Thea at agad na itinaob ang canvas."Anong ginagawa mo rito, ha?" sighal nito sa kanya.
"What happened? May pinagdadaanan ka ba? May kaibigan akong Psychologist, puwede kitang tulungan," seryoso ang mukhang sabi niya.
Madilim ang tinging ipinukol sa kanya ni Thea. "Hindi ko kailangan 'yon! I can handle my pain! Ano ba'ng kailangan mo sa akin, ha? Bakit mo ba ako sinusundan?" aniya na noo'y iniligpit na isa-isa ang gamit. Nakitulong naman sa kanya ang binata pero tinapik niya ang kamay nito. "Stop it! Hindi kita kaibigan. At wala akong balak makipagkaibigan sa'yo at sa kahit na sino. Kaya puwede ba? Layuan mo ako!"
"Nagmamalasakit lang naman ako sa'yo," maikling sagot ni Cedric.
"I appreciate it! Pero I'm sorry. Hindi ko na puwedeng buksan ang mundo ko sa ibang tao. Dahil ayoko nang may madamay pa sa kamalasan ko. Kung iniisip mo ang pagtulong ko sa'yo noon. Okay na 'yon. Hindi mo kailangang tumanaw ng utang na loob sa akin nang dahil doon. Natulungan mo na rin naman ako 'di ba? Kaya okay na 'yon. Just leave me alone!"
Nang mailigpit lahat ng gamit, tumayo na ang dalaga atsaka umalis. Napabuntong-hininga si Cedric. Mukhang mahihirapan kasi siyang makipaglapit sa dalaga. Masyado kasi itong mailap sa kanya. Pero hindi niya ito lalayuan gaya nang gusto nitong mangyari. Lalo't may ideya na siya na may mabigat itong pinagdadaanan sa buhay. At kung ano man 'yon, handa siyang tulungan ang dalaga.
Dumiretso sa kaibigan niyang Psychologist si Cedric. Ikinuwento niya rito ang kakaibang behavior ni Thea. Kung nakakaya naman daw i-handle ang pinagdadaanan wala naman daw problema roon. Lahat naman daw ng tao na sobrang nasaktan, nakararanas nang ganoon. Normal lang daw 'yon na maramdaman ng taong ilang beses nang nawalan ng mahal sa buhay. Good thing na marunong daw mag-handle ang dalaga dahil idinadaan nito sa pagpipinta ang sakit na nararamdaman. Maari raw hindi healthy ang ginagawa nitong paglayo sa mga tao. Pero iyon daw ang coping mechanism nito. Ang kailangan lang daw nito sa ngayon ay ang pang-unawa ng mga taong nakapaligid dito. At ang taong aalalay rito at magpaparamdam dito ng pagmamahal para raw gumaan ang loob nito at mabilis na maka-cope up sa pain. Kailangan niya rin daw itong bantayan at obserbahan kung magpapakita ba ito ng nakakabahalang sign. Gaya nang hindi paglabas ng bahay, pagkukulong sa kuwarto, hindi pagkain at ang pagtatangkang magpakamatay. Sa ganoong punto raw kasi kailangan na ng professional help ng tao.
Dahil sa sinabi ng kaibigang doctor, lalong nag-aalala si Cedric para kay Thea. Kaya lalo niyang inubliga ang sarili na bantayan ito kahit pa nga pilit siya nitong itinataboy.
Tatlong araw na niyang inaabangan si Thea pero hindi pa rin ito lumalabas ng kuwarto kaya naglakas-loob na naman siya na katokin ito. Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang nakasimangot na dalaga.
"Ikaw na naman?! Bakit ba ang kulit mo, ha?!"
"Okay ka lang ba? Ilang araw ka nang hindi lumalabas ng unit mo, ah. Kumakain ka pa ba?" sunod-sunod na tanong ni Cedric.
"Eh, ano ngayon sayo? Saka paano mo nalaman na hindi ako lumalabas? Sinusubaybayan mo ba ang kilos ko? Kaano-ano ba kita, ha? Boyfriend ba kita?"
"Hindi. H-Hindi pa," nangingiting sagot niya.
Dismayadong napailing ang dalaga. "Puwede ba, Mister? Humanap ka ng ibang pagti-tripan mo?" angil nito.
Isasara na sana ni Thea ang pinto pero agad na humarang ang binata. "Cedric. Cedric ang name ko 'di ba? Ang bilis mo namang makalimot," biro nito na hindi pansin ang pagsusungit niya.
"Okay, sige. Cedric na kung Cedric. Puwede ba tantanan mo na ako? Sanay akong mag-isa, okay?" ani Thea atsaka siya itinulak palabas.
"Nag-aalala lang naman kasi ako sayo. Baka kasi kung ano na ang nangyayari sa'yo. Hindi ka man lang lumalabas para makasagap ng sariwang hangin. Nakakapraning kaya 'yon."
"Hindi kaya ikaw 'yung napapraning? Bakit ba lagi ka na lang nakikialam sa akin? Salamat sa pag-aalala mo. Kaya lang kasi para yatang wala sa lugar. Unang-una, hindi kita personal na kilala. Pangalawa, naligaw ka lang sa kuwarto ko minsan. Pangatlo at ang pinakaimportante sa lahat, wala tayo kahit anong relasyon. We're not even close to each other. Kaya itigil mo na 'yang pagpapanggap mo. Masasayang lang ang oras mo sa akin."
Napaawang na lang ang labi ni Cedric nang pagsaraduhan siya ng pinto ng dalaga. Tila mahihirapan talaga siyang kuhanin ang loob nito.
Please follow me on Dreame for complete revision. You can still read it for free before the promotion ends.
![](https://img.wattpad.com/cover/36247768-288-k712624.jpg)
BINABASA MO ANG
Stranger in My Room
RomanceMula sa madilim na karanasan nagkulong sa sariling mundo si thea habang si cedric naman ay tatangkaing pasukin ang mundo ng dalaga.Magtatagpo ang dalawang taong may magkasalungat na paniniwala saan aabot ang aso't pusang bangayan ng dalawa.