Chapter I#MalingROOM

6.8K 165 3
                                    

Nasa kasarapan nang pagtulog si Thea nang bulabugin siya nang sunod-sunod na pagtunog ng buzzer. Kunot ang noong napasulyap siya sa orasang nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Alas-dos palang nang madaling-araw. Pupungas-pungas na bumaba siya sa kama at naglakad papunta sa pinto. Medyo alanganin pa siyang buksan ang pinto dahil wala naman siyang maisip na pwedeng dumalaw sa kanya nang ganoong oras, maliban sa guard na bigla na lang nangangatok kapag may emergency.

"Ano na naman kaya ang nangyari," naiiling na sabi niya.

Nagulat siya nang bumungad sa kanya ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa 5'8" ang taas. Nakadukdok ito sa pinto kaya muntikan pa itong sumobsob sa kanya nang buksan niya ang pinto.

"Hi! Pasensiya ka na nabulabog ko ang tulog mo. Ayaw kasing gumana ng passcode," paliwanag ng lalaki na halos nakapikit na ang mga mata sa kalasingan. Gegewang-gewang na naglakad ito papasok sa studio type condo unit ni Thea at pasubsob na nahiga sa kama.

"Hey, sino ka?" kunot ang noong habol niya rito. Pero hindi na umimik ang lalaki na noo'y mukhang nakatulog na sa kalasingan. Nilapitan niya ito at marahang tinapik sa balikat pero umungol lang ang lalaki at bumaling nang pagkakahiga paharap sa kanya. Doon niya napagmasdan ang lalaki. Makinis ang guwapo nitong mukha, maputi ang kutis at matangos ang ilong nito. Mukha ring mamahalin ang suot nitong damit kaya nasisiguro niyang hindi ito kawatan. Sa palagay niya, namali lang ito nang pinasok na unit dahil sa sobrang kalasingan. Kaya siguro nasabi nito na ayaw gumana ng passcode. Marahil sa katabing unit niya lang din nakatira ang lalaki. Pero kahit pa wala sa hitsura nito ang pagiging kawatan, hindi pa rin nagpakakampante ang dalaga. Kinuha niya ang naiwang golf club ng Kuya Thirdy niya na nasa gilid ng cabinet atsaka niya itinabi sa kanya. Para kung saka-sakali man na kumilos nang hindi maganda ang lalaki may panlaban siya.

Tatawagan niya sana ang guard para i-report ang lalaki, pero naisip niya na magiging malaking abala na naman 'yon para sa kanya. Mas lalo pang magugulo ang tahimik niyang mundo kapag nagdatingan ang mga guard at magtanong ng kung ano-ano sa kanya. Kaya nagdesisyon siya na hintayin na lang na mag-umaga. Tutal mukha namang harmless ang lalaki dahil himbing na himbing na ito sa pagtulog. Ilang oras na lang naman din ang hihintayin niya at malapit na ring sumikat ang araw.

Mag-aalas-siyete na, pero hindi pa rin gumigising ang lalaki. Kaya naasar na tumayo si Thea at dumukwang sa kama para sana gisingin ito. Pero iba ang nangyari. Nakabig siya ng lalaki at nadaganan nang bigla itong bumaling paharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at ganoon din ang lalaki na nakadagan sa kanya. Tila nagising ito nang maramdamang may kayakap siya. Buong pwersang itinulak ni Thea papalayo ang lalaki kaya nahulog ito sa kama kasama ng unan.

"Sino ka ba? Bakit basta ka na lang pumasok sa unit ko kanina?" tanong niya nang kapwa sila makatayo.

Tila naalimpungatan pa ang lalaki na noo'y pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Napahawak pa ito sa noo nang ma-realize na nasa ibang lugar siya."Oh, noh!" sambit nito.

"Ano natauhan ka na?" tanong niya.

"I'm sorry! I did not mean to invade your privacy, Miss. Akala ko ikaw 'yung pinadala ni Mama na maglilinis sa uni t ko. Mali palang pinto ang napasok ko kaya ayaw gumana ang code," hiyang-hiyang sabi ng lalaki.

Tinanggap ng dalaga ang sorry ng lalaki para umalis na ito at matapos na ang usapan.

"It's okay. Can I have my bed now?" sabi niya sabay hila ng unan na noo'y hawak ng lalaki.

"Ah, y-yeah, I'm sorry!" napahimas pa sa batok na sabi nito.

Sumubsob na siya sa kama para matulog pero napansin niyang hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo ang lalaki. Kunot ang noong bumaling siya rito.

"What? May kailangan ka pa ba?" mariing tanong niya.

Napangisi ang lalaki na noo'y muling napahimas sa batok. "I-I'll go ahead," alanganing sabi nito atsaka tumalikod at naglakad palabas ng pinto.

Halos magsalubong ang kilay ni Thea nang umalis ang lalaki. Antok na antok na kasi siya. Pababog na inabot niya ang unan atsaka siya sumubsob sa kama para ipagpatuloy ang naudlot niyang pagtulog. Pero agad ding napaangat ang ulo niya nang malanghap niya ang kumapit na amoy ng alak sa unan kaya naasar na ibinato niya ang unan sa dingding.

Tanghali, nang magising si Thea. Napaigtad pa siya nang mamulatan niya ang lalaki na noo'y komportableng nakaupo sa sofa na tila naghihintay sa paggising niya.

"Ikaw na naman?! Hindi ka pa ba umaalis?" aniya na agad napabangon sa kama.

"Pasensiya ka na. Sinadya kong hindi i-lock ang pinto mo kanina. A-Actually, bumalik ako para idaan ang food mo. Pambawi ko sana dahil sa nagawa kong atraso sa'yo kaninang madaling-araw," alanganing sabi ng lalaki.

"Ugali mo ba talagang pumasok sa bahay nang may bahay? Hindi ka ba naturuan ng tama sa inyo? Malinaw naman na hindi ito ang unit mo 'di ba?" nakataas ang kilay na sabi niya.

Alanganing napangiti ang lalaki atsaka napahimas sa batok. Mukhang iyon ang mannerism nito. "Hindi naman sa gano'n. The thing is –" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin dahil agad na sumingit si Thea.

"Look, huwag mo kong ingles-ingles-in diyan, Mister. Kung wala ka nang ibang sadya, pwede ka nang umalis. Hindi ako sanay na may ibang tao sa bahay ko," sabi niya atsaka siya tumayo at binuksan ang pinto para sa lalaki.

"Okay, fine!" anito na ikinumpas pa ang isang kamay sa hangin. Napailing pa ito nang dumaan sa harapan niya.

Nang makalabas ang lalaki agad na isinira ni Thea ang pinto. Wala siyang balak makipagkaibigan o makipaglapit sa kahit na sino. Dahil deserved niyang mag-isa. Galit siya sa sarili niya. Galit na galit! Kasalanan niya kasi kung bakit namamatay ang mga taong mahal niya. Dahil 'yon sa kamalasang dala niya. At ang pinakahuling biktima nga ng kamalasan niyang 'yon ay ang Kuya Thirdy niya na namatay kamakailan lang. Marahil kung hindi niya ito pinilit noon na ihatid siya sa camping site kung saan sila magka-camping magbabarkada marahil buhay pa ito ngayon.

Stranger in My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon