Isang malakas na palo ng unan ang gumising sa nahihimbing na si Cedric.
"Aray!" aniya atsaka siya mabilis na tumayo.
Pulang-pula ang mukha ng dalaga sa galit. "Bakit nandito ka na naman, ha?" nanggigigil na tanong ng dalaga.
"Wala akong ginagawang masama. Binantayan lang naman kita, eh," ani Cedric habang hinihimas ang napuruhang braso.
"Wala akong natatandaan na kinuha kitang bodyguard ko at lalong hindi kita inutusan na bantayan mo ako!" sigaw ng dalaga.
"Nagmamalasakit lang naman ako sayo. Ayaw mo ba nun?" mataas na rin ang tono ng boses sagot ni Cedric.
"Ayoko no'n! Kaya kong mag-isa. Bakit ba ang kulit mo, ha? Sa tingin mo ba nakikipaglokohan ako sa'yo, ha? Ano ba'ng salita ang dapat kong gamitin para maintindihan mo? Ayoko ng kaibigan! Hindi kita kailangan!" singhal nito sa kanya.
"Bakit sino ba ang may sabi na gusto kitang maging kaibigan?" ani Cedric.
"Kung gano'n naman pala. Bakit nandito ka? Bakit ayaw mo akong tantatanan?!"
"Dahil gusto kita! Pero hindi bilang kaibigan," matapang niyang sagot.
Natigilan ang dalaga na halatang nagulat sa isinagot niya. "Sino'ng niloko mo, ha? Sa tingin mo kakagat ako sa mga pagpapa-cute mo?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala! Basta gusto kita tapos!"
"Mas lalo kang hindi dapat dumikit sa akin. Huwag mo nang naisin na gustuhin kita dahil mamamatay ka lang nang dahil sa akin. Madadamay ka lang sa kamalasan ko. Wala akong minahal na hindi nawala sa akin!"
Napailing si Cedric. "Nasa isip mo lang ang lahat ng iyan. Kahit pa anong taboy mo sa akin hindi ako aalis. Hindi kita susukuan."
Bahagyang natawa si Thea. "Hindi kita gusto! Kaya ano'ng ipinaglalaban mo? Umalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik!"
Tila napahiya naman ang binata. Iiling-iling na lumabas ito at padabog na sinara ang pinto.

BINABASA MO ANG
Stranger in My Room
RomanceMula sa madilim na karanasan nagkulong sa sariling mundo si thea habang si cedric naman ay tatangkaing pasukin ang mundo ng dalaga.Magtatagpo ang dalawang taong may magkasalungat na paniniwala saan aabot ang aso't pusang bangayan ng dalawa.