WESTRIDGE UNIVERSITY
Magkasamang nakaupo si Jess at Bambi sa isa sa mga bench sa garden ng school nila, dito nila napiling tumambay sandali habang nagre-review sila para sa final exams nila ngayong araw.
"Grabe ang bilis ng panahon 'no? Last day of exams na natin ngayon, last day na rin natin sa pagiging Sophomore ngayon. Next year Juniors na tayo at pagkatapos 'nun Seniors na."si Jess
"Grabe ka naman. Senior agad? E hindi pa nga tayo nakakatapos magJuniors tapos pagiging Seniors na agad ang nasa isip mo?"si Bambi
"Hindi naman. I'm just being realistic and optimistic. Ang bilis kaya ng panahon, hindi natin namamalayan tapos na ang pagiging teenagers natin."si Jess
"Tama ka naman, biruin mo parang kailan lang Freshman tayong lahat, parang kailan lang nagkakilala tayong lahat at naging magkakaibigan."si Bambi
"Agree, pero sa dami ng araw, buwan at taon na lumipas, may mga nag-iba rin sa barkada natin."si Jess
"Oo, tulad niyong dalawa ni Alvin. Teka, maiba ako. Kumusta na kayong dalawa pagkatapos niyong maghiwalay? Biglaan 'yun ah."si Bambi
"Bambs, pati ba naman 'yan pag-uusapan nating dalawa ngayon?" si Jess
"Jess, just answer the question. Tuwing tinatanong ka ng barkada tungkol diyan lagi ka na lang umiiwas. Kaya ngayong dalawa na lang tayo baka naman pwedeng pagbigyan mo na ko."si Bambi
"Well to be honest, okay naman kaming dalawa. We're civil, kayalang syempre nangangapa pa kami, hindi rin naman ganon kadaling ibalik 'yung closeness namin e."si Jess
"Nakakalungkot lang talagang isipin na nagkahiwalay na kayong dalawa, somehow okay lang 'yan kasi bata pa naman tayo e. May tamang oras naman para sa lahat ng bagay."si Bambi
"Lalo na sa love. E kayo ni Josh?" si Jess
"Anong kami ni Josh? E MU lang naman kaming dalawa ni Josh hindi naman kami."si Bambi
"Sus! Ganon na rin 'yun 'no. Mahal niyo ang isa't isa kaya parang kayo na rin."si Jess
"Mabalik nga tayo sa inyo ni Alvin, mahal niyo pa rin ba ang isa't isa?"si Bambi
"Ewan ko. Bakit mo naman biglang natanong 'yan?"si Jess
"E kasi diba kakahiwalay niyo lang naman last month, so ibig sabihin 'nun may feelings pa rin kayo para sa isa't isa."si Bambi
"Alam mo naman pala 'yung sagot sa tanong mo e, itatanong mo pa sa'kin. Ikaw talaga."si Jess
"Tsaka wala pa kaya kaming nababalitaan na bagong nali-link sa inyong dalawa, kaya positive ang lahat sa barkada na magkakabalikan pa kayong dalawa."si Bambi
"Ano bang gusto niyo mangyari? Kakahiwalay lang tapos meron na agad bago? Ang imposible naman 'nun. Basta ako sa ngayon, pag-aaral ko na muna ang gusto kong atupgain."si Jess
"Studies nga ba? O baka naman tama ang hinala ng lahat na magkakabalikan din kayong dalawa ulit?"si Bambi
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Alam mo ikaw talaga Bambi daig mo pa si Tito Boy Abunda kung magtanong. Hina-hot seat mo ko e."si Jess
"Ah basta. Feeling ko magkakabalikan din kayong dalawa ni Alvin."si Bambi
"Pa'no mo naman nasabi 'yan at mukhang siguradong sigurado ka?"si Jess
"Nakikita ko kaya sa future na malaki ang chance niyong dalawa na maging mag-asawa."si Bambi
"Ano?!"si Jess
"O bakit?"si Bambi
"Alam mo muntik ko 'nang maibuga 'tong iniinom kong tubig sa'yo dahil diyan sa mga pinagsasabi mo."si Jess
BINABASA MO ANG
Barkada Tweens: Friends Forever
FanfictionBest of friends by relationship but Brothers and Sisters by choice.