[JOSH & BAMBI]
"Hi Bambs!"si Josh
"O Josh? Anong ginagawa mo diyan sa loob ng fitting room? Nagsusukat ka ba?"si Bambi
"Ah hindi. Nahulog lang 'yung phone ko kanina e nasipa ko papunta dito kaya kinuha ko lang. Ikaw?"si Josh
"Naghahanap kasi ako ng magandang pasalubong kay Mommy e. At least habang maaga pa makahanap na ako ng mapapauwi sa kanya."si Bambi
"E di uwian mo ng keychain."si Josh
"Syempre 'wag naman 'yun, dapat 'yung special at hindi masyadong common."si Bambi
"O e di itong kabibe na naka-display na 'to. Alam mo pwede niyo 'tong i-display dun sa sala niyo, magandang display 'yan. Tiyak matutuwa si Tita Irene."si Josh
"Maganda nga kaso kulang naman 'tong dala kong pera. Actually hindi ko nga siya maiwan kasi sabi 'nung sales lady, mabenta daw 'to dahil minsananan lang kung magrestock. Baka kapag kinuha ko 'yung pera ko sa hotel, wala na 'to."si Bambi
"Sige 'wag ka na magworry, ako na lang ang bibilin niyan para kay Tita."si Josh
"Uy 'wag na 'no. Nakakahiya e ang mahal-mahal pa nito."si Bambi
"E di hati na lang tayo. Bambi, 'wag ka na magworry. Okay?"si Josh
"Sigurado ka?"si Bambi
"Oo naman 'no. Basta para sa mahal ng mahal ko, okay lang sa'kin."si Josh
"Dahil diyan ililibre kita ng Ice Cream."si Bambi
"O sige, pero ipa-wrap muna natin 'to."si Josh
[JACOB & BELINDA]
"Belle!"si Jacob
"O Jacob? Kung makasigaw ka naman parang bingi ako. May kailangan ka ba?"si Belinda
"E kanina pa kita hinahanap, akala ko nawala ka na e."si Jacob
"Ah hindi, pumasok lang ako sa museum na 'to mukha kasing interesting 'yung nasa loob kaya pumasok ako. Sabi kasi 'nung pinagtanungan ko, may mga collection daw dito ng shells at sabi nila meron daw gitara dito na naka-display na gawa sa shell."si Belinda
"Talaga?"si Jacob
"Oo, kaya nga gusto kong makita para maipakita ko rin sa'yo."si Belinda
"Sa'kin? Bakit naman?"si Jacob
"Dahil alam kong mahilig ka sa mga exotic designs ng gitara."si Belinda
"Salamat Belle ah, ilang exotic designs na ng mga gitara ang nakikita ko dahil sa'yo at sa tulong mo."si Jacob
"Wala 'yun 'no. Ikaw lang naman ang kilala kong mahilig dun e, kaya sa'yo ko lang pinapakita. O ayan na pala 'yung gitarang sinasabi nila e, tara lapitan natin."si Belinda
"Ang ganda 'no? Sabi nila mahal daw 'yung ganyang klaseng gitara, pinaghirapan daw kasi at gawa ng kamay."si Jacob
"Gawa ng pagmamahal. Alam mo kung marami lang siguro akong pera, ireregalo ko 'yan sa'yo para sa susunod mong birthday, kaso hindi naman ako mayaman e."si Belinda
"Hindi naman kailangan Belle e. Balang araw magkakaroon din ako ng sarili kong guitar museum."si Jacob
"At naniniwala akong mangyayari 'yun."si Belinda
"Ah Belle, baka gusto mong bumiling inumin. Nauuhaw na kasi ako e."si Jacob
"Oo ba. Nauuhaw na din ako e."si Belinda
[ALVIN & JESS]
"Jess! Saan ka pupunta?"si Alvin
"Ako? E wala. Gusto ko lang maglakad-lakad dito, masarap kasi simoy ng hangin e. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"si Jess
BINABASA MO ANG
Barkada Tweens: Friends Forever
FanficBest of friends by relationship but Brothers and Sisters by choice.