Sumunod na araw ay nakatambay lang sa kwarto sila Bambi at Belinda 'nag biglang tanungin ni Belinda ang kapatid tungkol sa nararamdaman nito para kay Josh.
"Bambs."si Belinda
"O?"si Bambi
"Mahal mo ba talaga si Josh?"si Belinda
"Ate, oo naman. Kailangan lang talaga naming tuparin 'yung pangako namin kay Daddy na sa tamang panahon ko palang sasagutin si Josh."si Bambi
"Gusto mo bang kausapin ko si Mommy tungkol dun? Alam ko naman na gusto mo 'nang sagutin si Josh e, malay mo pumayag siya. Diba?"si Belinda
"Ate 'wag na. Challenge din 'to para sa'min ni Josh na maipakita sa isa't isa kung gaano ba talaga namin ka-mahal ang isa't isa. Challenge ko 'to kay Josh kung hanggang saan niya ako kayang ipaglaban."si Bambi
"Pero alam ko kasing nahihirapan ka na e. Siguro si Josh kinakaya niya pa, pero paano kung dumating 'yung araw na, 'wag naman sana, na mapagod siya sa paghihintay? Syempre Bambi ayokong masaktan ka."si Belinda
"Naisip ko na rin naman 'yan Ate, sa pagkakakilala ko kay Josh alam kong kakayanin niya 'to. Malaki ang tiwala ko sa kanya, malaki ang tiwala namin sa isa't isa."si Bambi
"Sigurado ka?"si Belinda
"Tsaka Ate, baka kapag kinausap mo si Mommy baka isipin niya pa nagmamadali kami ni Josh at baka sabihin niya pang inutusan kita."si Bambi
"Sigurado ka ha?"si Belinda
"Siguradong sigurado Ate. Alam ko hanggang dulo lalaban kami ni Josh para sa nararmadmana namin sa isa't isa. Alam ko sa sarili ko na si Josh lang ang magmamay-ari ng puso ko."si Bambi
"Ikaw ang bahala Bambi, basta nandito lang ako para sa inyong dalawa."si Belinda
"'Wag mo 'nang intindihin 'yung sa'min ni Josh, ang intindihin mo ay 'yung kung paano kayong dalawa ni Jacob magkakatuluyan."si Bambi
"Ayan na naman e. Pa'no naman nadamay si Jacob sa usapan natin?"si Belinda
"Gusto mo ba ilakad kita kay Jacob?"si Bambi
"Baliw! Pasalamat ka, mahal na mahal kita."si Belinda
"Mahal na mahal din kita Ate."si Bambi
Naputol naman ang pagmo-moment ng dalawa 'nang biglang may kumatok sa pintuan nila. At 'nang buksan ito ni Bambi, si Josh pala ang kumakatok.
"Hmm sorry sa istorbo Belle, kayalang nakalimutan yata ni Bambi na may lakad kaming dalawa. Siya nga pala, sinama ko si Jacob para hindi ka mainip dito Belle. So okay lang ba kung samahan niyo muna ang isa't isa?"si Josh
"Oo naman. Syempre kung okay lang kay Jacob."si Belinda
"Walang problema, tsaka diba matagal 'nang na-stop 'yung pagtuturo ko sa'yo ng gitara kaya itutuloy natin."si Jacob
"Uy oo nga pala! Sige game!"si Belinda
"'Yun naman pala e! So pwede na kaming umalis ni Josh?"si Bambi
"Sandali nga muna, saan ba punta niyong dalawa?"si Belinda
"Maglilibot lang kami sandali tapos baka magfoodtrip. Don't worry Ate, sandali lang kami, isang mabilisang date lang 'to."si Bambi
"O sige na, pero mag-iingat kayong dalawa. Josh, ikaw ang bahala sa kapatid ko kung hindi, lahat ng pomade mo, itatapon ko sa dagat."si Belinda
"''Yun! 'Yun ang buhay ni Josh."si Jacob
"Promise Belle, akong bahala sa kapatid mo, 'wag mo lang itatapon ang mga pomade ko."si Josh
"O sige na, ingat kayong dalawa."si Belinda
BINABASA MO ANG
Barkada Tweens: Friends Forever
FanfictionBest of friends by relationship but Brothers and Sisters by choice.