Chapter 17: Back in Manila

4.9K 35 1
                                    

Sabado ng umaga nag-enroll na ang buo'ng barkada para sa susunod na school year. Pagkatapos ng enrollment ay nagkanya-kanya ng lakad ang barkada. Sila Jess at Ella ay wala'ng kamalay-malay na nasa mall din sila Aya. Kasalukuyan'g nasa spa ang dalawa. 

"Alam mo Jess, ang dami-dami pa rin'g nanliligaw sa'yo. Kahit na alam na nila na may Alvin ka na, marami pa rin'g nagkakagusto sa'yo."si Ella 

"Ikaw naman kung magsalita ka, parang wala rin'g nagkakagusto sa'yo. Mabuti na nga lang at si Patrick natauhan na at tuluyan 'nang umamin sa'yo."si Jess 

"Hindi pa rin naman ako pwede'ng mapanatag. Marami pa rin'g girls ang nagkaka-gusto sa kanya."si Ella 

"Ella, kahit naman marami'ng babae ang maghabol d'yan kay Patrick, hindi ka naman niya ipagpapalit sa kahit kanino. Atsaka subukan lang talaga niya, ako isa sa makakalaban niya."si Jess 

"Jess, si Alvin hindi nagsi-sikreto sa'yo at faithful talaga sa'yo. Proven and tested na 'yun. Eh, kami ni Patrick? Bago palang naman kami."si Ella 

"Normal naman ang may sinisikreto sa isa't isa, pero mapag-uusapan naman 'yun."si Jess 

"Sandali, kayo ba ni Rick may closure na?"si Ella 

"Pa'no naman napasok sa usapan si Rick? Isa pa ang tagal-tagal na 'nun. May mga kanya-kanya na naman kami'ng buhay."si Jess 

"Pero naiisip mo pa rin 'yung past niyo minsan?"si Ella

"Hindi na 'no. Wala naman'g reason para maalala ko pa 'yun. Gaya nga ng sabi ko, may mga kanya-kanya na kami'ng mahal at magkaibigan na lang talaga kami ni Rick. Bakit ba kasi napunta kay Rick ang usapan natin?"si Jess

"Simple lng, hindi ko pa rin makaimutan 'yung sa inyo ni Rick 'nung elementary pa tayo dahil first niyo ang isa't isa. Ang hirap kaya kalimnutan ng first."si Ella 

"Pwede ba, Ella? ng tagal-tagal na 'nung sa'min ni Rick. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit mo pa rin'g pag-usapan at ibalik 'yun. Best friend kita kaya siguro naman alam mo na masaya na ako kay Alvin at hindi ka rin naman bulag para hindi mo makita na masaya na si RIck at Leslie. Bakit ba pakiramdam ko nagdudududa ka sa'kin?"si Jess 

Hindi na hinintay ni Jess na sagutin siya ni Ella, basta na lang siya umalis at nagwalk-out. Samantala sila Aya at Leslie kasama ang pinsan ni Aya na si Yzza at nagsho-shopping din. 

"Sayang hindi natin kasama 'yung iba niyo'ng kaibigan. Mas masaya sana 'tong bonding natin."si Yzza

"Eh, umalis din yata sila Jess at Ella. Sila Belinda at Bambi naman naghahanda para sa mga date nila."si Aya 

"Sa malamang nasa shopping din si Ella at Jess, malay natin nandito rin sila."si Leslie 

"Mabuti pa pumasok na lang tayo sa loob ng department store dahil ang init-init dito sa labas. Summer na summer pa rin ang init."si Yzza

"Mabuti pa nga. Since papasok na tayo sa department store, bakit hindi ka pa dito bumili ng shoes mo para sa birthday mo, Aya?"si Leslie 

"Gusto ko nga sana kaso si mommy na raw ang bibili sa States, eh. May nakita na raw siya'ng perfect para sa party ko."si Aya

"Taray talaga ng mommy mo. Gusto niya talaga para sa'yo, eh, 'yung the best."si Yzza 

"Ang tagal ko na rin pala'ng hindi nakikita 'yung mommy mo, 'no? Last time na nakita ko siya, eh, 'nung second year pa tayo at nagpa-practice para sa intramural."si Leslie

"Sandali, kumusta na pala si Jess? Tagal ko na rin siya'ng 'di nakakausap at nakikita, ah."si Yzza

"Okay naman siya. Minsan nagkakaroon sila ng tampuhan ng mommy niya, pero okay naman daw sila. Pero ang cute-cute ng kapatid niya'ng si Andy."si Leslie 

Barkada Tweens: Friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon