Chapter 3: Welcome to Boracay

7K 62 7
                                    

Sabado ng gabi 'nang magdesisyon ang girls ng barkada na mag-overnight sa bahay ng magkapatid na sila Bambi at Belinda. Halos hatinggabi na pero ang kwentuhan ng girls ay hindi pa rin naawat. 

"Bambs, wala ka pa bang balak sagutin si Josh?"si Aya 

"Oo nga. Ang tagal niyo na ring magMU ha."si Ella 

"Meron naman syempre, kaso nagdesisyon kami na MU na lang muna 'yung gawin naming label kasi 'yun ang naging usapan ni Josh at ni Daddy bago siya namatay. Ang usapan nila dapat 18 na ako kapag sinagot ko si Josh."si Bambi

"So in other words, naghihintayan na lang sila."si Belinda

"True ka diyan Ate Belinda! E ikaw Aya? Kayo ni Chris?"si Bambi 

"Ayan binalik tuloy ni Bambi 'yung topic sa'yo Aya."si Jess

"Alam niyo 'wag na muna nating isipin 'yung love na 'yan, bata pa naman tayo e. Maliban na lang siguro dito kay Alvin at Jess na siguradong sigurado na sa isa't isa."si Belinda 

"At ikaw naman Belle, sigurado ako na may gusto sa'yo si Jacob."si Leslie

"At pa'no naman nasali sa usapan si Jacob? Tsaka ano ba 'yang pinagsasabi mo diyan Les?"si Belinda

"Like hello? Diba kapag nandiyan ka lagi siyang natutulala sa'yo tapos laging nasa'yo lang ang atensyon niya, and whenever he sees you, he's blusing like a red tomato."si Leslie 

"Uy akala ko ako lang nakakapansin 'nun, pati pala ikaw Les. E ang tanong diyan, kung saka-sakali ba may pag-asa naman ba si Jacob?"si Ella 

"Nako Ate Belinda, sagutin mo 'yan."si Bambi 

"Girls, mabait naman si Jacob e at kahit sinong babae hindi mahihirapang mahulog ang loob sa kanya. 'Yung tungkol naman sa may gusto sa'kin si Jacob, sobrang imposible kasi malakas ang feeling ko na may iba siyang gusto."si Belinda 

"Para kang si Jess, Ate. Denial Queen din."si Bambi

"Sus! Ikaw talaga Bambs ha."si Belinda

"E ikaw Les? Diba inamin mo na sa'min na may gusto ka kay Rick? Bakit ayaw mo pang aminin sa kanya? Pareho kayo ni Ella na torpe e."si Bambi

"Syempre hindi naman ganon kadaling sabihin sa best friend mo na gusto mo siya. Nahihiya din naman ako kasi Rick, baka isipin niya sinasamantala ko 'yung pagkakaibigan namin. Natatakot din akong mawala 'yung friendship namin."si Leslie

"Ganon din ako sa nararamdaman ko kay Patrick. Oo masarap sa feeling 'yung masabi mo na 'yung gusto mong sabihin, pero natatakot din akong baka layuan ako ni Patrick at masayang lang 'yung magandang samahan namin."si Ella 

"Ewan ko ba dito kay Belinda, Ella at Leslie, ayaw niyo pang umamin, kapag kayo naunahan ng iba."si Jess

"O bakit pati ako? Anong aaminin ko? E wala naman akong gusto kay Jacob."si Belinda

"Sus! E diba 'nung nagpadala ng bulaklak si Jacob sa'yo 'nung Valentine's Day nagblush ka at kinilig."si Bambi 

"Ayan nilaglag ka na tuloy ni Bambi."si Aya 

"Oo sige, aaminin ko nagblush ako kasi for the first time may nagpdala ng bulaklak sa'kin maliban kay Daddy. Kung may gusto man ako kay Jacob, kayo ang unang makakaalam 'nun."si Belinda 

"E ikaw Ella? Kailan mo balak aminin kay Patrick 'yang nararamdaman mo para sa kanya?"si Jess 

"Jess, alam mo namang hindi ko pa kaya e. Kinakabahan ako kasi baka layuan niya ako at baka pag-isipan niya ako ng masama, at hindi ko magugustuhang mangyari 'yun. Hindi lang friendship namin ang maapektuhan, baka pati barkada natin maapektuhan."si Ella 

Barkada Tweens: Friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon