05

59 6 21
                                    


"Ge, hintayin namin kayo dito."






Kagaya noong sinabi ni Pres nung isang linggo, totoo ngang magkakasama kami. Pero hindi ko naman ineexpect na halos magkapalitan na kami ng mga mukha dahil literal talaga na magkakasama kami palagi!






Nandito kami ngayon sa cr. Kasama ko sina Nads, Lia, at Quartni. Sama sama na rin kaming nagc-cr para daw masiguro na hindi na ulit mangyayari ang nangyari n'on.






Aaminin ko, talagang traumatized pa rin ako sa nangyari lalo na tuwing nagbabanyo kami. Never ko na ata kakayanin na mag banyo ulit ng dalawa lang kami ni Nadia. Kahit sa trabaho ko ay nakakaapektado 'yon dahil pinipigilan ko ang sarili kong umihi dahil pakiramdam ko ay mangyayari ulit 'yon. Hindi ko na din sinabi kay Papa ang nangyari sa amin dahil baka atakihin pa siya at sumama ang pakiramdam. Ayoko namang mangyari 'yon.






Napaltan na din agad ang pintong nasira nina Sawyer dahil nga doon. Sina Primo at Dandreb naman ay pareho nang recommended for expulsion.  Mas hindi daw 'yon magandang pangyayari dahil malaya na sila sa labas at maaari nila kaming abangan kahit kailan nila gusto. Kahit gustuhin naming kasuhan ang mga gagong 'yon ay mapapagastos lang kami at ayoko ngang malaman din ni Papa. Sa totoo lang ang hirap na balewalain lang ang lahat pero walang ibang choice.








Isa rin sa dahilan kung bakit kami sama sama ay dahil daw may posibilidad na balikan ulit kami ng grupo nila Primo dahil kalat daw ang miyembro nila dito sa school. At idadamay daw talaga ng mga iyon ang malalapit sa kanila, kaya sa madaling salita ay kadamay na talaga kami.







"Ah!" irit ni Nadia sa isang cubicle kaya kinatok ko agad siya.







"Huy, napapaano ka?" kinakabahang tanong ko kaya kinalabog ko ang pinto niya.







"May mens ako ngayon, wala akong dalang napkin!"







Napapikit na lang ako sa ka OA-an niyang taglay. Akala ko naman ay kung napapaano na siya.






"Huy, gago anong nangyayari sa inyo diyan sa loob?" dinig kong tanong ni Jiro mula sa labas ng pinto.







Malamang ay narinig niya ang irit nitong isa. Ang lakas kasi n'on. Buti na lang at kaming magkakaibigan lang ang nandito sa cr kung hindi ay baka may matakot pa siyang ibang tao.








Napangisi ako sa naisip ko. "Si Nadia may dugo!"








Dinig kong nagtakbuhan ang ilan kina Six papalapit sa may pinto kaya pinigilan ko ang tawa ko. Ganoon din ang reaksyon nina Lia. Concern talaga sila.







"Sino? Gago, buksan niyo nga!" ani Six tsaka pilit binuksan ang pinto.







Bago pa nila tadyakan at sirain ulit ito ay sinabi kong si Nadia ang may dugo. Na buwan buwan nangyayari. Nakatanggap naman ako ng iba't ibang klaseng mura dahil doon.







"Siraulo ka, Rei! Para kasing nakikipaglokohan, eh. Kaltok ka sa'kin." si Sais ulit. Kahit 'di niya kita ang mukha ko ay nag makeface na lang ako.








"Teka, may extra ako sa bag. Kukunin ko na lang." ani Quartni tsaka lumabas ng pinto. Ako naman ay nakatingin sa reflection ko sa salamin. Mukha na akong bangag. Next time nga ay i-coconsider ko ang recommendation ni Quarts na gumamit ng concealer. Halata na ang dark circles ko, eh.








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When We Were YoungWhere stories live. Discover now