PROLOGUE

74 2 6
                                    


"Pa, baka hindi po muna ako makapunta d'yan. Maglilinis pa po kasi ako ng unit. Baka sa susunod na Sabado na lang po.."




I heard him sighed. "Oh siya, sige. Basta kapag may oras ka ay pumunta ka dito. Miss ka na namin ng tita mo, anak.."





"Miss ko na din po kayo, pa. Ingat kayo d'yan at 'wag mo nang kalimutan uminom ng gamot mo, ha." bilin ko pa dito.





I feel bad actually. Nung nakaraang linggo pa ako nangangako kay Papa na uuwi ako kahit saglit sa bahay pero napapako agad 'yon dahil sa mga kailangan ko pang gawin. Marami pa kaming napagusapan, binilin ko na lahat ng dapat ibilin. Lagi na kasing reklamo ni Papa ang madalas na pagsakit ng kung ano mang parte ng katawan niya, dala na siguro 'yon ng edad niya pati na rin ang dati niyang sakit na iniinda nung bata pa siya. 





"Oo, nak. 'Wag ka na lang munang masyadong mag aalala sa'kin. Ayos naman ako. Ikaw ang mag ingat d'yan at alagaan ang sarili...Sige na papatayin ko na ang tawag." aniya tsaka nawala ang linya.





Muli kong kinuha ang vacuum cleaner na hawak ko tsaka sinimulan ulit ang ginagawa. Sa totoo lang ay Linggo naman ngayon na dapat ay pahinga ko pero ito pa rin ako ngayon, kung ano anong kinukutingting. Parang hindi nauubusan ng gagawin. Ganito ata talaga kapag malapit nang maalis sa kalendaryo ang edad, maraming nakapilang gagawin. Kahit gusto ko minsan na lumabas kasama ang mga kaibigan ko, hindi ko magawa dahil pare-pareho kaming busy. Kung sakaling free ako ay sila naman ang busy, hindi nagtutugma. 




Adulting sucks. Magmula nang umedad ako ng mid 20's ay puro trabaho na lang ang ginawa ko. Walang masaya dito maliban na lang kung pay check na.




Nasa kalagitnaan naman ako ng paglilinis nang biglang tumunog ang cellphone ko. 




"Sanya," bungad ko. 




"May ginagawa ka ba today? Puwede mo ba akong samahan sa school ni Sachi?" agad na sabi niya.




Dinig ko pa ang pagbusina ng sasakyan mula sa kabilang linya kaya alam kong nasa sasakyan siya ngayon. Nasa kalsada pa nga ata siya.




"Why? Sa school ni Sachi? Bakit anong nangyari?"





"Edi itong magaling kong kapatid, gumawa ng katarantaduhan sa school nila and ang gusto ni Mommy ay ako ang sumama sa kaniya sa office. Unbelievable!" iritang aniya kaya natawa ako. Akala ko naman ay kung ano ng nangyari sa kanya.







"This is her son, dapat siya ang pumunta dahil kung ako lang baka kung ano pang magawa ko sa kapatid ko. Argh, annoying!" reklamo niya pa na halos mailayo ko na mula sa tenga ko ang phone.






"Kawawa ka naman." naiiling na sabi ko. "But sorry, my friend, may ginagawa ako ngayon. Kaya mo na naman siguro 'yan mag isa."





Pinasadahan ko ang buong unit. "Naglilinis kasi ako ng condo so.."





"Sige na please, samahan mo na ako, Rei. Need ko lang ng aawat sakin in case na matiris ko ang kapatid ko." she begged kaya napabugtong hininga na lang ako.







When We Were YoungWhere stories live. Discover now