04

62 6 18
                                    


"Parang wala ata silang balak na tigilan kayo, eh."




Napainom na lang bottled water si Sawyer dahil doon. Dalawang araw na makalipas nang mangyari yung abangan moments. Nagkukwentuhan kami ngayon at nalaman kong fraternity pala ang mga iyon kaya malakas ang loob.





Nandito kami sa canteen at kaming dalawa lang ni Nadia ang babae dito. Sabi daw kasi ni Jiro ay ikukwento niya lahat kung paano 'yon nagsimula. Magto-tropa daw pala sila talaga dati. Kaso simula nga daw nung sumali yung pito sa frat, parang lumayo ang loob nila at unti-unting nagbago ang mga kaibigan nila na 'yon. Kaya pala alam nila ang galaw ng mga n'on. Nakakatakot naman. May mga ganiyang klase pala ng tao sa school na 'to?





"Bakit 'di kayo sumali?" tanong ko kaya si Six naman ang sumagot.





"Kapag sumali ka kasi sa frat na 'yon, para mo na ring inilagay ang isang paa mo sa hukay." seryosong sagot niya at tumango naman si Lancer.




"Nakakatakot naman pala sila. Kayo ba,' di kayo natatakot sa mga ex bff niyo?" ani Nadia.





"Hanggang pananakot lang naman 'yan sila. Kung mapapatay nila kami ay magiging problema nila' yon." sagot naman ni Jiro na para bang ang simple lang ng sinabi niya.





"Kaya nilang pumatay?" pabulong na tanong ni Nadia. Nagkibit balikat lamang si Lancer. Dapat pala ay ipa prefect of discipline namin ang mga 'yon! Nakakatakot.





"Balik na tayo sa room." agad na sumeryoso ang mukha ni Pres kaya tumango kaming lahat.





Habang naglalakad kami ay nakita ko yung Primo at Dandreb na nakasilip sa second floor at nakatingin sa'min. Ngumisi ang isa roon kaya nakaramdam agad ako ng takot. Ano na naman kayang balak nila? Nakita kaya 'yon nila Sawyer?





Pagpasok namin sa room ay naabutan kong masama ang tingin sa'kin ni Hera. Ano na naman kayang problema ng isang 'to?





Si JD at Quartni naman ay magkatabi na naglalaro ng mga cp nila. Kita kong parehas silang tumatawa kaya napangiti ako. Bagay sila, ah. Pero sana lang ay 'wag muna siyang pormahan ni JD dahil bago palang silang nagkakakilala.

When We Were YoungWhere stories live. Discover now