Ilang buwan na since nung nag-uusap kami. Masyado yata akong naging makasarili na iniisip ko na dahil malayo ako sakanya, baka maunahan ako ng iba.
Ginawa ko ang lahat para makuha ang loob niya.
Isang gabi, naisip ko, paano kaya kung ipunta ko na ito sa next level?
Papayag kaya siya?
Kung hindi man..
Iiwasan niya ba ako?
Ito ang nakakatakot sa lahat, yung iiwasan niya ako dahil ayaw niya yung next level.
Hindi ko kaya yun.
Siguro nga, hindi ko nalang muna aaminin.
Palagi kamin nagsesendan ng mga voice notes sa isa't isa.
Napakaganda ng boses niya.
Minsan, kinakantahan niya pa ako. Kaya mas lalo akong na-iinlove sakanya.
Habang ka-chat siya, iniistalk ko yung facebook niya..
Biglang may nakita akong picture na na-tag siya.
May kasama siyang lalaki. Hindi sila sweet pero parang inaasar yung lalaki sakanya.
Lintik naman o! Nagseselos ako! Dapat ako yung katabi niya ngayon.
Dapat ako yung inaasar sakanya.
Pag nasa pilipinas lang kami, hahanapin ko talaga siya.
Pero ang layo ko. Kaya nararamdaman kong kung nagiging kami man, marami akong magiging pagkukulang sakanya.
Pero naalarma ako nung nag-comment yung lalaki sa picture nila na tila pinopormahan niya si Ame.
Nadala na yata ako ng pagkabigla ko kaya natawagan ko si Ame.
"Hello?"
Nabigla ako nung marinig ko ang bises niya sa kabilang linya.
"A-ah~ e-eh h-hello?" Mautal-utal kong sabi.
Napi-pipi ako shet! Paano ba ito?
"Hello? Haha" narinig ko pang tumatawa siya sa kabilang linya.
Na-inlove nanaman ako.
"Ba't ka napatawag?" Tanong niya. Ang lumanay ng boses niya.
Ano bang sasabihin ko?
Baka ma-weirduhan siya saakin kapag ibinaba ko kaagad.
"Ah- eh k-kasi.. Ano..."
Nakakautal naman ito!
"ano?" Tanong niya ulit.
Huminga ako ng malalim.
"I love you."
![](https://img.wattpad.com/cover/29897571-288-k836614.jpg)
BINABASA MO ANG
LDR
RomanceRELATIONSHIP STATUS: LDR PROBLEM: DISTANCE SOLUTION: MEET-UP HOW? WHEN? LDR is a very complicated relationship. but it's up for you too handle it. kaya mo ba maging loyal? or magpapaloko ka sa laro ng tadhana?