HIS’ POINT OF VIEW
[MARCO LANCE PUNZALAN’S POV]
Ang boring ng buhay ko. Wala manlang thrill, minsan hindi ko na alam kung anong role ko dito sa mundo.
Nakaupo ako ngayon sa park at hinahanap ang kasagutan sa mga tanong ko.
Bukod sa mga maiigsing palda ng mga babaeng estudyante na nakikita ko, mga lalaking nag-aasaran, isang hardinero na nag-aayos ng tanim, mga grupo ng mga instructor na kung may anong pinag-uuspan, ay umagaw sa atensyon ko ang cellphone na hawak ko.
“ano namang mapapala ko sayo?” tanong ko na nakangisi sa phone ko na mukhang timang.
Hayyy! Nababaliw na talaga ako.
Biglang nag-vibrate ang phone ko.
“isang notification galing sa facebook.”
asdfghjkl invited you into this game
(A/N: hindi po totoo ang notification na ito. Ayoko lang ng specified name and game. Haha!)
Game request nanaman. Pati sa facebook minsan, hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko, di naman ako nag-uupload ng mga pictures ko, baka pagkaguluhan pa ako, ni Info ko nga wala, di ko nga alam kung bakit pa ako gumawa ng facebook.
May friends ako, pero random add at accept lang din, ni isa wala akong kilala sa kanila.
Nung nasa pilipinas pa ako, punong puno ako ng pag-asa, meron akong mga kaibigan na kasama kong nagsasaya.
Pero ngayong nasa south korea na kami, wala na. lahat saakin nawala. Hindi ko alam kung bakit kami lumipat dito. Ewan ko kay mama at sa kapatid ko kung bakit nila pinili dito, eh masaya naman kami sa pilipinas.
Ilang taon na rin kami dito, at ilang taon ko na rin naipamumukha sa sarili ko na wala na akong kwenta sa mundo. Di bale, ilang buwan nalang, magtatapos na ako at makakabalik na muli ako sa pilipinas.
Binuksan ko yung facebook ko baka may kung anu-anong nakakaaliw ang makikita.
Bumungad saakin ang newsfeed.
Isang mukha ng babae ang nakita ko.
Tama nga sila, mata ang unang nagmamahal. Nagandahan ako sa kanya, mula sa ngiti niya at sa buong itsura niya, mukhang napakasaya ng itsura niya, alam kong maraming pwedeng mapeke sa picture lang, pero hindi naman yun eh, parang pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sakanya, at pakiramdam ko nakita ko na siya noon.
Mag-message kaya ako sa facebook niya?
“hi!”
Delete delete. Hindi ito papansinin.
“hello. Pwede ka ba maging kaibigan?”
Teka! Delete ulit! Mukhang old style, baka di niya rin pansinin.
Pumunta ako sa profile niya, nag-stalk ako sa pictures at status niya baka mya pwede akong mahugot na interest niya na siyang pwede kong panimulan ng topic para pansinin niya ako.

BINABASA MO ANG
LDR
RomanceRELATIONSHIP STATUS: LDR PROBLEM: DISTANCE SOLUTION: MEET-UP HOW? WHEN? LDR is a very complicated relationship. but it's up for you too handle it. kaya mo ba maging loyal? or magpapaloko ka sa laro ng tadhana?