FINALE

129 0 2
                                    

Ito na.

Ito na ang pinakahihintay ko.

Matapos kong mag-graduate ay hindi agad trabaho ang hinanap ko, kundi inasikaso ko ang passport ko dahil uuwi na ako ng pilipinas.

Pumayag naman na si mama dahil alam niyang kaya ko nang buhayin ang sarili ko.

Laking tuwa ko ng makasakay ako sa eroplano..

Unang una kong ginawa ay hinanap kung saan ang eskwelahan ni Ame.

Sobrang swerte ko dahil kamag-anak pa pala namin yung landlady ng pinagboborderan niya.

Sabik na sabik na atalaga akong Makita siya.

Pero gusto kong magpakilala bilang ibang tao dahil mukhang hindi ko pa siya kayang harapin bilang si Lance.

Gusto ko, mas makilala ko pa siya.

Katulad ng pagkukulang ko sakanya, gusto ko magawa ko pa rin ng wala siyang kamalay-malay..

Hinarap ko siya bilang si Marco.

Napakasungit niya pala sa personal, pero hindi nagtagal, nailabas ko rin yung ugali niyang masayahin, katulad nung pag-uugali niya nung ka-chat ko siya…

Ilang buwan din ang nagdaan na humarap ako sa kanya bilang si Marco.

Unti unti ay kinokonsensya na ako..

Hanggang sa dumating ang isang araw..

Acquaintance nila ng gabing iyon..

Bago pa man matapos ang buong gabi ay kinuha ko na yung chance ko para ma-solo siya.

Dinala ko siya sa field ng school nila.

“gusto  kitang ma-solo.”

Yun ang tanging nasabi ko..

 Hindi na siya nakaimik..

Ito na..

Inilabas ko yung phone ko at pinatugtog ko yung kantang kapag naririnig ko ay naalala ko siya..

  

*All I ever wanted by John Tyree playing*

Slow Down
Make it last~

Hinawakan ko ang  kamay niya..


I'm having the time of my life

And take your photograph~

LDRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon