UNA
"Halla sige! Facebook pa more! Yung mga assignments mo ineng! Due date na bukas!" paalala ni Daphne. Ang bestfriend kong over responsible.
"nagawa ko na." sagot ko sakanya.
"weh?" di makapaniwalang tanong niya.
Iniabot ko sakanya ang mga research kong handwritten pa.
At nanlaki naman ang mata niya. "aba! Si Amethyst Rodriguez! Natapos ang mga assignments niya the day before the due date!" proud na proud na pag-announce niya.
"grabe ka naman Daphne Reyes! Mukha ba akong ganoon ka-irresponsable?" pagpapantay ko ng lakas sa boses niya.
"uhm. Medyo." Sabi niya at inayos ang salamin niya.
Si Daphne Reyes, isang napakatalinong nilalang, Dean's Lister every Sem. Maraming Admirer plus stalkers but she always shut them out. She loves studying, she's gorgeous, she wears glasses but she doesn't look smarty, she has a good sense of fashion. Napakatapang at warfreak kung kinakailangan, she's so perf!
"kyaaaa!" napasigaw nalang ako sa kilig nang hindi ko namamalayan.
"ano ba yan Amethyst! Ang Landi mo!" iritadong puna saakin ni Daph.
"maka-landi ka naman diyan! Wag ka nang bitter. Tsaka sagutin mo na kasi yung mga lalaking nanliligaw sayo nang hindi ka na sumungit diyan." Suggest ko.
"Ame, Stop suggesting nonsense things, they do not even meet half of my standards." Mataray na statement niya.
"ano ka ba? Reyna? Gaano ba kataas yung mga standards na sinasabi mo?" tanong ko pabalik.
She glared at me.
At tinignan ko nanaman yung facebook ko.
"I Love you babe, ikaw lang."
"kyaaaaa!" tili ko nanaman.
"will you stop!?" sigaw saakin ni Daph?
"will you stop?" I mocked her.
"stop mocking me."
"stop mocking me."
She heaved a very deep heavy sigh
"hindi naman kasi dapat na sa lahat ng oras na kinikilig ako eh kumokontra ka? Eh sino bang gusto mo? Nang mailakad kita?" suggest ko.
"wala." Masungit na sagot niya.
"fine." Sagot ko pabalik.
Lumabas na ako dahil baka magsabunutan lang kami ni Daph pag tumili pa ako.
Bawat messages niya napaka-sweet, parang ako na yung pinaka-maswerteng babae sa buong mundo. At kanina pa nagrarambulan yung mga paru-paro sa tiyan ko.
"if only I can hug you" reply ko sakanya.
"*hugs you*" reply niya.
"Sana nararamdaman ko." Bulong ko sa sarili ko.
Ako si Amethyst Rodriguez, 19 years old. 5 months in a long distance relationship.
---
"alam mo dapat daphne, nagkakalovelife ka na, para di ka sumusungit." Sabi ni Harry, ang all-time manliligaw ni Daph.
"eh ano bang pakialam mo kung magsungit ako?!" sigaw sakanya ni Daph.
"siyempre, paano na ang future natin, ang anak natin? Kawawa naman sila kung napakasungit ng nanay nila." Saad niya.
Ako nasa gilid lang ni Daph, pero mas ako pa ang kinikilig kaysa sakanya.
"lumayas ka nga dito! Never kong pinangarap na magkaroon ng pamilya kasama ka." Sigaw ni Daph.

BINABASA MO ANG
LDR
RomanceRELATIONSHIP STATUS: LDR PROBLEM: DISTANCE SOLUTION: MEET-UP HOW? WHEN? LDR is a very complicated relationship. but it's up for you too handle it. kaya mo ba maging loyal? or magpapaloko ka sa laro ng tadhana?