“Naipasa na ba ang lahat? Complete narin yung dolls right? For Gonzales and Sarmiento, I gave them a chance and second chances will have consequences.” She looked at us and raises her brows. That consequence would be something unforgettable, I bet. And should I thank you or not? Nah! I should thank this guy seating beside me na nakiusap sa propesor na ‘to.
“I repeat, second chances always… ALWAYS COMES WITH CONSEQUENCES!” Yeah, yeah I get it prof, thanks for the chance anyway. Kasi naman, how could I forget about the picture and reflection during weekends? How? Napatingin ako sa kaliwa ko kung saang himalang tahimik si Vanness habang nagskesketch. Maganda pala siyang magsketch? Ba’t di ko alam yun? Fine Arts or Arki ba ang isang ‘to?
As a matter of fact, I hardly even know this guy. All I know is he is Vanness Jerome Sarmiento which is by the way I knew from a social media site, captain ng soccer varsity, happy go lucky, palaging naka-ngiti, may kapatid siya na si Veronica which happens to be Kuya Nap’s fiancé.
“A-Ano palang course mo?” I asked in a whisper. Nag-initiate ako makipag-usap during class. That’s new Van, this would be the first and last ba ka mabato ako ng marker ni prof.
Napatigil siya at ngumuso.“You didn’t know? Buti pa ako, alam ko lahat tungkol sayo.” He pointed his stabilo pencil at me.
Umiling ako habang nakakunot ang noo. “Natural! Magtatanong ba ako kung alam ko? Alam mo lahat, I’m sure puro haka haka ang mga nalaman mo.”
Napaawang ang mga labi nito, at nakumperma kong chismoso talaga ang isang ‘to. “Arki.” He flashed a smile and looked at me.
Napatango-tango naman ako sa nalaman ko. Astig naman, five years yun ah? Itong subject na’to ay para lang sa graduating students.
“Graduating ka?” Damn it Vanessa, you sounded fascinated.
“Currently on my fourth year. Sayang nuh? Sabay sana tayong gagraduate, tapos kapag tinawag at aakyat ka ….” Ang daldal pala niya, somehow I felt easy and light. Yung parang wala kang iniisip na iba at nakikinig ka lang sa kanya. Panatag at nakakagaan ng pakiramdam. Naiimagine ko tuloy yung pinagsasabi niya, natatawa ako at mahihiya at the same time kapag nangyari yon. Excited tuloy akong gagraduate, sana naman makapasa nuh? “.... tapos sisigaw ako ng GIRLFRIEND KO YAN! GO GABS MY LABS!”
Masigabong palakpakan ang nagpukaw sa kaluluwa kong naglulumpasay dahil sa di maipaliwanag na saya.
“You two! I considered your excuses and yet here you are causing a disturbance during my class.” Imbes na mainis ako kay prof, feeling ko lumipad yata ang utak ko. Basa na rin ang mga palad ko at naiinitan ako kahit fully aircondition ang silid na ito. Napatingin ako kay Vanness na ngingitingiti lang habang nakatingin kay prof na sabog na sabog ang muhka dahil sa pagkabwisit samin.
“Mamaya na kayo mag-date utang na loob! Moment ko ito, nagtuturo ako!”
Nagtawanan ang mga kaklase namin, may narinig pa akong nagsabi ng bitter daw ang prof na ito dahil dalaga pa ito hanggang ngayon. “So, since the Van-Van Couple—“ Hindi siya natapos sa dapat niyang sabihin dahil biglang nagsalita ang mga kaklase ko ng sabay sabay ukol sa sinabi niya.
“Ayyyiiiee” Napailing na lang ako habang tinatago ang muhka ko dahil sa hiya, rinig ko naman si Vann na lalake na nakiki-ayiie kasama ng iba pa. Parang mga highschooler lang ah? For crying out loud we’re seniors! “Let’s be mature, aryt?” I said enough for them to hear.
“You heard Miss Gonzales. AS I WAS SAYING BEFORE YOU.ALL. CUT ME OUT!” Naginstant zoom in yata ang mata ko sa leeg ng prof dahil kitang kita ko na ang jungular vein niya na parang puputok. Ewan ko kung anong meron sa kanya pero minsan, natutuwa at natatakot ako kapag simisigaw siya. “Since, hindi pa nagsumite ang grupo nila, I can't further discuss the syllabus.”
BINABASA MO ANG
Project Bata
RandomIt was the project that led Vanessa Gonzales and Vanness Sarmiento to meet, interact and work together. She have to, to graduate and get her degree. He needs to, to at least pass the elective required under the curriculum of the university. They hav...