Chapter Thirteen : ILY

59 2 0
                                    

I can't believe that.. that.. that he. Gusto kong magmura, pero baka dalawin ako ng Mama kapag ganun. How did he even... me? Ngayon lang ako napagsabihan ng ganoon. To think that I am freakin' twenty-one year old, senior college!

Kasi kapag ganun, kadalasan yun nangyayari kapag nasa high school level ka pa? Kalandian moment ng highschool, puppy love? Ewan ko lang, wala akong kaalam-alam sa mga like-love na 'yan. Ignorante na ako, hindi naman din kasi ako nanunuod ng teleserye na romansa ang genre o kaya mga pelikula.

'I like you.' Isang simpleng tatlong salita, iba't-ibang interpretasyon. Ano ba ang ibig sabihin nito? I like you bilang isang tao, hayop, pook o lugar? I like you bilang kaibgan, kapatid, kapuso o kapamilya?

E kung ibabase sa 'like' na naranasan ko para kay Kei, infatuation lang. A simple admiration.

Teka nga Van! Ba't ba ako nababagabag sa tatlong salitang iyon? Bakit ba ako namomoblema sa tatlong salitang iyon? Oh right! I didn't have enough sleep, and I'm freakin' thirty minutes late for my first class of the day. Back to school from the long Holidays, maingay nga sa social garden pati narin sa corridors. Miss daw kasi nila ang mga friendship nila, ang oOA! Parang isang taong hindi nagkita, ayan tuloy ang iingay.

It's been days since the school started, at bahala sila wala akong pakialam sa mga kadramahan nila dahil late na talaga ako sa klase. Binilisan ko agad ang pag-akyat patungog third floor, hindi ko na alintana ang kakapusan ng hangin sa baga ko.

Huminga at kinalma ko muna ang sarili ko bago binuksan ang ikalawang pintuan na tiyak na nasa likurang bahagi ng silid. Dahan-dahan ko itong binuksan, at tumakbong nakayuko patungo sa pinakahulihang bakanteng upuan upang umupo. Hoo!

"Any questions? None? Dismiss."

No! Dalawang oras ang klase na'to! Napantingin ako sa relos ko, forty five minutes pa akong late. Pwedeng-pwede pang makahabol diba? Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at ako na lang ang naiwan sa silid. Wala na akong magagawa, hahabol na naman ako sa mga gawain at lessons na tinalakay. Sanay na ako, sanay na sanay. Isinabit ko ang bag ko sa balikat at tumayo na ako habang busing-busy pa ang prof.

Hahakbang sana ako. "Gonzales." Napatigil ako't nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.

"You're late... again." Hinarap ko siya, at sinenyasa niya akong lumapit sa kanya. "I perfectly understand that you're a working student, and I don't want other students to think I am being unfair. But you've been coming late thrice in this class." Tumango lang ako sa mga sinabi niya. I don't have to strong reason against his stance.

"Sorry po talaga." Ang tanging naisip kong salita. Come to think of it, it's a petty excuse if I use the excuse that I am a working student, therefore, I came late because of overtime. Umupo siya sa silya nya at may kinuhang isang folder. Don't tell me, his going to make me do all those record stuff, that only teachers should do. Inibinigay niya sakin ang folder na iyon. "You'll be in the upcoming inter-collegiate debate."

"Sir, senior na ako. Hindi ako pwede, those are the course's rules. Dapat mga juniors at sophomores lang ang isinasabak kapag may ganitong event." Sabi ko habang binabasa ang laman ng folder, mga guidelines ng debate at ang topic. Nasa negative ang panig ng college namin, and its about legalizing divorce in the Philippines.

"Don't worry, will break the rules this time. Ako naman ang organizer e." Sabi niya sabay tawa. Walang hiya talaga tong professor na'to, pa-cool kasi eto. Mabango, malinis siya't gwapo, nagkakandarapa ang mga estudyanteng babae na magpa-enroll sa subjects na siya ang nagtuturo. Kasi raw, madali lang ang subject niya, tatlong chapter exam at tatlong major exams walang daily quizzes. Mas okay daw yun dahil sa finals may project na amendment paper at makaka-one on one siya kapag oral defense. Siya rin ang adviser ng kursong Legal Management kagaya ko. "That would be bias, Sir." I said with a bored tone as I put down the folder on the table.

Project BataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon