[Van, mamaya ah! Wag ka nang tumanggi nakabook na si Napoleon.]
"Huh?! I'm rusting Terri, we don't have practice!" Ramdam ko na ang mga linya sa noo ko. "Atsaka wala kong gitara."
[It was already taken care of. Don't worry, just like the old times! Come on Van! Pleaasse? Pretty Puhleasee.]
Pagmamakaawa ni Terri. Nagmamakaawa si Terri? Teka, ano ba sapat isasagot ko. I couldnt imagine a puck chick image that Terri posseses would be ruined. That would be totally insane.
New Year's Eve celebration tonight and unfortunately, Napoleon The Great feeling-manager book us to a gig in this high-end restaurant.
"GONZALES!" Tawag ng kasamahan mo sa trabaho. Break time ko kasi ngayon, at timing naman na napatawag si Terri. I guess that was my call that may break time is capital O V E R.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagpapaalala ng kasamahan ko na tapos na breaktime. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Terri
[YES! 9PM at the V'S Restaubar. Mwah!]
"Don't blame it on me when we sucked," Sabi ko sa kanya habang kagat-kagat ang kuko. Pinatay na niya ang tawag, bago ko pa man mailagay pabalik ang cellphone sa locker ko, nareceive ko ang text message galing kay Terri na naglalaman ng tiyak na address ng restaubar.
"GONZALES!!!" Ang hilig niyang magtawag ng apelyido. Balik trabaho na!
**
Panay tingin ako sa malaking wall clock dito. Tsk. Malapit na magalas-nuwebe, at ito ako ngayon nagmo-mop ng sahig. Isa-isa kasing tumakas ang mga kasamhan ko sa trabaho dahil excited sa celebration nila sa kanya-kanyang pamamahay. Holiday pala, kaya walang trabaho.
"Gonzales, uwi na." Rinig kong sigaw ni Manong Guard. Kita na nga niyang hindi maayos ang mga upuan dit
to, di pa niya ako tinulungan. E ako lang kaya dito. Common sense naman manong!Patuloy parin ako sa pagmomop ng sahig, di nagtagal narinig ko ang mga upuan, na marahasang hinihila ito. Napangiti ako sa tunog na iyon. Si Manong guard inaayos ang mga upuan. Naawa yata sakin, nakokonsenya siya at nakokonsensya din ako dahil nakonsensya siya. Alam ko naming labag sa loob niyang tumulong, pero problema na niya yun. Di ko siya sinabihan na tumulong siya. Free will niya iyon.
Di nagtagal ay natapos ko na rin, iniligpit ko na ang mga gamit ko sa maintainance room. Agad akong lumabas at tumakbo papuntang locker room. Kahit masakit at nangangalay bilikat ko. Dali-dali kong kinuha ang backpack na sa kasamaang palad, namamahay ang project na manika.
Lumabas ako, itinaas ko ang kaliwang kamay sa ere ng makasalubong ko si manong. Nakasalubong lang ang kilay niya, na siyang natitirang buhok sa ulo niya,"Salamat manong."
Tinignan ko ang relo ko. 8: 59! Grabe naman, sira na 'to e. Inalis ko ito sa palapulsuhan ko at iniwagay-way, baka sakaling mabago ang oras. May humintong taxi sa harapan ko, akala ni manong taxi-driver na sasakay ako. Aba'y sasakay naman talaga ako. "Manong, ito po ang address." Pagkaupo ko at pinakita ang text message na naglalaman ng kompletong address.
Di na ako mapakali sa kinauupuan ko. Late na ako, okay sana kung di ako makakasali sa performance ngayong gabi. Pero nagbitaw ako ng salita kaya dapat panindigan Huminto na ang taxi.
"Ito po. Happy New Year!" Bumaba ako at tumakbo papasok ng restaubar. Itsura pa lang nito, alam kong mga may kaya lang ang kumakain dito Ang ipinagtataka ko lang e, hindi ako hinarang ng gwardya. Ang problema nga lang hinarang ako ng receptionist. So, nagkapalit nap ala ang trabaho nila. Nagtanong ito, kung anong sadya ko rito.
"Isa ako sa tutugtog." Saad ko sabay ngiti sa kanya.
"Pangalan?" Aba'y gwardya na nga, nagtransform into bio-data? Bago paman ako makapagsalita. May biglang umakbay sakin. Thank God! Buti naman at nandito si Aera. Baka mapahiya pa ako dahil wala ako sa listahan niya. Napatingin ako sa palagid ko, ang dami palang tao at nakaformal attire pa sila. Pambihira! Akala ko yung simpleng celebration lang, yung pangkanto style.
BINABASA MO ANG
Project Bata
RandomIt was the project that led Vanessa Gonzales and Vanness Sarmiento to meet, interact and work together. She have to, to graduate and get her degree. He needs to, to at least pass the elective required under the curriculum of the university. They hav...