Chapter 11

218 6 0
                                    

Chapter 11.

"Tingnan mo kung sino ang nasa gilid ng gate." Sabi ni Lisa.

Si Ren, naka black na t shirt na agad ang loko. in fairness, poging pogi sya.

"Hi, Ren!"

"Sabi ko bilisan mong mag out diba?"

"Paka taray naman nito, student council pres. ako diba? may inasikaso pa kong mga papers."

"Sya sige, sakay na."

"San tayo pupunta?"

"Sa bahay nyo, saan pa ba?"

"Pero andun yung mama ko."

"Oh ano naman? Maayos naman ang itsura ko"

"Wala naman akong sinabing hindi maayos ang itsura mo, ikaw talaga"

"Kung gano'n, wag ka ng umangal, dun tayo sa bahay nyo.

~~

Sa bahay.

"Andito na po ako Ma."
Napa tingin si Mama kay Ren.

"Oh, sino naman tong poging kasama mo?"

"Good afternoon po, ako po si Ren, bf po ako ni Ell."

"Ha? kailan pa?"

"Ma, paupuin mo muna yung bisita ko, dami nyo nanaman tanong"

"Ay oo, umupo ka kuna hijo, ako nga pala ang Mama ni Ell, pwede mo kong tawaging Tita Elen or Mama na din."

Napaka ewan talaga nito ni Mama, tuwang tuwa nanaman.

"Sige po, Tita."

"Magkaklase ba kayo ni Ell?"

"Hindi po, ibang section po ako."

"Ahh, anong trabaho ng mga magulang mo? may kapatid kaba? ilan kayo?"

"Isa isa lang ma."

"Tumahimik ka nga dyan, kami ang nag uusap, maghanda ka ng merienda, ay hapunan na pala."

"Hindi na po kailangan, uuwi na din po ako agad."

"Dito ka na maghapunan, tsaka sagutin mo na yung mga tanong ko"

"Nasa abroad po parehas ang mga magulang ko, Doctor po ang daddy ko, Nurse po ang mommy ko, ang ate ko model po. Dalawa lang kaming magkapatid."

"Ah, sige. Maiwan muna kita dito ha. Pupuntahan ko lang si Ell sa kusina."

"Sige po."

Hays, nakahinga din. parang machine gun ang mama ni Ell, ang daming tanong pero mukhang mabait naman. Mukha lang akong hindi kabado, pero nanlalamig ang mga kamay ko. Baka nag mukha akong mayabang, pero yun naman ang totoo. Kahit si Hyper hindi alan ang tungkol sa parents ko, bakit di nya alam? Hindi sya nag tatanong, yan talaga ang gusto ko sa kanya, hindi mausisa. Hinihintay nya lang akong maunang magsalita. Swerte na ba ako? Siguro.

~~

"Ell, hindi mo naman sinabing mayaman pala ang bf mo."

"Hindi ko naman alam na mayaman sya ma."

"Hindi mo alam?"

"Ibig kong sabihin, di naman kasi namin pinag uusapan yun"

"Dapat sinabihan mo agad ako, nakakahiya yung kadaldalan ko."

"Eh kayo eh, excited kayo."

~~

"Ah, nga pala hijo, kung sakaling yayain mo si Ell, ipagpapa alam mo muna sya ha. Ayoko ng san san mo sya dadalhin."

"Ma, ano ba yang sinasabi mo, nakakahiya ka"

"Wag po kayong mag alala, ipapa alam ko po sa inyo ang lahat."

"Sige, mabuti pa ay kumain na tayo."

Ell's POV
Ang tahimik habang kumakain kami, lahat ng hinain ni Mama kinain naman ni Ren, very good. 3Points for Ren.

Pagkatapos naming kumain nagkwentuhan na ulit si Mama at Ren, akala mo close na close na sila kung mag usap, nakaka panibago, ang galang galang ni Ren kay Mama.

"Oh mauuna na ako sa kwarto, mag usap na muna kayong dalawa dyan"

"Sige ma."

"Goodnight po."

"Salamat"

"Ah Ren, wala ka bang mga home works?"

"Wala, bakit?"

"Malay mo meron, eh di gawin na natin dito."

"Ahh, wala nga, at kahit meron pa, hindi ko din yun gagawin dito, nakakahiya."

"Ang arte mo, parang tunay lang."

"Hindi sa ganon, sya nga pala uuwi na din ako"

"Oh sige, 8:30pm na pala."

"Hindi na ako magtetext. Matulog ka ng maaga, ok?"

"Ok po, ikaw din."

"Sige na, uuwi na ako"

"Ok, ingat!"
Mabilis kinuha ni Ren ang helmet nya bago lumapit ulit sakin.

"Hanggang dito na lang muna ako, goodnight Elena" Sabay kiss ni Ren sa noo ko, kinikilig ako. Matulog daw ako ng maaga, pano ako matutulog nito?

"Pumasok ka na Ell, bye."

A/N: ayee. nakapag update din po ako. maraming thanks sa pag iintay, vote and comment po. :)

Mr. Angas and Ms. HyperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon