Chapter 16

187 3 0
                                    

Chapter 16.

Hi ma, im home"

"Buti naman at umuwi kana."

"Po?"

"San ka galing Ell?"

"Sa... sa school po, san pa ba?"

"Sa school? Kahit naiwan mo yung id mo? Pano ka makakapasok ng walang id?"

"Ma, kasi ano."

"Mag uusap tayo, may kukunin lang ako. "

 

Kabadong kabado si Ell habang hinihintay nya ang mama nya bumaba. Pakiramdam nya.lulubog na sya sa sofa nila.

"Ano tong mga to?"

Nilapag ng mama ni Ell ang isang memo. Memo na ilang beses na syang nag cut ng klase.

"Bakit ka may memo na ganito?"

"Ma kasi ano. Ano." Nauutal si Ell habang nagsasalita.

"Sagutin mo ako ng ayos Elena,.hindi ka naman siguro magsisinungaling diba?"

"Sorry ma, dalawang beses lang naman po yan eh, nagkatuwaan lang kami. Sorry ma."

"Hay naku. Bakit hindi nyo nalang.hinatayin mag uwian bago unalis diba? May grades kang iniingatan, Student Pres kapa ng school nyo pero ikaw pa ang nangunguna sa kalikohan."

"Sorry ma,.sorry po talaga"

"Kasama mo ba si Ren pag umaalis ka ng school?"

"Opo, pero wag nyo po syang sisihin gusto ko din naman po eh."

"Mukhang hindi pa dapat kita pinayagan mag boyfriend, hindi napag sasabay ng ayos. I'm afraid kailangan nyo munang-

Hindi na natapos ng mama ni Ell ang sadabihin nya. Sya na mismo ang nagsalita.

"Ma promise, mag aaral akong mabuti, I peperfect ko lahat ng exam ko para mapatunayan na ok na ok ako. Pls ma."

"Ok sige. Deal natin yan, pag di mo nagawa,.maghiwalay na muna kayo ni Ren."

"Opo.

Kagat labi nalang ang huling sagot ni Ell. Alam naman nyang kaya nya na ma perfect lahat ng exams nya pero ayaw din nya na maghiwalay sila. Matapos nilang mag usap ay umakyat na sya sa kwarto nya at tinext si Ren.

Hi! Kalma muna tayo ha.

Hindi sumagot si Ren sa text nya pero maya maya ay tunawag ito.

"Anong sinasabi mo Ell?"

"Nabasa kasi ni mama yung memo ko, alam mo na. Ayun. Dapat ma perfect ko yung exams kung hindi maghiwalay daw muna tayo."

"Bat kaba kasi nagka memo? Abnormal ka talaga."

"Nagtanong kapa, eh ikaw lang naman dahilan."

"Sorry Ell, dapat talaga hindi kita sinasama pag may pasok eh"

"Ok lang yun, mag aaral ako mabuti, ganun ka din ok?"

"Hindi mo ko sasamahan mag review?"

"Mhmm. Hindi muna, kayang kaya mo yun. One week lang naman, kailangan talaga natin mag focus."

"Tsk! Sige na nga!"

"O sige na, kita kits nalang sa school"

"Sige, bye!"

"Bye din"

A/N: hello! Short ud muna, next ud ko nalang po hahabaan :) vote. Comment. Suggest

Mr. Angas and Ms. HyperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon