Chapter 14

219 5 0
                                    

Chapter 14

"Uy, Lisa!"Malakas na sigaw ni Allen

"Ano bang problema mo?"

"Pansinin mo na ako, sorry na!"

"Hindi naman ako galit sayo eh"

Gusto lang kitang patayin! Sabi ni Lisa sa sarili nya.

"Ilang araw mo na nga akong iniiwasan eh. Pwede ko namang ipaliwanag yung tungkol kay Jaela eh."

Sapakin ko na kaya to? Anong akala nya sakin uto uto ako? Mukha nya.

"Ipaliwanag your face! Hindi na kailangan, wala namang dapat ipaliwanag, and please lang, kung gusto mong kausapin pa kita, tigil tigilan mo yang paglulumandi mo sakin, kalimutan na din natin yung nangyari nung nakaraan, nababaliw lang ako ng mga panahon na yun."

"Ang dami mo namang sinasabi dyan, basta, sorry na. Pero basta, gusto kita. Ok ba?" Kinindatan ni Allen si Lisa.

"Hays! Nakakairita ka talaga, bahala ka na nga sa buhay mo. Panindigan mo yan hanggang kaya mo."

Suko na ko kay Allen, parang praning pala tong lalaking to.

"Akin na yang mga gamit mo, ako na ang magdadala."

"Sige, tutal feel na feel mo eh."

~~

Nagulat lahat ng mga kaklase namin dahil nakita nilang dala dala ni Allen ang mga gamit ko. Anong magagawa ko eh nag pupumilit sya, at ang hindi ko maintindihan, parang ngiting ewan sakin si Ell. Andito na pala sya classroom, malamang sabay nanaman sila pumasok ni Ren.

"Bagay kayo."

"Tigil tigilan mo nga ako Elena, nakaka alibadbad yang sinasabi mo"

"Sus, eh bat dala dala nya yung gamit mo? Nanliligaw ba sya sayo?"

"Hindi no. Nagpapa pansin lang talaga yang si Allen."

"Mukhang natutuwa ka naman eh"

"Naiinis na ako sayo ahh, isa pa"

"Joke lang ito talaga, ang taray."

"Ikaw kasi eh, teka, asan yung bf mong hilaw?"

"Ewan ko eh, hindi nagpaparamdam, baka absent"

"Ganun? Parang di mo sya bf kung magsalita ka"

"Alam mo namang hindi ko din maintindihan ang topak nun, mabait tapos biglang mag aasim, sweet tapos biglang magiging cold. Im getting use to it." Nakangiting sabi ni Ell.

"Sabagay, kakaiba si Ren eh."

"Tama ka dyan."

Masayang nagke kwentuhan ang dalawa ng biglang pumasok si Ren sa classroom nila.

"Andito ba si Elena?" Malakas na sabi ni Ren

Anong topak ng lalaking to? Ang lakas nanaman ng boses. Ilang araw di nag paramdam tapos ganito?

"Wag ka ngang sumigaw, andito lang ako,bakit ba?"

Bigla syang niyakap ni Ren ng mahigpit

"Na miss kita."

"Ha?"

"Sabi ko na miss kita, anong ha?"

Bumitaw si Ell sa pagkakayakap sakanya ni Ren,.napansin kasi nyang nakatingin yung mga classmate nila.

"San ka ba kasi nagpunta? Dika man lang nagparamdam kahit text eh!"

"May inasikaso lang ako sa manila, tapos naiwan ko yung cellphone ko sa bahay ko."

Mr. Angas and Ms. HyperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon