chapter 9

328 9 2
                                    

chapter 9.

“Bakit ngayon lang kayo ni Ell?” Tanong ni Allen.

“Wala, may nangyari lang, teka, san ba ang punta natin ha?” Sabi ni Ren

“Sa TOMSWORLD na lang tayo, videoke lang, diba?”

“Hindi ako marunong kumanta, kayo na lang uuwi na ako.”

Naku, pag umuwi si Ren, hindi na matutuloy ang plano ni Lisa, pero mas ok naman kung di matutuloy yun eh,. Tsssss. Baliw na ata ako.Ano bang sinasabi mo Ell?

“Tara na Ren, andito na tayo eh.” Naka ngiting sabi ni Ell

“oh pano ba yan pare, three against one na.”

“Sus, sige sige, tara na.

*Tom’s World*

“Ang ingay ingay lang dito eh, ano bang gagawin natin dito?”  Reklamo ni Ren.

“Mag ke- kbox nga tayo eh, kayong dalawa ni Lisa ang partner, kami naman ni Allen. Ok ba?”  Sabi naman ni Ell.

“ay oo, magandang idea yan, para maging close naman si Lisa at Ren.” Sang ayon naman ni Allen.

“Tara na, tara na.”

*K-box 1*

Ahm, Ren, ano  nga palang nangyari sa u.n nyo? Tanong ni Lisa.

Hindi na tuloy yun, kasi, dinonate na lang sa mga nasalanta ng bagyo yung pondo, mas mabuti nga yun, para dina ako magpapractice.

Sabagay, nga pala, wala kang gf diba?

Wala, bakit?

Ahh, matanong ko lang, ano ba ang mga gusto mo sa babae?

Gusto ko? Wala namang specific, basta pag nagustuhan ko, sya na yun.

*k-box2*

Ok lang ba talaga sayo ‘to, Ell?

Anung ibig mong sabihin?

Alam ko at alam mo sa sarili mo na gusto mo naman talaga si Ren diba?

“Hindi ahh, hindi ko sya gusto.” Pag tanggi ni Ell.

Hindi mo gusto? Halata naman, si Ren lang ata ang hindi nakaka halata, pano pag gusto ni Ren si Lisa?

Eh di mabuti, gusto nya si Lisa, magiging sila na.

Kapag naging sila na, lalayo na si Ren sayo. Yung closeness nyo, mawawala na, sure ka bang ok lang yun sayo?

Napatahimik si Ell ng ilang sandali.

Ano, bat napatahimik ka? Napapaisip ka na diba?

Habang si Lisa at Ren ay patuloy pa rin ang pag uusap.

Magtatapat na si Allen kay Ell, ayos yun diba?

Anong sinasabi mo dyan?

Kaya nga tayo partner eh, ikaw at ako tapos silang dalawa.

Teka, ang ibig mong sabihin pinopormahan ni Allen si Ell? Hindi na nahintay ni Ren ang sagot ni Lisa bigla na syang lumabas ng k-box.

“Ren.” Sabi ni Ell

“Ell.” Sabi ni Ren

Teka, bat ka lumabas Ren? Tanong ni Lisa

Aalis na ko, tara Ell, sumama ka sakin.

San kayo pupunta pre?

Wala kang paki, simula ngayon hindi mo na pwedeng lapitan si Ell, girlfriend ko na sya.

Mr. Angas and Ms. HyperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon